Saturday, December 20, 2008

creepy kundiman...@_@

my parents recently discovered something "new": CD's

now i wish they could un-discover it.

kagabi may narinig akong nakakatakot na tunog....parang buddhist chanting...parang isang voodoo chant na bumubuhay ng mga patay...
hindi ko naiintindihan yung sinasabi dahil medyo malayo...akala ko mga matatandang nangangaroling lang..
ngayon ngayon lang, narinig ko uli yung chanting na yun...so i followed the source of the sound...

ayun nga...kundiman na CD pala....hardcore kundiman ha...hindi yung mga typical na mga kana na sumasagi sa isip mo tuwing naririnig yung term na kundiman...
samahan pa nung boses na parang kumakanta habang nakahawak ang nanginginig na kamay sa lalamunan....

Thursday, December 18, 2008

programmers != miracle workers

this is why i hate hacking related movies... pero papatawarin ko ang transformers*...maganda naman ang effects nila eh...


* - yung pag-decode ng "secret message" sa signal...akala ko visualization lang ng bagong version ng Windows Media Player....hmmm, siguro yun yung WMP15(coming in 2016--ish...XD)

Wednesday, December 17, 2008

help...

pahingi naman ng mga pang duet na mga kanta...
so far ito na ang meron ako... (with matching opening lyrics...in case na hindi sila madaling marecognize)

Always - "girl you are to me.. all that a woman could be~".....da best!!! *teary eyed*@~@

Endless Love

The Prayer - "I pray you'll be our eyes and watch us where we go"

Something Stupid

I want to spend my lifetime loving you

Way back into love - technically...i don't think this is a duet...

Cruisin - "Baby let's Cruise away from here"

A whole new World

Bakit ngayon ka lang - isa pa ito... hindi pa siya maituturing na duet in my opinion...pero isinama ko na rin...

i need suggestions....thanks....

Monday, December 15, 2008

idLe....=(

it's been four months... four extremely boring months mula nung matanggal ako sa work...
so far, wala pa ring job offer...ni isa...

ilan kaya sa mga ka-batch ko ang wala pa ring trabaho? feeling ko ako na lang...

sabi nung kakilala ko, wala daw talagang masyadong hiring pag december...

wala pa rin akong balita sa fujitsu...although mukhang ok naman yung interview ko 2 weeks ago.

Estoy comenzando a perder esperanza...no quiero ser un freeloader.

marami sana akog gustong gawin, kung may pera lang ako.
grabe...naghihirap na ako... x_x

Friday, December 5, 2008

december na naman....T.T

argh... naalala ko lang kung ano uli ang ibig sabihin ng december nang marinig ko ang maiiingay na nagngangaroling sa labas ng bahay.... sa tapat pa ng mapayapa (at madilim) kong kwarto.

it's time to stock up on loud music na kontra-ingay...

Tuesday, December 2, 2008

fun word 1

sphenopalatine ganglioneuralgia - technical term for brain freeze...

so the next time you shout "AAAArrrgh...", you know what to say...

Monday, December 1, 2008

ala-ala ng kahiya-hiyang preteen days

yup...akin yan... binili ko yan nung grade 4 pa ako! LOL!!!
Title pa lang ng album kinikilabutan na ako...
meron din akong dalawang album ng boyzone (A Different Beat & Where You belong)

gusto kong batukan yung 10-year old self ko...kung pwede lang.
bakit nga ba hindi na lang eraserheads ang pinabili ko?...or rivermaya?...para nagkaroon naman ako ng koleksyon na pwede kong ipagmalaki pag laki ko.

hekhek...naalala ko tuloy yung mga pagtatalo nung mga kaklase ko sa pag-bigkas ng "moffats".....

...moh-pets
...muh-fets
...mah-fets
...mopats

XD

= )


hehe...ang kyot kyot...

hindi ko nakita sa news... pero buti na lang habit ko talaga ang mag-star/moon/cloud/etc-gazing
too bad hindi kayang kunan ng digicam ko....= (
kinuha ko lang yung pic from this blog..

Friday, November 14, 2008

Wednesday, November 12, 2008

popping

election campaign art...

I'm not an advertising(fine arts) grad, but i think these posters are brilliant!!

alam ko marami namang magagaling na artist dito sa pilipinas ah...pero bakit never ako nakakita ng "mind blowing" na campaign advertisment..tulad nung kay obama.

Bakit puro novelty song lang?...at mga poster na parang gawa sa MS paint...

Friday, November 7, 2008

yey, im like a hybrid car....or something

35.5 miles per gallon

three months later

another month has passed, wala pa rin akong trabaho...(T.T)

and i know the cause/...

I'm very bad when it comes to interviews.

Sa exams wala akong problema. chicken feed lahat ng exam na kinuha ko...pasado lahat, without even bothering to review or sleep early on the day before the exam....even if i completely have no idea what the exam is all about...(tulad nung exam ko sa NEC)

pero sa interviews...... yari na

kung magaling ako sa interview, siguro nagka-work agad ako 1 week after kong matanggal sa oracle...sa isang mas malaking company pa!

siguro nagkaroon ako ng 3-5 job offers within the past 3 months--sa malalaking companies pa lang yun...

haay....

back to my sulking...

*sulk* *sulk* *sulk*

Saturday, November 1, 2008

trick or treat

may mga bata na nag-ttreat or treat sa village namin kahapon...
nang mabalitaan ko yun, nanghinayang ako na hindi ko kilala si Storm....

"I Control teh elements....by the fulll power of the storm!!!!"

bwahahahahaha...


haay

lakas trip ni Darth Vader

Friday, October 31, 2008

Gawaing pangsanay 1

Pwede ka bang maging scriptwriter/director ng mga TV shows? bilugan sagot na naaayon sa iyong kagustuhan.

1. May sikreto ang mga bida.... sa paanong paraan malalaman ng mga kalaban ang sikretong ito?

a. maririnig ng kalaban ang usapan ng mga bida mula sa siwang sa pintuan
b. by coincidence ay mahuhuli/makikita ng kalaban ang sikreto
c. makikita nila ito sa files ng computer ng bida...nakalagay sa desktop ang super duper secret file..XD
d. mahuhulaan ito ng kalaban, base sa mga kakaibang kinikilos nito at base sa mga ebidensyang nakalap sa pamamagitan ng satellite images....mula sa satellite na pagmamay-ari ng kalaban


2. Gusto mo ng kakaibang twist sa gagawin mong TV show...hmmm, ano kayang twist ang magandang gawin?...

a. Hindi kilala ng bida ang tunay niyang ama/ina OR hindi niya tunay na ama/ina ang mga kinikilala niyang ama/ina
b. Merong powers yung bida at kalaban. Nakuha nila ang kapangyarihan mula sa isang matanda, ibang mundo/planeta/dimensyon, eksperimento
c. Ordinaryong tao sa isang di-inaasahang sitwasyon
d. Panget yung bida, as in!...T.I.M.Y.A.P., ika nga....dahil tinamaan ang mukha niya ng radiation nang subukan niyang i-explore ang laman ng bataan nuclear power plant.....at pinagngangatngat ng mga mutated na daga ang mukha niya


3. Gusto mo ng magandang ending sa kwentong ginagawa mo....paano mo tatapusin ang kwento?

a. Ikakasal ang bida... tatapusin sa isang kaka-kilig na kissing scene. aww......*kiligz*
b. Mamamatay ang kalaban sa isang bonggang-bonggang pasabog.....bwahahahaha....buti nga sayo!
c. Magiging mabait ang dating kalaban at magiging close sila ng bida. Lilipad patungong ibang bansa yung kalaban para magbagong buhay.
d. Ikakasal ang bida at kalaban....sa california(pareho silang guy/gal)...american citizens na sila btw

4. Beggar-mode yung bida at naghahanap ng masisilungan....kumatok sa isang bahay na, according sa plano, ay hindi tatanggap sa kanya. Paano mag-rereact ang may-ari ng bahay?

a. From a completely calm state, bigla itong ma-e-HB (high blood....read: ma-eh-eyts-bi....tsk, may tama bang spelling sa mga ganitong tagalog words? anyway...) at magsisisigaw: "humpf! ang baho baho mo!!! UMALIS KA NGA SA PAMAMAHAY KO...BLAH..BLAH!"*itutulak si-bida-papalayo*.(...kahit na ang-ganda-ganda naman nung pulubi at wala ni isang pimple)
b. hindi sasagot
c. "pasensiya na ha, pero ndi ka talaga namin mapapa-tuloy sa bahay namin"
d. "pasensiya na ha, ndi ka namin mapapatuloy...., eto oh, *abot ng cheque*.. sa makatulong sa iyo yan...pasensiya na talaga ha"


5. Walang mahalagang event sa araw ng talk show na dinederek mo...Malayo pa ang susunod na holiday/fiesta....walang event....walang artista na bagong uwi ng pilipinas...walang hot na chismis para mapag-usapan..walang may birthday...as in wala! Anong gagawin mo sa next episode?

a. Kahit anung topic na lang....uhm...."pets ng mga artista"?...pwede na yun! tapos magtatawag ng maraming artista[lalo na yung mga love teams] na gagawa ng maraming song and dance numbers. tapos pag interview na....bahala na....kahit wala naman talagang pet yung artista, pwede na rin! tapos may surpise numbers din! pahabol....dapat maraming confetti, at parang laging may fiesta!!
b. mag-replay ng episode na may event...mas mabuti na yun kaysa sa walang kwentang topic
c. simple topics na for sure ay gusto ding gawin/subukan ng mga tao regardless of season... like for example, mall hopping sa mga malls along EDSA mula Trinoma hanggang MoA
d. Paano buksan ang third eye at i-activate ang telekinetic abilities na maaaring gamitin ng mga televiewers sa pang-araw araw nilang pamumuhay





pag karamihan sa mga sagot mo ay (a) or malapit sa (a)...congrats, tanggap ka na bilang writer sa susunod na season ng daisy siete...(buti ka pa may trabaho na, ako wala pa...), malaki rin ang chance na kamag-anak mo si louie ignacio

pag (b), nakakaantok ka mag-sulat, pero pwede na rin....mapag titiisan na rin kung wala talagang palabas

pag (c), well,,...medyo sayang pa rin ang oras ng matatalinong tao....pero at least "medyo sayang" na lang no!

pag (d), bob ong, statue?!

Thursday, October 30, 2008

e-burol....LOL!!!

mga naiisip talaga ng pinoy oh...
  • interactive kabaong - kabaong na may lcd screen na nagpapakita ng ppt
  • e-burol - hulaan ko ang catchphrase nito..."watch burols online"...ehekhekhek...
ako rin may naisip na maganda....magagandang songs para sa burol ....ehehehe

5. Bring me to Life

4. Ilibing ng buhay ang mga pa-sosyal

3. Gangsta's Paradise

2. In da Club

1. Voltes 5 Ending Theme - naiimagine ko yung mga nakikilibing....pumipitik-pitik pa ng sabay-sabay habang naglalakad....nice!

0. Voltes 5 - Opening Theme - naka-balita na ako ng libing na ito ang tugtog...pramis! bata daw kasi yung ililibing and favorite daw yun nung bata...

Monday, October 27, 2008

My Life List

(ginaya ko ito dun sa isang chapter sa Chicken soup for The Soul)
* bold+italic means "in progress" or nagawa ko na pero kulang pa...


Learn to Speak
  • Spanish
  • Japanese
  • French
  • German
Learn to Play (musical instrument)
  • Piano (both by note-reading and "de oido")
  • Guitar (both by tab-reading and "de oido")
  • Organ
  • Flute
  • Saxophone
  • Drums
  • Piccolo
  • DoubleBass
  • Violin
Experience / Learn to [do] / Be very good in:
  • Skydiving
  • Base Jumping
  • Rappelling (lahat ng style,,,,Australian Rappeling, pati yung upside down)
  • Spelunking (--exploring caves....nagawa ko na ito, pero gusto kong ulitin...without a tour guide)
  • Scuba Diving
  • Surfing
  • Chess
  • Ice Skating
  • Ice Skiing
  • Design a house
  • Kendo
  • Jujitsu
  • Bowling
  • Photography
  • Drifting
  • Play in a Band
  • on-the-spot Charcoal Painting
  • Fencing
  • Understand all the major fields of mathematics...(Integral Calculus, Numerical Methods, etc)
  • Understand Quantum Physics
Travel / Explore /Go to...
  • Maldives
  • Japan
  • France
  • Germany
  • Austria
  • Italy
  • Spain
  • Chile
  • Egypt
  • Carribean Islands
  • Palm Islands, Dubai
  • Easter Island
  • Galapagos Islands
  • all the tourist spots in the Philippines
Read [,be familiar and understand]:
  • TC7 (The Calculus 7....3-4 inch calculus book ....chapter 1 pa lang...T.T)
  • All of Haruki Murakami's Books (two down!)
  • Bob Ong Books - done!
  • Harry Potter series - done!
  • the Bible
Learn to Program in:
  • Google Android
  • Symbian
  • iPhone SDK
others:
  • be a psychologist (or psychiatrist, if i can find the time...)
  • Compose liturgical music
  • Direct a Film
  • Retrace Jose Rizal's travels in Europe
  • Conduct a seminar in UST (preferably about mobile programming or Java programming)
  • be a known authority in the subject of mobile programming
  • Write / Publish a Book (I have already written 3 books-worth of journals....currently doing my 4th....yet to write something that is publishable)
  • Earn certification in PhilNits
  • Earn SCJP and SCJD certifications (I'll be taking SCJP April Next Year)
  • be an Sun Certified Enterprise Architect (SCEA)
  • esté casado con [la] *bleeeeeep* y tenga niño
  • to be able to accomplish everything in the list, especialmente el que está antes de esto

the old paintbrush

Saturday, October 18, 2008

mi estado actual

No he estado haciendo nada para el último pocos días. Hay muchas cosas que he realizado, como, por ejemplo, la razón por la que todavía no puedo encontrar un trabajo.....Pienso que está debido a mi orgullo.

Estoy comenzando a perder esperanza.

El pensamiento de ella me mantiene vivo… me hace feliz...

macmacan~!

wallpaper ko:



wallpaper ni jen:



hindi namin pinag-usapan yan.....pareho lang talaga kami mag-isip! LOL!

Saturday, October 11, 2008

ATM Nostalgia

Namimiss ko na mag-withdraw ng pera...

...Ang mala-musikang tinig (kung meron man) na nagmumula sa makina na nagtatanong kung ano ang susunod na transaksyon...

...Ang Halimuyak ng malutong at bagong withdraw na pera...ang gintong Ninoy at asul na TVJ...ang sarap ipang-paypay kapag pagod sa trabaho...

...pati na rin yung mga resibong naiipon sa mga bulsa at bag...kasama ng mga ticket ng bus na naka-bilog...nagtatago, sumisingit sa kaila-ilaliman at kasuluk-sulukan...

magkikita tayong muli...balang araw...(T.T)

Friday, October 10, 2008

with very deep intellect lolz

64% Geek



pero ito ang tunay na matalino...
[PAALALA: maghanda ng maraming tissue..dadanak ang dugo]

Tuesday, October 7, 2008

Luca Pacioli, pray for us

huhu.... i knew i should have listened to my accounting class during high school and college..

eto ako, nag-ppseudo-audit ng sales...

Luca Pacioli, pray for us...*luhod*

Thursday, October 2, 2008

bakit ayokong tumao sa tindahan...

- mga wierd na pronounciation...
  • kutung bans - cotton buds
  • bebeh owel - baby oil
- ambigous na brand names (pagagalitan ka ng bumibili pag mali ka)
  • champion (sabon at sigarilyo)
  • happy (mani, diapper at kutung bans)
- generic names
  • surf na tide
  • EQ na pampers
- matatalinong mamimili
  • ...pabili nga nung binili ko sa inyo nung isang taon
- nagmamagaling na mamimili
  • [genius]: pabili nga ng guardian...
  • [tindero]: baka gardenia
  • [genius]: ah, yun nga... pareho rin yun
- mutant na mamimili
  • may mama na bumili kanina... ung villain siya sa heroes...wala na... superhuman ang baho mehn. Akala ko kanina bumabagal yung oras ala hiro nakamura... utak ko lang pala yung bumabagal sa amoy niya.

haay...

Wednesday, October 1, 2008

waiting for my raket to come...

By Sunday October 5, 2 months na akong walang trabaho...

Ang natitirang pera ko na lang ay ang mangilan-ngilang coins na nasa coin purse...na kasama ang mga ligaw na quantum tokens (pang dancemaniax)...

(T.T)

* magaling na ako magdancemaniax...joke na para sa akin ang Wild ng Baila Baila, 57th metallic Grey, pati na rin All my Love. Inaaral ko na ngayon ang Afronova, Quickening at Happy Hopper (pag mainit-init ako, kaya ko tapusin ang Happy Hopper)

Monday, September 29, 2008

Paulit-ulit na redundance

  1. Sa telenovela/teleserye: hindi makilalang mga tunay na ina at tunay na ama
  2. Sa quickfire(QTV11): "according to blah blah research, umami is the blah blah blah"
  3. Sa kalsada: grupo ng kabataang malalaki ang t-shirt na may malking panyo at may kulay ang buhok
  4. Sa kalsada uli: mga scooter na maingay at masarap sagasaan ng paulit-ulit
  5. Sa jeep: air supply (or any other old school band na may gitaristang long hair, mukhang adik, at itsurang nagsasabi ng "peace mehn")
  6. Sa byahe [in general]: mga kapwa pasaherong malalaki o mga ale na hindi mo naman magawang pwersahin na magbigay ng space sa takot na baka daganan ka
  7. Sa byahe pa rin [sa bus]: ang walang pakundangan pagpapalabas sa mga walang kamatayang palabas na Sis at Daisy Siete sa mga oras kung kailan pinakamabilis mag-init ang ulo ng mga tao
  8. Sa simbahan [bilang isang choir member na madalas pakalat-kalat dito]: Mga ale na nagtatanong ng "Saan po ba nagpapa-misa?" at "Saan po ba ang opisina ni Father?"....na minsan ay napagkakamalan pa ako na seminarista...grr..

Thursday, September 25, 2008

efficiency


Kanina sa interview...as usual I marketed my "obsession for efficiency". at pagkasabi ko nun ay binanggit ko na rin yung "proof" ko na kahit sa paglalakad ay iniisip ko pa rin ang efficiency...

kapag naglalakad ako from point A to D, i take the path AD instead of the preferred AC CD.

nung matapos yung interview i was corrected... same lang daw yung distance nung dalawang path. Hindi na ako nakipagtalo kasi daw BS math siya....baka meron siyang trick up her sleeve at mapahiya pa ako...so tinanggap ko yung correction...

Pagkauwi, i tried to actually compute it... (dati kasi assumed ko lang yun through mental math..)

ang goal [niya] is AD = AC + CD
using pythagorean theorem...
c^2 = a^2 + b^2

lets say square yung daanan... with starting point A and endpoint D (see figure)
let's say 3 ang length ng bawat side...
c is the hypotenuse or the line segment AD.

c^2 = 3^2 + 3^2
c = (3^2 + 3^2)^(1/2)
c = (9 + 9)^(1/2)
c = (18)^(1/2)
c = 4.24
AD = 4.24
AC = 3
CD = 3
going back to the goal....
AD = AC + CD
4.24 < 3 + 3
4.24 < 6

therefore i conclude na sa hypotenuse na ako lagi maglalakad....unless may bldg/pond sa gitna or umuulan [at nasa gilid lang yung may bubong] ...

apir tayo, katotong pythagoras!


Tuesday, September 16, 2008

Friday, September 12, 2008

The purpose of this...

kasama ng mga walang kamatayang IQ test, pagmamatch ng synonyms ng mga terms na hindi mo naman gagamitin sa buhay mo, at exam na may actual na kinalaman sa trabahong gusto mong pasukan...ito yuns isa pa sa pinaka common na exams na naeencounter ng isang applicant...
Complete the following sentences daw... eh siyempre, dapat serious so maayos ung nilagay ko kanina, pero sa totoo lang, ito yung gusto kong ilagay:
  1. I like eggs.
  2. The happiest time in my life would probably be....when I accomplish this list.
  3. I want to know what love is.
  4. I regret starting this stupid list.
  5. At bedtime, I watch the sunrise.
  6. Men are from mars.
  7. The best medicine, laughter is. - yoda
  8. What annoys me the most is filling up questionnaires that has no relation to the job that I am applying for...
  9. People are people.
  10. A mother is the reverse of rethom a....whatever that means
  11. My greatest fear is testophobia.
  12. Sports is the way it used to be.
  13. When I was a child I was young
  14. My nerves are inside my body.
  15. Other people are not me.
  16. I failed my favorite subject, numerical methods.
  17. My mind is a carnival.
  18. The future is Clear

  19. I need money. Hire me...puh-leeeaase?
  20. Marriage sounds like carriage.
  21. I am best when I have money.
  22. Sometimes I wonder how they(HR) check this sort of questionnaires...
  23. The only trouble with hello is goodbye.
  24. My father is at home.
  25. Most women are.... long haired.(?) (yup, wala na maisip XD)
After ko sagutan yung paper ko, narinig ko na napa-bungisngis yung kasama kong applicant sa room. I looked at his paper...ah kaya pala...nasa "complete the ff sentences" na rin pala siya.
Siguro marami nang kakaibang na-basa yung mga HR sa ganyan...hmmm..

Wednesday, September 10, 2008

stupidification in progress...40%

ayoko na talagang manood ng TV, lalo na ng telenovela/teleserye, at siesta-shows.
sa bawat nood, feeling ko i'm one step closer to devolving to some low-life creature.

Kanina habang nasa bus pauwi, around 2pm, i was not able to sleep. Alanganin kasi yung naupuan ko.
"ooh ooh aaah aah vaklushi~"
...and my day was officially ruined.

the show went on as i was on the bus...stupid script flowed freely from the TV's speakers to my eardrums, pa-pasok sa bad-trip kong utak, then lumabas sa katawan ko in the form of anger-heat...the desire to buy TV-B-Gone keychain or to destroy that TV.

Sa bawat script na dumadaloy sa utak ko, parang kasamang nalulunod ang isang endangered specie sa utak ko na tinatawag na "IQ".

Good thing, dala ko ang mp3 player ko...then i started listening to coffeebreakspanish...
ah...mucho mejor! (much better!)
Nilagay ko yung volume sa pinakamataas na level.. ok lang mabingi, kaysa sa ma-bobo.

Kung paano nakaabot sa ganun ka daming season ang daisy siete, ewan ko.
Naalala ko tuloy yung kwentuhan dati sa oracle...(T~T...wala pa rin ako trabaho...T~T)

[sir pao]: uy! pahiram naman ng DVD ng daisy siete!
[kuya dan]: teka, hindi ko pa tapos!
[sir pao]: bilisan mo naman...alam mo naman na favorite na favorite ko yun no!
[HR]: YUUUUUUUCK!!

note: - hindi ako 100% sure kung tama ba ung 2ns at 3rd na uhm..."script"..except the "YUUCK" one.

Tuesday, September 9, 2008

Mang Pandoy

Last week, laman ng balita yung pagkamatay ni "mang pandoy" at kung paano siya namatay...na mahirap pa rin.

He had a TV show, a job (consultant sa house of reps), at scholarship sa lahat ng mga anak niya...kulang na lang yata tax excemption, but still he died poor.

Bakit naman? kasi ba naman, ang magagaling na anak, nag-asawa ng maaga.
Ay, kumusta naman...tapos, let me guess.... hindi nakahanap ng trabaho, then, umasa sa magulang--ni hindi man lang nakapag-abot ng pera sa magulang--in the end, nahila pababa kasama ang masipag na si mang pandoy..tsk.

too bad wala nang bobongpinoy.com para paglagyan ng mga reklamo ko towards the typical Filipino society(marami akong mailalagay dun)

Wednesday, September 3, 2008

i haz a trauma

dati sobrang excited nung aso namin na makalabas ng bahay
most of the time, nakakulong kasi sa likod-bahay...
pero ngayon may phobia na ata siya na lumabas...hehe.
yung first time niya na lumabas ng bahay nasagasaan....ayun napilayan.
mula nun(sunday) hindi na siya lumalabas ng bahay, kahit bukas ang gate...
pag binitbit naman siya pa-labas....tatakbo uli sa likod bahay...hekhek...adik.

*bow*

Monday, September 1, 2008

90's

Sana nakapanood ako nung concert ng eraserheads...T.T
Gustong-gusto ko mapanood yun, pero wala akong pera these days...(paubos na ang pera dahil almost 1 month nang walang trabaho...T.T)...

I Love their music so much... lumaki ako sa pakikinig sa mga tugtog nila. Kumpleto pa nga yata kami ng casette tapes ng e-heads dati, kung di lang ni-nenok ng mga nanghiram nun sa kuya ko.
Orig lahat yun!...well, kasi naman nung mga panahon na yun hindi pa uso ang pamimirata dahil walang pang CD burners...
Sa ngayon ang meron na lang dito sa bahay ay isang CD ng Eraserheads Anthology Pt1...(orig din)

Kung gagawa ako ng soundtrack ng childhood/elementary days ko panigurado mahigit kalahati nun ay songs ng eraserheads...

Natuto ako mag-gitara dahil sa musika nila. Sa tingin ko, lahat ng pilipinong marunong mag-gitara ay paniguradong may memorized na kanta mula sa kanila.

Sana pag nagka-part2 may pera na ako....T.T

Wednesday, August 27, 2008

ayoko muna ng kape....(T.T)

Last monday, nag taste test kami ng mga ka-choir ko ng iba-ibang mix ng kape...
It was fun, pero yung after-effect ng kakainom ng kape, ayoko na [muna uli] maulit...XD
Cup after cup ng mocha at kape at ubertamis na strawberry ang binanatan namin...@.@
Mahilig ako sa kape, pero hindi ko kinaya ang ganung klase ng marathon.
2 am na nang makatulog ako, hindi dahil inaantok ako, kundi dahil bumigay na ako sa physical na pagod. Mentally, gising na gising pa ang utak ko, kayang-kaya pang mag-solve ng problems sa numerical mehods (not that I want to solve anything at that time....or anytime).

Kailangan ko kasi umusing kinabukasan (kahapon un) para sa exam sa isang company.

* * * * * * * * * * * * *
My Playlist for Today:
  • The Melody - Lalala It's Love! (Coffee Prince Theme)
  • Paolo Santos - Coffee Cup (Espresso Mix)
  • Radioactive Sago Project - Kape
  • Jason Mraz - Sleep all day
  • Jason Mraz - Waiting for my Rocket to come
  • Bruddah Iz - Somewhere over the rainbow/What a Wonderful World

Saturday, August 16, 2008

perfect timing,,,muy bien

ang galing...

magkasabay nasira ang PC at cellphone ko...
well naayos na ang PC ko.... pero yung phone ko sira pa rin...

* * * *

eto ang mas magaling...

ang lesson ngayon sa coffee break spanish (ito lang ang mapapakinggan ko sa mp3 player ko...un lang ang laman nun bago masira ang PC eh)... ay "jobs"...

[mp3]: en que travajas? {ano ang trabaho mo?}
[ako]: *inis* no travajo...yo soy "palamunin"... {wala akong trabaho....isa akong palamunin}
[mp3]: muy bieeeen!! extelente! {very good! exellent!}
[ako]: grrrrr......

tiyempo nga naman.....(T.T)

bakit....

bakit....
  • ...ang mga title ng mga local na "love movies" ay title din ng kanta...pero in essence, wala naman talagang kinalaman yung title sa kwento
  • ...ang title ng mga local na pelikula ay mukhang gawa sa ms word art?
  • ...paborito ng mga bus/jeepney driver ang mga kanta ng air supply? at bakit hindi sila nagsasawa?
  • ...nagtatagal sa TV ang mga palabas tulad ng daisy siete at sis?
  • hindi pa rin ako tinatawagan sa HP...T.T

Thursday, August 7, 2008

iMali

irerelease na ang iPhone sa August 22! mali lahat ng predictions ko....T.T

I'ts price will be higher than its converted dollar value....TRUE, pero MAS MATAAS pa pala ang price kaysa sa max estimate kong 22K....super...

42K ang 8Gb, 49K ang 16Gb....sa prepaid... It's so umpeyr...T.T

eto yung detailed list ng plans from Globe...

On the bright side, hindi na ito nmabibili ng bobong orcs, nye-nye-ne-nye-nyeeeeh...;P

Monday, August 4, 2008

from there and back again...

Last friday was supposed to be the tanggalan day, or, kung mas magandang terminology ang hanap mo, deliberation...kung saan pipiliin na ang mga worthy na magpatuloy sa work, patungo sa pearly shining gate of being a regular employee... unfortunately, delayed ang results...mamayang tanghali ilalabas.
Tagilid yung mga results ng mga exercises ko, and I won't be surprised kung matanggal nga ako, and kung dahil sa mga yon ay hindi nga ako makalusot, well, I'm ready for it...

Hindi ako anxious nitong weekend mainly because of the activity we had with BLD(Bukas Loob sa Diyos) ...ahm, techinically it was a seminar/prayer meeting, it actually is some sort of recollection...

Err...nope, feeling ko hindi ako bumait over the weekend, despite of all the emotions I've went through. Feeling ko tulog ako all the time for the past two days...as if i was under cryogenic sleep. I "woke up" yesterday afternoon sa robinsons. [anong ginagawa ko dun? la lang...bumili ng popcorn.]

Ang pagbabago naman ay hindi parang instant noodles na just-add-hot-water...learning to do something bad takes a snap, unlearning it takes ages..

Thursday, July 31, 2008

ngeeee....

read from this link first...

Excessive texting 'damages your health'

"...177 people aged between 16 and 24 and found that 34 per cent send 20 or more text messages each day."

WOW naman....20SMS/1Day ameeeezing! ;P

obviously, hindi alam nung researchers ang na yan ang race na tinatawag na "Filipino"...merong ngang mga lola dito na nakakagawa niyan, higit pa!....paano pa kaya ang mga teenagers....yung mga inis sa sulitxt dahil bitin daw...

hindi rin nila alam ang term na "GM"...

pag may ka-text ako (bihira yun), at peak, nakaka 30-40 messages ako in an hour.... at hindi ako text addict...

Wednesday, July 30, 2008

the wait

Two more days left before the much awaited (read: dreaded) deliberation day (I prefer calling it as the D-Day or Tanggalan Day)

Karamihan sa mga trainees idle na ngayon... Yung iba may fini-fill-up-an(<--ang panget tingnan ng pagkaka-spell ko XP) na form...basta isang questionnaire na makaka-apekto sa magiging result bukas...[mamaya ko na gagawin yung akin, paranoid ako eh...feeling ko may tao sa likod ko lagi na nagbabasa ng mga sinusulat ko]


if(makakalusot ako){
// e di maganda!
// woohoo, flexi! pwede ako pumasok anytime!
// Yamaha keyboard, here I come!
}
else{
// *sigh*
// jobstreet mode uli...(T.T)
/* sana may job opening sa Azeus or HP...sana programming pa rin at hindi ibang linya ng comsci....super PURE programmer lang ako eh[cant you see the if-else block?]*/
// on the bright side, makakapag-pahinga uli ako...plus makakapag-practice tumugtog.
}

Tuesday, July 29, 2008

iPredict

  • irerelease ang iPhone only at the last quarter of the Year....not as early as august or september
  • although its actual dollar to peso value says that it's worth around P8600+ ($199), the actual price will be around 15-22K....unit pa lang yun... kung isasama yung globe plan premium [na actually ay mapupunta pa rin sa Apple] its price will be 22K at least (type this on google: 199usd in php)
  • For the first time, may pipila sa malls(or kung saan man ito ibebenta)...hindi man kasinghaba ng mga pila tulad sa ibang bansa, pero, magkakaroon...
  • One week after its release, magkakaroon ng unlocked nito sa Greenhills...
  • Early adopters will invent reasons para gamitin ang phone nila in public...you show-off, you!
  • And...to every mac fanboy's dismay...it will be as common as Nokia 6600..(T.T)... everyone will be using it,...mga bobong orcs*, atbp...

* - yup, fan ako ni cofibean...isa siyang henyo!

Saturday, July 26, 2008

Sana ndi na maging bum,,,,

deliberation na namin this week...

malalaman na kung makakaabot pa ako sa susunod na sweldo (sa same company ofcourse)

sana naman....T.T bibili pa ako ng keyboard eh....

T.T

Saturday, July 19, 2008

everybody bow down.....


after weeks of research....nalaman ko rin kung sino yung Bill Gates Daughter umano!----si Rachel Leigh Cook!













.....epistaxiz......i haz it...

Thursday, July 17, 2008

aspire....

Ayoko na sa Asus Eee PC901. mas maganda pala yung Acer Aspire One...

Specs:
Intel Atom 1.6Ghz!!!
1Gb RAM
Linux
8Gb HardDisk (no solid state drive here...T.T)
Wifi G (I'm not sure kung pati N)
WiMax!!!!!!!!!
3G
Webcam
P18k

External Hard Disk na lang na at least 160 Gb plus Globe HSDPA unit (katapat ng sa smart bro...mas mababa ang rates ) oh...
who needs a PSP, PMP, or DS...

sobrang saturated na ng UMPC range...

Tuesday, July 15, 2008

Sama aku?...T.T

Sabi sa balita...
Ayon sa statistics, dumadami na raw ang bilang ng mga tumataba sa Pilipinas!

ang masasabi ko lang...

isama niyo naman ako oh...

Monday, July 14, 2008

eeeeaaaaaooowwwww!

pambihira...
bihira na nga lang makapunta sa SM para mag-dancemaniax, may mga danceadik pa akong natyempohan.
ndi ko sure kung babae ba yun o bading...
masyadong maliit para maging lalaki...plus the physique..
pero parang bading sumigaw...(habang sumasayaw....yup, high na high ata)

naiipon na tuloy uli ang mga token dito sa coin purse...

* * * * * * * * * * * * * *

by the way, tinawag na ako ni "kamatayan" kanina...safe na ako bukas uli
revisions na lang

Sunday, July 13, 2008

trolley ng kamatayan...uli

Bukas...by 1pm, mag-aaligid na naman sa office ang tunog ng trolley.

well at least mas maayos na ang lagay ng program ko this time, compared nung last time na completely hindi gumagana yung program ko... I was selling a product that does not work! waaah!

ngayon...well medyo may improvement...almost finished lang...

huhuhu...kailangan ko maging regular....

...marami pa akong gadgets na gustong bilhin...(see previous post...(may dinagdag pa uli ako dun...hehehe))

...may negosyo pang itatayo

...2nd course na gustong kunin

...musical instruments na gustong matutunan (kailangan ko bilin muna yung instruments ofcourse)

...at mga inventions na nangangailangan ng matinding funding

Saturday, July 12, 2008

...i belong to daaa zoo...with the mankeees and da dankees~~...

wow...I'm 21!

matagal ko nang iniisip kung ano nga ba ang sign na mature na ang isang tao....

*piano background music*

it's not the age....obviously.

ang conclusion ko, nasusukat ang pagiging mature ng isang tao sa kung gaano
ka-kaunti ng mga kahilingan niya...

kaya eto ang mga wish ko....nyeknyeknyeeeek~ :p *tigil piano*

  1. Yamaha 76-key keyboard DGX-220
  2. WoWee Robosapien (yung latest sana)
  3. Dancemaniax 2nd mix ( yung buong machine!...around P250k to P400k yata yun)
  4. Drum Mania
  5. Shuriken---and all other ninja weapons
  6. Lego mindworks
  7. Wacom Intuos penTablet
  8. Nintendo DS!
  9. Grand Piano (san ko kaya ilalagay yun dito?...hmmm, pwede na siguro sa garahe)
  10. iPhone 3G!---sana bandang november dumating...
  11. Bagong PC (Quad core 2.4Ghz, 4Gb RAM, 500Gb-1Tb, at least Nvidia 8600 VidCard, 22 inch monitor widescreen, Blu-Ray)
  12. MacBook Pro (desktop yung isa eh....para may laptop naman)
  13. Asus Eee PC 901 (8.9 inch + bluetooth)
  14. Canon EOS 450D
  15. Matapos na yung pinoy idol
  16. BMW Electric MINI
  17. Aircon (duh. mainit eh!)
  18. solar panels---enough to fill the whole area of our roof...(source of energy nung aircon)
  19. Chinook
  20. Zeppelin (AirShip)
  21. Archos 705
  22. Pikachu Stuffed toy! (---walang pakialaman, kanya-kanyang trip yan!)
  23. Sariling copy ng nung System( na ginagamit namin sa work) dito sa bahay (para mapag-aralan ko...para hindi ako matanggal sa work)(hindi ako sure kung isa na naman itong kaso ng "if i tell you, I'd have to kill you")
  24. Original DVD's ng lahat ng series ng House M.D.
  25. Starcraft 2
  26. Fatman iTube
  27. light saber (a starwars fan, i am)
  28. Sennheiser cans
  29. HD projector (1920x1080p)
  30. Maraming popcorn
  31. Saxophone (Alto at Tenor)
  32. Violin
  33. Drum Set
  34. Trumpet
  35. Brass Flute
  36. Cello
  37. Samsung i8510 (8 megapixels, xenon flash, hsdpa/hsupa Quad)
  38. wag magsalita si Angel Locsin (pose lang ng pose, smile lang ng smile)
  39. Sony Mp3/Video Walkman
  40. Maraming-maraming Holy Kettle Corn
  41. Makita ko in person yung anak umano ni Bill Gates---or kung sino man siya na nasa pic sa baba
  42. Magkaroon ng instant caramel coffee
  43. World Peace!
MAtureness HoooOOO~!

Friday, July 11, 2008

payong-ayong-ong-ong-ong-ong~

Meron pala talagang tagalog version yung umbrella
(sorry, hindi ako updated sa mga ganyang mga bagay)

...grabe, ang corny...

pero sana tinuloy-tuloy na rin nila yung ka-cornyhan--
dapat ang ending nung chorus, payong-ayong-ong-ong-ong-ong~

Friday, June 27, 2008

Trolley ng kamatayan

Technically hindi pa tapos yung Workshop1 (training) namin sa work....mag-papasa pa lang kami ng revisions...yung iba nga ni hindi pa nakakapagdefense man lang.
Surprise ang defense namin....walang schedule...

Lalapitan ka na lang bigla ni "kamatayan"(a.k.a. Kuya Dan)
...na may dalang trolley (imbis na sickle)..
nope, hindi ka niya isasakay sa trolley patungo sa kabilang buhay,...kukunin lang naman niya yung PC mo papunta sa infamous defense room, kung saan nag-aabang sa iyo ang tatlong panelist...
Takot ang dala ng trolley sa mga hindi pa nakakapag-defense... at stake sa defense na yun ang chance na maging regular employee...

Sunday, June 22, 2008

NO classes sa college....YES, may work bukas

ayan, isa ito sa mga panahon kung kailan sobrang namimiss ko ang pagiging estudyante.

bagyo...

hindi umuubra ang no classes sa trabaho. T.T

normally pag may bagyo, elementary at highschool lang ang may pasok.
pero dahil sa global warming, extra strong na lahat ng ulan...so most of the time,
nadadamay na rin pati ang klase sa college.

ngayon, kailangan super duper over mega to the max ang lakas ng bagyo para mawalan kami ng pasok...T.T. i miss the college days....

pero ang maganda naman sa work (maliban sa sumesweldo na), wala nang homework...pag-uwi, libre na talaga.... well not in my case, yet...kasi iniisip ko pa rin ang work ngayong nasa bahay ako.

according to accuweather.com, may bagyo pa rin daw til tuesday! haaaay...

Friday, June 20, 2008

@o@


Pag sinabi niyang bumili ako ng orig
na copy ng Windows Vista, bibili
ako!--faster than you can say "mac"

As I was surfing using StumbleUpon...
nakita ko ang pictures ng anak ni Bill
Gates di' umano! (<---hehehe, i deliberately
used those words for an expose' effect)










* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
As I was searching for proofs....may nakita pa uli ako...

Father: I want you to marry a girl of my choice.

Son: “I will choose my own bride!”

Father: “But the girl is Bill Gates’s daughter.”

Son: “Well, in that case…OK”

Next Day

Father approaches Bill Gates.

Father: “I have a husband for your daughter.”

Bill Gates: “But my daughter is too young to marry!”

Father: “But this young man is a vice-president of the World Bank.”

Bill Gates: “Ah, in that case… OK”

Finally Father goes to see the president of the World Bank.

Father: “I have a young man to be recommended as a vice-president. ”

President: “But I already have more vice- presidents than I need!”

Father: “But this young man is Bill Gates’s son-in-law.”

President: “Ah, in that case… OK”


* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
P.S. Wala akong nakitang proof na hindi totoo yan...pero..feeling ko hoax

Thursday, June 19, 2008

Genius!

Matagal ko nang tanong ito sa isip ko,...
Babala!: super suspense ito! Pinapayuhan ang lahat na ilagay sa no. 3 ang inyong mga bintilador!



pahabol:

Agh! Pinoy Idol na naman! iPod to the rescue!

Friday, June 13, 2008

Voices only their mothers would love....

grabe soooooobrang panget talaga ng pinoy idooool!

binabawi ko na rin yung complement ko para kay wingard...

such....
mas magaling pa kumanta yung mga nagkakantahang tricycle driver sa harap ng bahay namin...
mind you, hindi ako nag-eexaggerate.

uber plastic yung complements....
"she has a unique voice..."----sabi ni jolina sa isa sa kanila.

unique...uniquely horrrriiibbbleeee!!!!! kakaibang panget ng pagkaka-kanta....
demn....

at ginatungan pa ni ogie....waaaah!!!

hihimatayin sina Ryan Cayabyab, Pilita Corales at Francis Magallona, Simon, Paula at Randy sa kanila....sabay nosebleed at palpitate at kung anu-anu pang physical manifestations of excessive dissapointment...

soooobra talagang pangeeeeeet...

may pa-"di-ko-feel"-"di-ko-feel" pa sila...
ako may na-fefeel...super extremely disappointed....(sorry naubusan na ako ng mga superlative na adjectives)

Sira ang "Idol" na title at franchise....

Mau Marcelo, banatan mo nga sila ng I will always love you!
Charice (<--tama ba spelling ko?), isa ngang And I am telling you! dun sa "...no no no no way~"
part.

*gasp*

P.S. Sana magkaroon na ako ng sariling PC...para sa kwarto na lang ako mag-iinternet....far from the TV.

Wednesday, June 11, 2008

iphone 3G

kailangan ko nang simulang mag-ipon para sa iPhone (pun intended)...

you don't need to be a gadget freak like me to know the existence of the latest iPhone model na kaka-release lang last Monday.

Specs and Addl info:

  • HSDPA(High-Speed Data Packet Access) or---in the most lay-man term i can find--3.5G---as opposed to the more commonly known 3G....
  • Multi-Touch Interface----henyo ang nakaimbento nito...ito ang simula ng Minority Report-ish user interface
  • Design by Jonathan Ive---kung napilitan kang bumili ng Apple products (at na-bankrupt) dahil sa sobrang ganda ng design nito, sisihin mo si Jonathan Ive...mula sa alienlike iMac nung 1999(yung PC dati na mukhang anak sa Marriage ng Monitor at Bubblegum) hanggang sa iPhone...siya ang gumawa nun!
  • improved battery life
  • push-email (you dont have to stay online to receive email!) ---along with other 'push' stuff
  • more games!!!!
  • it will arrive within the Year in our dear third-world country!!(akala ko hanggang smuggled at jailbreaked lang ang mgamakakarating dito sa Pinas)
  • Globe telecom ang official carrier (nye-nye-n' nyeeenyeeeeh, smart subscribers! ;P---whoopsie..may smart din nga pala ako!...hehe)
  • still no videocalls...who needs em?
  • still stuck with that 2Mp camera...
  • local availability of the SDK is still unknown...if ever available nga dito, may bayad daw...pero on the bright side, you can SELL the programs that you developed via iTunes!---the world is your market, man! you name the price! you will get 70% of the price set, the rest, sa bulsa ni Steve Jobs mapupunta---fair enough if you consider the market that they will open up for you!(para sa mga non programmers, ignore this)
  • MobileMe---all additions/changes on your PC or Mac (Calendars, Photos, Schedules, etc) will also be applied your iPhone/iPod Touch---up to 20Gb storage!---ahm, ewan ko lang kung darating ang feature na ito dito...

Saturday, June 7, 2008

aba?!

akalain mo nga naman...puro teens lang yung naka-pasa sa pinoy idol?
alam ko kahit more than 40yrs old, pwede dun ah..

whatta coincidence! *sarcasm*

Wednesday, June 4, 2008

milo, kape at java

It's my third week at work...

ayoko na sa mga sumusunod na produkto:

Milo

Nescafe

CoffeeMate

Cafe Latte (na CoffeeMate lang naman din talaga...pero cafe latte ang nakasulat sa libreng Vendo)

Cafe Mocha (parehong paliwanag nung sa Cafe Latte)

Coffee with Cream (ganun uli...T.T)

Java (Programming Language na ang tinutukoy ko)

Saturday, May 31, 2008

Kumusta ka na, friendster account ko...

Hehehe...after a long while, ayan, binuksan ko uli ang friendster account ko.
Akala ko expired na yun, pero buti naman at buhay pa...
Wala lang, nag-add lang ako ng friends from Red Team, mula sa sportsfest last saturday.
I hope hindi sila ma-creep out sa friendster pic ko. Ayoko kasi maglagay ng picture for public view eh....picture ni Gene Simmons (guitarist/vocalist ng isang old rock band called KISS...na may uber habang dila) yung main pic ko dun.
[I haven't blogged about it yet...maybe in my next post...or the one after that]

* * * * * * * * * * * * * * * *

May funny story ung isa kong bestfriend na galing probinsya....

may lumapit daw sa kanyang matandang mama na lasing. Sabi sa kanya...

"Kaya pala walang bituin sa langit....napuntang lahat sa iyong mga mata~~~"
"...sa twing isusubo ko ang kanin sa bibig ko mukha mo ang maaalala ko..."
"Marami sana akong sasabihin sa'yo, kaso sa tuwing makikita ako ang mga ngiti mo,
nawawala ako sa isip ko..."

grabe...nangangati ako sa sobrang cheesyness....*kamot-kamots...*

Thursday, May 29, 2008

2nd week @ oracle

by tomorrow 2nd week ko na sa Oracle...wow.. ang layo pa ng sweldo...T.T
once a month lang kasi.

***************************************************

by now, according to normal filipino---uhm---standards, dapat marami-rami na akong friends...
well, ako pa!---syempre onti lang! ung katabi ko, and, ung kasabay ko sa exam dati... (if you can already call THAT as friendship---nakasalubong sa pantry---ops, kindat as sign na kakilala nga---its more like kilala-ship)....sooper introvert talaga ako eh.

***************************************************

maaga natatapos ang training namin sa inaaral naming system...kung pede lang umuwi pagkatapos ng training, e di ang aga ko na nakauwi kahapon...pero ndi na pwede un eh... hindi na ito school.

....and i should be sleeping now....

Friday, May 23, 2008

Pinoy idol sucks.... big time

1. Not the "First".
por que mas malaking network ang GMA, binypass na yung naunang pag-franchise ng ABC 5. Hindi lang pala sa school at sa internet nagkakaroon ng bullying.

2. not the first...again.
Ang mananalo jan, 2nd lang... si Mau Marcelo talaga ang 1st. I tried watching this [crap] and I can't find one na makaka-tapat kay Mau.
...isa pa, sayang yung hardwork nung tao. Napakaraming pinagdaanan, tapos i-iignore lang basta yung title na nararapat sa kanya. walang respect.

3. the judges
err....jolina, anung ginagawa mo dyan?...uhm, parang paula abdul counterpart?---na magbibigay ng unexpected complements?
ah,....ogie... the songwriter. don't sing ha...write ka lang ng write.
wingard (tama ba spelling)---alas,...a real judge!

4. form over function?
parang charisma yung primary requirement ah...oops, singing contest nga pala ito....

Thursday, May 15, 2008

To obesity and beyond!

MSG, cholesterol, high carbs, high fat, chicken skin, HOOOO0000~

pero payat pa rin ako.

According sa nakita ko dati na article or some news-magazine show, pwede ka raw maging high in cholesterol kahit payat.

I wont be surprised pag nalaman kong mataas ang cholesterol levels ko.

Nag chicken marathon ba naman ako for 1 week....KFC, Mcdo, Jollibee... sinunod sunod ko ang mga chicken meal nila as lunch sa nakalipas na mga araw....tapos pag-uwi ko....WAAAAH, may nag-uwi ng lechong manok! anak ng?! ang healthiest meal ko na siguro ngayong linggong to ay yung hotshots burger... (flame grilled yun... cancer naman!)

No Choice...kasi wala namang ulam sa bahay....damn it.

Nagpapatuloy ang panawagan ko... bisitahin niyo naman ako....parang awa niyo na...para magka-ulam dito...na matino!

anu kayang lunch ko ngayong hapon...ah, instant noodles

Saturday, May 10, 2008

mahal kong maynila....

epal talaga si Lim...sinira ung mga project ni atienza

akala ko siya na rin yung magiging host ng Maynila ...buti naman hindi. or else naging parang imbestigador un...

i can already imagine ung logo nila... parang naka-spray paint ung word na MAYNILA... nice!

Friday, May 9, 2008

malabo ka...malabo

ayan... may work na ako! sa oracle!

pero....

hmmm....

parang ayoko muna mag-work!

i have started processing my papers yesterday...tin, sss, etc...

huhuhu.... patapos na ang bakasyon ko.... may 16 na ang start ko.

on the bright side... e di magkakasweldo na ako! ^.^

3G iPhone and nintendo DS, here i come!

Monday, May 5, 2008

jobless HOOOOooo~

everytime i go online...specially kapag tanghali... wala na akong inaabutan na classmates na online.
ako na lang yata ang walang trabaho.

pasado na ako sa Oracle for their May 16 batch ng training, pero yung actual na offer--with matching pirma and stuff---wala pa. They say na they'll be contacting me within this week.

T.T

Ayoko na maging bum....

Thursday, April 24, 2008

...bisitahin niyo naman ako...*puppy eyes*

I need visitors...
kasi pag may bisita, masarap ang ulam eh...

unlike pag walang bisita, laging late ang kain ko..

wake up at 8am...muni-muni hanggang sa...

bumangon
ng 10am (tagal no?...hehehe)

almusal
ng 11am..usually cancerous or heart-and kidney-fiendly meal ito, consisting of...
1. oily and sodiumful pancit canton (or any other instant noodles)...MSG? present!
2. uber salty tinapa or daing...masarap... kung paminsan minsan...pero pag araw-araw...at refrigerated n-times
3. hotdog na inihaw sa gas stove...sawang-sawa na ako sa hotdog na prito.... kailangan maiba naman kahit papaano...
yummm...very uling-ized and very....cancerous
4. kape. yun lang...kape
5a. refrigerated last-night's-dinner-or-yesterday's-lunch...wow...anlameeeeg, ano to, substitute sa halo-halo or mais con yelo?
5b. refrigerated-na-ulam-nung-huling-araw-na-may-bumisita-dito-sa-bahay

tulog
uli mga 1pm

gigising
uli (at babangon!) by 2:30pm

by 5-6pm, "tanghalian"

dinner (a.k.a midnight lunch) - 12mn

tulog
na uli by 1 or 2am..pag nakatulog ako right after kumain, himala yun..and baka magunaw ang mundo kinabukasan...don't worry, i'll inform you pag nangyari ito...text kita.

Wednesday, April 23, 2008

ang init naman sa earth...

sobrang init.... i wish may swimming pool kami sa likod ng bahay. unfortunately, ilat (creek) lang ang meron sa likod ng bahay, at tulad ng lahat ng iba pang waterways sa Pilipinas, tadtad ito sa basura, butete, at janitor fish. para sa isang maka-kalikasan na tulad ko, sobrang inis ako sa mga zerglings na nagkalat sa bansang ito. (zerglings - yucky, gooey creatures that multiply very fast)

Tapon nang tapon kung saan-saan...
I wont be surprised kung kakailanganin na rin nating bilhin ang hangin in less than 30 years, katulad ng pag-bili natin ngayon sa tubig na dati ay kinukuha lang namin sa poso.

Ang nakaka-irita pa, ung iba sa kanila, pag sinabihan mo tungkol sa ginagawa nilang pagtatapon, they'd react as if nagsasabing, "anu ka ba? ayos lang yan!"....pero dalhin mo sila sa Japan or Singapore, for sure hindi magkakalat yan. "Nakakahiya naman magkalat no!", they might say..
wow, nahiya pa!

* * * * * * * *
Pag ako maging super yaman by the age of 25--or 30, pwede na rin--gusto kong ipalinis yung buong manila bay.

Monday, April 21, 2008

el subconscious

Mukhang magwawakas na ang pagiging bum ko! may interview ako sa wednesday sa misys!

May technique ako kapag magkakaroon ng interviews eh..

Nagpupuyat ako the night before nung exam... mas gumagaling kasi ang eeeenglish ispeeeking skills ko pag sabog sa puyat eh. parang lasing kumbaga.

* * * * * * * *

may kakaiba akong panaginip kanina... diba lahat ng sinasabi ng mga characters sa panaginip ng isang tao ay limited sa kaalaman nung taong nananaginip?
yung sa panaginip ko kanina, yung isang character, may sinabing isang buong spanish na linya..
Wala akong naintindihan sa sinabi niya!

wierd...

Nung kinwento ko knina yan sa best friend ko, siya rin daw ganun. Nagssleep talk daw siya in spanish! (she doesnt speak spanish) Coolness! hehehe!

P.S.
madalas ba akong mag "eh" at the end of every sentence...hmp, di bale, ganyan nman talaga pag caviteno o batangueno eh..

Wednesday, April 16, 2008

parang oo na hindi... parang sweet, at sour na salty

gusto ko na magkatrabaho

...pero parang ayoko

parang gusto ko na nang may ginagawa

...pero gusto ko rin humilata at the same time

gusto ko nang magka-sweldo

...pero ayokong magtrabaho

gusto ko nang maging maging masipag

...pero tinatamad ako bumangon pagkagising ko ng 8am (10am ako babangon...nakahiga lang for 2 hours....pano pa kaya kung may laptop na ako, at may wifi na dito sa bahay?)


pag nagka-trabaho na ako....

parang gusto kong mabili yung mga gadgets na gusto ko (madami yun, btw)

...pero parang gusto ko rin mag-ipon

parang ewan...

Tuesday, April 15, 2008

epekto ng patalastas...(T.T)

Kanina bigla akong tinopak na pumunta sa mcdo...

dapat magpapa-load lang ako eh, pero ayun nga, tinopak nga ako...or rather, umepekto yung cheeseburger commercial nila sa akin.

alter-ego: uy, hindi ako talaga tinablan nung commercial ha.. ndi cheeseburger ang inorder ko! bigmac...large fries at float

me: either way,....win-win un para sa mcdo

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

(T.T) hinabol ako ng aso....T.T

Saturday, April 12, 2008

Hello?! ever heard of WEB TWO POINT OW?! (Web 2.0)

Kung ang ibang programmer kuntento na makita na gumagana ang program/website nila....ako hindi! Mabilis mag-init ang ulo ko sa panget na layout!

jobsdb.com.ph
--->kumusta naman ang layout. pindot ka ng isang tab....pag nakalimutan mo yung pinindot mo...ahm....anu na uli yung pinindot mo?...walaaaa naaa. kailangan mo na i-analyze ang bagong page, para malaman mo kung nasaan ka na.
--->Hindi ko pa pala binabanggit yung advertisments na parang basurang naka-kalat sa kalsada....parang plastik na lumipad sa windshield while doing some critical maneuver.
--->And lastly...sa IE lang gumagana ang majority ng functions ng site nila. hehehe...crappy site meets crappy browser. (pagka-close ko sa site dahil sa sobrang inis, sabi naman ng IE, error blah blah....cannot be 'read')

kung naka-IE ka pa rin hanggang ngayon.... ang masasabi ko lang sayo...get a descent browser:
  get Opera! or get FireFox! or get Safari! or else you will.....get viruses and worms!
  
I will never open this site EVER again! ...ayusin niyo layout niyo.

Sunday, April 6, 2008

Welcome to the world of unemployment!

Ayan nakaraos din sa apat na taon ng pag-aaral.... no more mathematics, epal na minor subjects, atbp.

Wow... I'm here.. unemployed nga lang. haaay, sana magkatrabaho na ako. Haaay...

I keep on thinking... UST grad ako! makakahanap agad ako ng trabaho! pero...eto...wala pa rin.

One month na akong nagbabakasyon... I'm so bored.

Sana naman by May, magkatrabaho na ako....di pwedeng June...baka burado na sa utak ko yung pagpo-program. and, baka, magamit ko na lahat ng pera ko...sayang, mejo marami pa naman ang hoard ko ngayon.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Saturday, April 5, 2008

Ayan...excited na ako!

for the past few weeks... wala lang... gagraduate na pala ako....well, um...ok.

pero ngayon lang ata ako nae-excite...

T.T

di mapakali tiyan ko

parang kailan lang nung nag-ceremonial exit kami sa arch of the centuries...ngayon ay may bago na naman akong lulusutan...arch of unemployment! weeehh....

wag naman sana...


Thursday, April 3, 2008

n00b

for the first time in 3 weeks ay nag-apply din ako for a job....unang hakbang palayo sa bumness
late ako as usual, pero hindi na kasing lala nung mga nakaraang pag-aapply ko. mga 5-10 minutes lang akong late this time.

sa paseo yung building nung office. first time ko sa area kaya nilakad ko lang papunta dun.

mula crown regency hotel (beside park square) hanggang citibank tower ata yung nilakad ko.

nung nandun ako sa triangle medyo nalito ako sa daan. akala ko parang open park yun. may pili na gates lang pala na bukas. pinagmamasdan nga ako nung mga hardinero nung napadaan ako dun eh. sinusundan nya ako ng tingin na parang sinasabing:

"hmmmm...corporate attire, payat, pawis na pawis, parang may hinahanap na building...baguhan to"

* * * * * * * *

nakaka-aliw tumambay sa burger king sa glorietta...hehehe
kakaiba kasi ang flooring dun eh. biglang-taas at biglang baba.
after a stressful exam.. inaliw ko ang sarili ko sa panonood sa mga natatapilok sa pag-pasok sa BK

Sunday, March 30, 2008

Crikey!

Denied yung application namin ni Melody na sumama sa World Youth Day...(T.T)

Sayang at marami pa naman kaming planong kalokohan dun: magpa-picture sa bulsa ng kangaroo, mag-smuggle ng karne ng kangaroo at magbenta nito sa palengke, atbp.

Akala ko pa naman mapapakinabangan ko yung pag-aaral ko ng Spanish.

Ya hablo un poco Espanol ahora!

(ahm...di ako sure kung tama ang grammar nyan ah. ang translation niyan...or rather, yung gusto kong sabihin: "nakakaintindi na ako ng kaunting Kastila ngayon".)

Anyway... sayang talaga....once in a lifetime experience sana yun o...
Pero on the other hand...mas ok na rin siguro, tingin ko mas kailangan ako ng choir dito.

later, mate!

Friday, March 28, 2008

tipid tips

ndi pa ako nakakahanap ng trabaho, ang dami ko nang gustong bilhin...
ahm,...hindi sila necessities...mga pinagpipilitang-maging-necessities lang

1. MacBook Pro 17-inch; 2.4 Ghz (P 144K)
mga paliwanag: kasi programmer ako eh...kaya kailangan ko ng laptop. Ayoko ng Windows kasi,...ahm...crappy yung mga OS nila. Vista? yuck! ayoko nga ng Operating System na mabigat na!---mabagal pa! sabi nga ng idol kong prof na si melvin
[feeling ko may sinabi akong bad word]:
the size of the program is inversely proportional to the program's execution time (bilis ng pag-andar...in case you didn't get that). pag malaki (in terms of bytes) ang isang program, it means na mabilis yung program....and vice versa.

bakit 17-inch?...mahirap kaya magprogram sa isang 15 inch na monitor!
bakit 2.4 Ghz lang imbis na 2.66 Ghz?....anu ka ba, di ko naman KAILANGAN yung ganun no..
bakit di na lang windows XP? para walang virus..
bakit hindi linux? kasi...ahm, panget interface nun

2. Roland Fantom-X8 (P 100K-250K)
paliwanag: kasi....maganda yung quality...i think...kasi Roland yun eh. yun gamit ng professionals diba? ako rin! professional din naman ako pag nag work eh., diba?
[ako-sa work]: hello, sir, ma'am, techsupport, how may i help you?

3. Toyota Prius(P 1.7M-2.0M)
paliwanag: kasi pag mag-wwork na ako, shempreh, kailangan may wheels ako...ayoko ng ordinary sedan kasi common. ayoko rin ng malalaking sasakyan kasi, malakas sa gasolina...kaya yan na lang....hybrid yan! technically its still a sedan, pero mejo sportscar ang dating. gas engine plus electric engine para tipid sa gas, tapos less drag dahil sa aerodynamic design (aerodynamic design, HOOOOoooo!~)
basta maganda yan! at fuel-efficient, tamang-tama sa isang katulad kong matipid at marunong sa buhay.(??)

4. Nintendo DS (P8500)
paliwanag: after a hard day's work, shempre gusto ko naman mag-relax no! kailangan ng ko ng games. ayoko sa PSP, mahal yun. mahirap pa mag-install ng games sa mem-stick. saka ayoko sa masyadong graphics intensive na games, masaya na ako sa pokemon, harry potter, mario,wario, at iba pang pang-bata na games.
mahaba pa yung battery life, kaya mas bihira ang pagcharge ng battery. mas tipid diba?

5. La-Z boy Recliner
paliwanag: haaay...just got home from work...bihis, hilamos, nood ng TV---aargh!!---monoblock chair! nooooooo!
my overworked spinal column and legs need something to lean on.





Tuesday, March 25, 2008

Too calm...

ahm....malapit na ang graduation ko pero ewan ko, hindi ako excited.

ewan ko ba.

mas excited pa ako na tumugtog sa Sunday (sa choir) or sa swimming namin ng mga bestfriend ko kaysa sa graduation.

siguro ma-eexcite ako pag unti-unti nang tinatawag ang mga surnames na nagsisimula sa 'E' para umakyat sa stage.

[anu ba yan....pati ba naman sa pagiging excited, late pa rin ako]

Thursday, March 20, 2008

A message to Saint Therese Choir members and officers

by: Anna
slightly edited by: me (roy)

Kung napapansin ninyo, mga mahal kong choirmates , halos mawala na ang mga officers ng ating choir.

Nauunawaan natin sila sapagkat alam nating malalim ang mga dahilan kung bakit hindi na sila nakaka-attend. Subalit nais ko po sanang paalalahanan ang mga pioneer at ang ating mga 'nawawalang officers' na katatapos pa lmang po ng election of officers at kasalukuyang nangangapa pa po kami sa aming mga kinalalagyan sa kasalukuyan.

Kailangan po namin ang inyong gabay, suporta at tulong.
Isa po ito sa pangunahing dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang mga nkatakdang activities ng grupo. Isa sa mga activities na ito ay ang recruitment, kasi kaunti lang yung regular members na umaattend every practice and during mass. Unfortunately, recruitments may not work,
baka umalis din yung marerecruit kung wala silang makikitang activities...lalo na sa mga student recruits na sumali during summer vacations...looking for something to do.

Recruitments must begin within summer vacation ng mga students.

And also, sana wag nating sayangin ang commitment na ipinapakita ng ilan sa mga bago nating members. Mahirap makahanap ng members na NAGTATAGAL and CONSISTENT ANG ATTENDANCE. The last time this happened was---i can't remember when exactly---a very long time ago.

Kaya sana po, MAGPARAMDAM naman kau!

[you may post your reply as a comment(below...please identify yourself)]

your mother is a.....

Monday, March 17, 2008

idle brain

Kumbaga sa aftelife....ang utak ko ay nasa Purgatory...neither heaven nor hell.

Parang ilang linggo nang natutulog ang utak ko...natutulog, kahit ngayon...

Ang state of mind ko ngayon....parang nag-ccloud watching*...

Hindi ako exited sa Graduation, although i know na isang bagay yun na dapat kong ika-excite

Although ayoko rin naman na magka-schoolwork...or work...(muna....sa april gusto ko na ng work)

* - i spelled it as nagccloud(read: nag-ka-klawd) kasi wala naman talagang maayos na spelling sa mga borrowed na words ng Tagalog

haaay....

Monday, March 10, 2008

Life is cruel

My fingers hurt...

Sa sobrang kaka...

-...sulat sa journal ko.

-...text.

-...drawing. May dalawang charcoal paintings pa akong pending....for Reynalyn and Ate Carla.

-...tugtog ng keyboard. Gumawa ako ng deadline para sa sarili ko. Kailangan makabasa ako
ng notes nang maayos in two weeks.

-...pindot ng remote control. Nangangalahati na ako sa episodes ng House M.D. (Season 3), may
sira yung DVD. every after episode, nawawalan ng sound. bumabalik lang pag ineeject-then-insert ko yung disc.

-...pindot ng mouse. Hindi ako magaling sa zuma. I takes two sittings bago ako maka advance ng 3 levels. Do you have any idea how difficult this is?[emo-mode. *slices-pulse*]

"it's not easeh....to beee-heee meeee..."

Friday, March 7, 2008

a day in a bum's life

For the first time in my college life, nakapagpahinga ako ng isang buong araw na walang inaalala.

Walang exams the following day...
Walang natanggap na orders or commands from anyone....
Wala.

I woke up at 10am. Imbis na magbukas ng computer, naglinis ako ng kwarto.
For the past 2 years, hindi kapani-paniwalang dami ng kalat sa kwarto ko. You literally have
to watch your step for books, photocopied materials, paper clips, keyboard, charger, and adapters scattered all over the floor.

Pagkatapos maglinis, nag-marathon ako ng House M.D. Season 3, sabay kain na rin.
Later nag-computer ako--hindi para umasikaso ng kung-anong project--instead, para maglaro.
I think I will immune from household work for a few days.

Maya-maya, siguro magpa-practice naman ako ng keyboards at pag-basa ng notes.
Then susundan ng exercise. Yup, exercise...kasi ang physical activity lang na nae-experience ko
sa course ko ay ang pagtakbo sa mga computer/printing shop or bookbinding err...shop (is there such a term as a bookbinding shop? ) to fulfill some requirements.
Feeling ko sobrang nanghihina na ang katawan ko due to lack of activity. Kahapon nga nung nag-dancemaniax ako, dalawang round lang (5 songs per round) pinagpapawisan na ako.

Marunong pa pala akong mag-dance maniax...hehehe. Kaya ko pa rin yung wild mode ng
it's a party at heaven is 57th metallic grey... pero ndi ko sinubukang
mag-happy hopper or quickening. tingin ko ndi pa kaya ng sluggish reflexes ko.

Mamaya susubukan ko nang gawing normal ang sleeping time ko. Ang current na "Normal" ko is 2am to 8-10am.

Starting tomorrow, serious keyboard practice na rin ako. Para naman makatugtog na ako as soon as Easter Season. Feeling ko malaki na ang atraso ko sa choir eh.

Gagawa na rin ako ng Graduation Resolution...(...kasi ndi naman new year eh, and gusto ko magbago, and walang ibang word na magfi-fit before the word 'Resolution')

Mula ngayon, i will be an organized person.

And I'll  make sure na matutupad ko yun unlike ng new year's resolution ko na hindi ko na nga natupad, nakalimutan ko rin kung ano yun entirely...

P.S. Parang gusto ko na naman ng siomai....T.T

Thursday, March 6, 2008

How the?!

Isang subject na lang ang hihintayin ko at makakagraduate na ako!

Thesis - 1.25 ! (o ha! oha!)
SRM - 64.52%
Multimedia - 70-80
Cisco lec - 89.xx
Automata - 62.xx
Numerical Methods - ok! (di ko pa nakikita, pero pasado daw kami...)
Ethics - ok! (wala raw bumagsak)
Seminar 1 - ok! (pasado raw lahat...err, parang kabaliktaran
lang ito nung previous na sinabi ko ah...hmm....anyway)
Cisco Lab - di ko pa alam pero, err... may bumabagsak ba kay sir Jale?

di talaga ako makapaniwala....

sana maka-abot yung mga classmates ko na mag-reremoval bukas.

Wednesday, March 5, 2008

siomai

ndi ko alam kung anung tumama sa akin since last week, bigla akong na-adik sa siomai

mula nung thursday, araw-araw na ata akong kumakain ng siomai

naadik na ata ako sa siomai....

kanina bago ako umuwi, imbis na pumunta sa SM, nag-siomai ako sa underpass sa lawton,
dun sa siomai house...
ay nga pala, nung pa-pasok pa lang ako, dumaan din ako dun!

nung isang araw, ginagawa kong hapunan yung 6 na siomai..

baka di magtagal at gawin ko nang siomaimonster itong blog na ito...

Good Eating Habits naman...

wake-up by 9am, kakain ng almusal by 12:30pm

Pagdating sa lawton, gutom na uli.. siomai naman...4 pieces

"lunch", or should i say, the-2nd meal-of-the day comes at 7:30pm

Pag-uwi, wow, may ulam... bihira mangyari ito! kaso kaka-kain ko lang...

by 1am, yan, gutom na ako...maka-kain na nga ng "dinner"

hmmm... anung oras kaya ako kakain mamaya?

Sunday, March 2, 2008

Exotic Food

Exotic food + Stupid-Filipino-Male-way-of-thinking = aphrodisiac (kuno)

Halos lahat ng news-magazine show na napanood ko na may feature na exotic na
pagkain AT lalaking taga-probinsya, ganito ang sinasabi.

ay, naku.

so far, eto yung mga pagkain na naaalala kong aphrodisiac daw..
1. Camaro (insekto...isang specialty sa pampanga ata)
2. Durian (Palawan Porcupine, ndi yung prutas)

...di ko maalala lahat, pero marami yan... aabot ng15 siguro yang listahan.

DUMB

Friday, February 29, 2008

Good Sleeping Habits

Sleep at 2am.
gising by 7am, pero hindi babangon til 8-9:30
Sleep in class by 3pm.
Hindi tinamaan ng antok dahil sa thesis....gising magdamag....
take short and quick naps by 8am habang nasa byahe,
wake-up tuwing mapapadaan sa malubak na kalsada ang sasakyan.
11am, tinamaan din ng antok sa wakas, kaso may defense, so, tiis muna ng antok.
3:??pm to 4:00pm, take a short nap sa pinakamalapt na table.
exam by 4-6pm, pero hindi masagutan yung CFG-thingy sa exam, ergo, matulog uli...
quarter-to-6, gising na uli, pero antok pa rin.
susubukan uli na sagutin yung exam, pero wala na talagang solid info na mapiga sa sabaw-sabaw kong utak...titig sa test paper for 15 mins until matapos ang exam time.
7:??-9:?? tulog sa bus, pero hindi makatulog ng malalim dahil nag-aalala na baka lumampas sa bababaan.
pagkauwi, bihis, then tulog agad. wala nang kain-kain pa..
gising uli by 2am...
stay awake til 4am doing nothing (kasi sabog pa rin ang utak)...until tamaan uli ng antok...

ayan antok na uli ako... hmmm....anung oras naman kaya ako gigising mamaya?

Tuesday, February 19, 2008

sequel

Mahilig talaga ang mga pinoy sa sequel...

Enteng Kabisote 4, Shake Rattle and Roll 9, atbp...

I hope hindi umabot sa 4th or 9th yung EDSA series

*sigh*

Monday, February 18, 2008

food for thought

"Patient is NOT a virtue"

An Apple a day is seven apples a week


nakakainis...

Saturday, February 16, 2008

Achievement of a lifetime...T.T

Woow... sa wakas pwede ko na ring lagyan ng "Award/s" na section yung Resume ko.
...wala nga lang 's'  yung 'Award', pero pwede na rin.

Nanalo kami ni Felix dun sa Java Cup last thursday! May medal!
(...sana may cash price...kahit 500 man lang...T.T)

Baka pumunta kami sa Wednesday sa UP nina Felix for the annual UP Java Cup accompanied by mam mitch. Last time, muntik na kaming makapasok sa third, kaso nga lang mga noobs pa lang kami sa java at that time....pero para sa baguhan, mejo mataas na rin yun ah!

This time I hope we can go even further...

at sana ilibre uli kami ni mam mitch hehehe...^o^

P.S. sa pagkapanalo, i'll give the credits fo Felix. kasi out of the 4 programs na ipinasa namin, kanya yung tatlo dun. Ang major contribution ko dun talaga is yung syntax...di niya memorized eh

Thursday, February 14, 2008

Thesis.

"Thesis"---what a nice title for a blog posted on a valentines day...

Due to many unexpected twists and turns, inabot ng February yung thesis namin. Nung una akala ko matatapos na namin ito by early January. Akala ko by this time, mataas na yung grade ko sa numerical methods dahil wala na akong inaasikasong thesis tulad ng iba kong mga kaklase...
unfortunately, katulad kami ng iba na patapos pa lang sa thesis.
Our school year will end on the first week of march. Pero we still have 2 more projects to go. not to mention yung seminar, which will make that 3.
Tagilid na naman yung grade ko sa Numericals, special thanks sa uber-hirap na exams na ginawa ni mam espi. Tuwing may exam kami dun, feeling ko parang hindi ako nakapag-aral, when in-fact, memorized ko naman yung formulas nun...mind you, kahit si mam Espi hindi saulado yung mga formula nun.
Medyo napa-aga tuloy ang pagdadasal ko para sa grades ngayong school year na ito.
Bahagya ko rin na napansin ang pagka-pink-at-red ng kapaligiran dahil sa mga alalahanin na ito.
Medyo short-lived din yung saya ko sa pagka-panalo sa Java Cup kanina.

Gusto ko nang maka-graduate...not just for the sake na maka-laya na ako sa mga responsibilities ko na mag-aral...hindi lang para makapag-pahinga at makapag-trabaho at magka-sweldo afterwards.
Gusto ko nang maka-graduate so I could give more attention to the choir. I feel so irresponsible as a music coordinator. Gusto kong ituro yung mga kanta na kinanta na namin dati...plus some songs na dati ay wish namin na makanta...

Monday, February 11, 2008

magagalit yung mama!

[ako]: *nakaupong mag-isa, naghihintay sa inorder na pagkain*
[bata na di ko kilalala]: AAAWWAAWAWAWAWAA....! [you know, the usual kid-gibberish]
[nanay nung bata]: (states the name of the boy)! Wag kang magulo, sigi ka, magagalit yung mama!
[ako]:  *tingin sa paligid, then marerealize na ako lang ang nag-iisang adult-human-male within the vicinity*
[ako-nag-iisip]: ako ba yung mama? ...humpf *sigh*

kahit ano talagang emotion ko, tingin ng iba galit ako....haaaay.
inaantok ako noon actually eh.
next time, ganito ang gagawin ko:...

[ako]: *nakaupong mag-isa, naghihintay sa inorder na pagkain*
[bata na di ko kilalala]: AAAWWAAWAWAWAWAA....! [usual kid-gibberish ulit]
[ako-nag-iisip]: hmm..pagagalitan yung bata...tapos ako yung gagawing panakot...
[ako]: *puts up an i-am-a-good-person-that-you-should-not-fear face*
[nanay]: (states the name of the boy), wag kang magulo, sigi ka, magagalit yung mama!
[ako]: *sigh....sabay tanggal sa hindi convincing na make-face*