Monday, March 16, 2009

close encounters...for the nth time

people with third eye are rare....but not in our choir

mahigit 5 sa choirmates and former choirmates ko ang may third eye. Sa lima kong best friends(dami no? hehe), apat ang may third eye, the other one, si jam, nakakaramdam rin yata kahit minsan...ako totally wala...XD.
Many might think its creepy pag may nakikita ang mga kasama mong spirits or elementals...not for me...heheheh...may halong excitement yung takot na nararamdaman ko pag may mumu daw sa paligid...

according to ALL third eye-enabled people i know, hindi magandang pag-usapan ang mga ghost stuff...kasi nakaka-attract yun ng spirits...

well, kung ikaw nga naman ay isang kaluluwa, tapos may naririnig kang grupo ng tao na mga multo ang pinag-uusapan...siyempre makikinig ka sa sinasabi nila no!
or kung invisible-man ka, tapos narinig mong pinag-uusapan ka...what would you do?

anyway... dun na ako sa kwento ko...

nagpunta kami sa isang lamay kagabi kasama ng mga ka-choir ko...and may kasama akong isang may third eye (hindi "always on" ang third eye niya...minsan inactive...pero that time....active)... nagawi yung usapan namin sa mga multo at third eye... mga dating experiences na may nagparamdam.

i've decided to end the conversation...kasi by experience, LAGIng may nagpapakita sa tuwing ganun ang usapan namin...im not in my bravest mood last night...may kabaong nearby eh... and isa pa...i dont think its right na ganun ang usapan at that situation...change topic kami.

the whole time na kausap ko si bunso, naka-salamin ako. nang matigil ang usapan namin sandali...napatanong siya sa akin kung may tao daw bang nakatayo sa likod niya earlier...kasi may nagrereflect daw na tao sa salamin ko. Naka-puti, pero hindi niya marecognize kung male or female. As usual wala akong naramdaman na kakaiba the whole time...no goosebumps, cold draft or whatever...

Once lang ako nakaranas na makaramdam ng spirit...yata..eheheh. wala akong kasama to confirm kung may nilalang nga doon sa simbahan at that time eh.
One time, Jan or Feb yata yun, mga 5:30pm-6pm, pumunta ako sa Pandayan Hall sa tabi ng simbahan para kunin yung Keyboard. Habang pinipindot ko yung padlock ng locker, I suddenly felt the sensation na parang nakatayo ako sa isang stage---maraming nakatingin sa akin..pero, wala namang tao dun sa lugar ko. I'm not sure if THAT is the feeling pag may spirits sa paligid...or isip ko lang yun.

Noong bata ako, ndi ako sure kung meron nga akong third eye. I have this recurring experience during childhood na may nagpapakita sa bintana sa ulonan ng kamang hinihigaan ko. ang masama pa dun, may mirror sa paanan ng kama ko, kaya kitang kita ko kung gaano ka-lapit sa akin nung kung anumang nilalang na yun. lalaki ata yun...based sa shape ng katawan, parang yung katawan ng typical na lasinggero...medyo bilugan sa taba... i dont recall seeing a face....or a head...im not sure... masyado nang obscured yung memory eh...

good thing wala na akong third eye...mag isa lang ako sa kwarto eh *sigh*

Wednesday, March 11, 2009

grrr please!

it's been a more than a month since i started working again...
enjoy ako sa line of work ko... since specialty ko ang geography ever since i was a child.

when i was 4 or 5 years old, i was "gifted" according to my relatives.
at that age kasi, marami na akong alam na capitals ng mga bansa. may kalakip na annoyances nga lang yung gift na yun...

i remember when i was in grade 2, my classmates and I were playing P.A.N.T.S. (Place, Animal, Name, Things ...i forgot the 's'). Ganito yun... magbibigay ng isang random na letter, then, name a place, animal, etc starting with that letter.
Ang napiling letter ay 'P'...hulaan mo kung ano yung unang naisip ko na place...

"Pyongyang"

sabi ng mga kaklase ko noon...
"ano yan??!?! wala namang lugar na ganyan eh! ndi pwede yan. "
*sabay lagay ng ekis sa sinulat kong place*
ayun...talo tuloy ako sa game...haaay...

Tuesday, March 10, 2009

idol (starwars theme)

ito ang isa sa mga motivation ko para magpayaman...
para makabili ng YAMAHA ELECTONE ELS-01 STAGEA



P475,000 yang organ na yan... o ha! o, diba murang-mura lang?!

or...alternatively...

Yamaha ELB-01 StageA MINI...
mas mura ito...mga P125,000 lang naman.

kung ako ay may tatlong kidney, at binenta ko silang lahat... mabibili ko na yung MINI...amf! XD

more from "maru" (yun lang naintindihan ko sa name niya eh...XD)
Indiana Jones
Back to the future
Jurassic Park

sayang walang superman... di bale, pag meron na akong stagea, gagawin ko yun tapos upload ko rin...(asa naman...LOL)