For the first time in my college life, nakapagpahinga ako ng isang buong araw na walang inaalala.
Walang exams the following day...
Walang natanggap na orders or commands from anyone....
Wala.
I woke up at 10am. Imbis na magbukas ng computer, naglinis ako ng kwarto.
For the past 2 years, hindi kapani-paniwalang dami ng kalat sa kwarto ko. You literally have
to watch your step for books, photocopied materials, paper clips, keyboard, charger, and adapters scattered all over the floor.
Pagkatapos maglinis, nag-marathon ako ng House M.D. Season 3, sabay kain na rin.
Later nag-computer ako--hindi para umasikaso ng kung-anong project--instead, para maglaro.
I think I will immune from household work for a few days.
Maya-maya, siguro magpa-practice naman ako ng keyboards at pag-basa ng notes.
Then susundan ng exercise. Yup, exercise...kasi ang physical activity lang na nae-experience ko
sa course ko ay ang pagtakbo sa mga computer/printing shop or bookbinding err...shop (is there such a term as a bookbinding shop? ) to fulfill some requirements.
Feeling ko sobrang nanghihina na ang katawan ko due to lack of activity. Kahapon nga nung nag-dancemaniax ako, dalawang round lang (5 songs per round) pinagpapawisan na ako.
Marunong pa pala akong mag-dance maniax...hehehe. Kaya ko pa rin yung wild mode ng
it's a party at heaven is 57th metallic grey... pero ndi ko sinubukang
mag-happy hopper or quickening. tingin ko ndi pa kaya ng sluggish reflexes ko.
Mamaya susubukan ko nang gawing normal ang sleeping time ko. Ang current na "Normal" ko is 2am to 8-10am.
Starting tomorrow, serious keyboard practice na rin ako. Para naman makatugtog na ako as soon as Easter Season. Feeling ko malaki na ang atraso ko sa choir eh.
Gagawa na rin ako ng Graduation Resolution...(...kasi ndi naman new year eh, and gusto ko magbago, and walang ibang word na magfi-fit before the word 'Resolution')
Mula ngayon, i will be an organized person.
And I'll make sure na matutupad ko yun unlike ng new year's resolution ko na hindi ko na nga natupad, nakalimutan ko rin kung ano yun entirely...
P.S. Parang gusto ko na naman ng siomai....T.T
Friday, March 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment