Monday, September 29, 2008

Paulit-ulit na redundance

  1. Sa telenovela/teleserye: hindi makilalang mga tunay na ina at tunay na ama
  2. Sa quickfire(QTV11): "according to blah blah research, umami is the blah blah blah"
  3. Sa kalsada: grupo ng kabataang malalaki ang t-shirt na may malking panyo at may kulay ang buhok
  4. Sa kalsada uli: mga scooter na maingay at masarap sagasaan ng paulit-ulit
  5. Sa jeep: air supply (or any other old school band na may gitaristang long hair, mukhang adik, at itsurang nagsasabi ng "peace mehn")
  6. Sa byahe [in general]: mga kapwa pasaherong malalaki o mga ale na hindi mo naman magawang pwersahin na magbigay ng space sa takot na baka daganan ka
  7. Sa byahe pa rin [sa bus]: ang walang pakundangan pagpapalabas sa mga walang kamatayang palabas na Sis at Daisy Siete sa mga oras kung kailan pinakamabilis mag-init ang ulo ng mga tao
  8. Sa simbahan [bilang isang choir member na madalas pakalat-kalat dito]: Mga ale na nagtatanong ng "Saan po ba nagpapa-misa?" at "Saan po ba ang opisina ni Father?"....na minsan ay napagkakamalan pa ako na seminarista...grr..

Thursday, September 25, 2008

efficiency


Kanina sa interview...as usual I marketed my "obsession for efficiency". at pagkasabi ko nun ay binanggit ko na rin yung "proof" ko na kahit sa paglalakad ay iniisip ko pa rin ang efficiency...

kapag naglalakad ako from point A to D, i take the path AD instead of the preferred AC CD.

nung matapos yung interview i was corrected... same lang daw yung distance nung dalawang path. Hindi na ako nakipagtalo kasi daw BS math siya....baka meron siyang trick up her sleeve at mapahiya pa ako...so tinanggap ko yung correction...

Pagkauwi, i tried to actually compute it... (dati kasi assumed ko lang yun through mental math..)

ang goal [niya] is AD = AC + CD
using pythagorean theorem...
c^2 = a^2 + b^2

lets say square yung daanan... with starting point A and endpoint D (see figure)
let's say 3 ang length ng bawat side...
c is the hypotenuse or the line segment AD.

c^2 = 3^2 + 3^2
c = (3^2 + 3^2)^(1/2)
c = (9 + 9)^(1/2)
c = (18)^(1/2)
c = 4.24
AD = 4.24
AC = 3
CD = 3
going back to the goal....
AD = AC + CD
4.24 < 3 + 3
4.24 < 6

therefore i conclude na sa hypotenuse na ako lagi maglalakad....unless may bldg/pond sa gitna or umuulan [at nasa gilid lang yung may bubong] ...

apir tayo, katotong pythagoras!


Tuesday, September 16, 2008

Friday, September 12, 2008

The purpose of this...

kasama ng mga walang kamatayang IQ test, pagmamatch ng synonyms ng mga terms na hindi mo naman gagamitin sa buhay mo, at exam na may actual na kinalaman sa trabahong gusto mong pasukan...ito yuns isa pa sa pinaka common na exams na naeencounter ng isang applicant...
Complete the following sentences daw... eh siyempre, dapat serious so maayos ung nilagay ko kanina, pero sa totoo lang, ito yung gusto kong ilagay:
  1. I like eggs.
  2. The happiest time in my life would probably be....when I accomplish this list.
  3. I want to know what love is.
  4. I regret starting this stupid list.
  5. At bedtime, I watch the sunrise.
  6. Men are from mars.
  7. The best medicine, laughter is. - yoda
  8. What annoys me the most is filling up questionnaires that has no relation to the job that I am applying for...
  9. People are people.
  10. A mother is the reverse of rethom a....whatever that means
  11. My greatest fear is testophobia.
  12. Sports is the way it used to be.
  13. When I was a child I was young
  14. My nerves are inside my body.
  15. Other people are not me.
  16. I failed my favorite subject, numerical methods.
  17. My mind is a carnival.
  18. The future is Clear

  19. I need money. Hire me...puh-leeeaase?
  20. Marriage sounds like carriage.
  21. I am best when I have money.
  22. Sometimes I wonder how they(HR) check this sort of questionnaires...
  23. The only trouble with hello is goodbye.
  24. My father is at home.
  25. Most women are.... long haired.(?) (yup, wala na maisip XD)
After ko sagutan yung paper ko, narinig ko na napa-bungisngis yung kasama kong applicant sa room. I looked at his paper...ah kaya pala...nasa "complete the ff sentences" na rin pala siya.
Siguro marami nang kakaibang na-basa yung mga HR sa ganyan...hmmm..

Wednesday, September 10, 2008

stupidification in progress...40%

ayoko na talagang manood ng TV, lalo na ng telenovela/teleserye, at siesta-shows.
sa bawat nood, feeling ko i'm one step closer to devolving to some low-life creature.

Kanina habang nasa bus pauwi, around 2pm, i was not able to sleep. Alanganin kasi yung naupuan ko.
"ooh ooh aaah aah vaklushi~"
...and my day was officially ruined.

the show went on as i was on the bus...stupid script flowed freely from the TV's speakers to my eardrums, pa-pasok sa bad-trip kong utak, then lumabas sa katawan ko in the form of anger-heat...the desire to buy TV-B-Gone keychain or to destroy that TV.

Sa bawat script na dumadaloy sa utak ko, parang kasamang nalulunod ang isang endangered specie sa utak ko na tinatawag na "IQ".

Good thing, dala ko ang mp3 player ko...then i started listening to coffeebreakspanish...
ah...mucho mejor! (much better!)
Nilagay ko yung volume sa pinakamataas na level.. ok lang mabingi, kaysa sa ma-bobo.

Kung paano nakaabot sa ganun ka daming season ang daisy siete, ewan ko.
Naalala ko tuloy yung kwentuhan dati sa oracle...(T~T...wala pa rin ako trabaho...T~T)

[sir pao]: uy! pahiram naman ng DVD ng daisy siete!
[kuya dan]: teka, hindi ko pa tapos!
[sir pao]: bilisan mo naman...alam mo naman na favorite na favorite ko yun no!
[HR]: YUUUUUUUCK!!

note: - hindi ako 100% sure kung tama ba ung 2ns at 3rd na uhm..."script"..except the "YUUCK" one.

Tuesday, September 9, 2008

Mang Pandoy

Last week, laman ng balita yung pagkamatay ni "mang pandoy" at kung paano siya namatay...na mahirap pa rin.

He had a TV show, a job (consultant sa house of reps), at scholarship sa lahat ng mga anak niya...kulang na lang yata tax excemption, but still he died poor.

Bakit naman? kasi ba naman, ang magagaling na anak, nag-asawa ng maaga.
Ay, kumusta naman...tapos, let me guess.... hindi nakahanap ng trabaho, then, umasa sa magulang--ni hindi man lang nakapag-abot ng pera sa magulang--in the end, nahila pababa kasama ang masipag na si mang pandoy..tsk.

too bad wala nang bobongpinoy.com para paglagyan ng mga reklamo ko towards the typical Filipino society(marami akong mailalagay dun)

Wednesday, September 3, 2008

i haz a trauma

dati sobrang excited nung aso namin na makalabas ng bahay
most of the time, nakakulong kasi sa likod-bahay...
pero ngayon may phobia na ata siya na lumabas...hehe.
yung first time niya na lumabas ng bahay nasagasaan....ayun napilayan.
mula nun(sunday) hindi na siya lumalabas ng bahay, kahit bukas ang gate...
pag binitbit naman siya pa-labas....tatakbo uli sa likod bahay...hekhek...adik.

*bow*

Monday, September 1, 2008

90's

Sana nakapanood ako nung concert ng eraserheads...T.T
Gustong-gusto ko mapanood yun, pero wala akong pera these days...(paubos na ang pera dahil almost 1 month nang walang trabaho...T.T)...

I Love their music so much... lumaki ako sa pakikinig sa mga tugtog nila. Kumpleto pa nga yata kami ng casette tapes ng e-heads dati, kung di lang ni-nenok ng mga nanghiram nun sa kuya ko.
Orig lahat yun!...well, kasi naman nung mga panahon na yun hindi pa uso ang pamimirata dahil walang pang CD burners...
Sa ngayon ang meron na lang dito sa bahay ay isang CD ng Eraserheads Anthology Pt1...(orig din)

Kung gagawa ako ng soundtrack ng childhood/elementary days ko panigurado mahigit kalahati nun ay songs ng eraserheads...

Natuto ako mag-gitara dahil sa musika nila. Sa tingin ko, lahat ng pilipinong marunong mag-gitara ay paniguradong may memorized na kanta mula sa kanila.

Sana pag nagka-part2 may pera na ako....T.T