Friday, November 30, 2007

ethics and bad-grammar-induced-headache

Patience is a virtue....pero kung ganitong klaseng patience na, that patience should be enough to let you enter the gates of heaven. I'm referring to the patience that I have to employ during ethics class. MyGooolay...oo na lang kami ng oo, tumigil lang siya (referring to our professor) sa pag elaborate ng sinasabi niya. 20-"yes'"-and-"no's"-per-minute yata ang rate namin.
The grammar....oh-so-bad(T.T)...If you have noticed, kanina ko pa iniiwasan mag-mention ng pangalan...wawa naman siya eh...
Grabe...sumasakit ang ulo ko tuwing oras ng subject na yun dahil sa mahusay na english
Next time, maglalagay naman ako dito ng "bagong diks"...mga kakaibang words na nakuha namin sa kanya.

I can't wait for the last day of classes ng subject niya...

Wednesday, November 28, 2007

Legato

Habang nasa CR kanina sa SM, nakita ko yung tatak ng urinal: Legato. Medyo ma-kulit din siguro yung nakaisip ng pangalan ng brand na yon.Ang ibig sabihin ng "legato" sa music....parang putol putol yung sound....kabaliktaran ng staccato, na tuloy tuloy.

parang ganito...
Staccato
   plokplokplok

Legato
   plok............plok.............plok

kung di mo na-imagine yung tunog, merong sample dito.

heheh...parang ihi lang no? minsan paputol-putol, minsan tuloy-tuloy. 

Sunday, November 25, 2007

Coffee Taste Test

Akala ko masarap na gawain yung pagtikim ng high grades ng kape. Nanonood kasi ako ng Pinoy meets World ngayon-ngayon lang. Nagpunta sila sa Kenya....and one of the primary products ng bansa nila ay ang kape... Kadiri yung Taste Test ng kape (well, para sa mga tulad kong sobrang maselan sa pagkain). Para nilang ng minumumog yung kape...ilalagay sa bibig then ibabalik sa bowl or tasa. Nasasabi nila yung "grade" ng kape base sa lakas ng panunuot ng lasa at amoy sa ilong, bibig at lalamunan.

Pero despite the arid climate ng bansa, mukhang maganda yung lugar nila...para ngang gusto kong puntahan yun someday eh. Mas mayaman pa yata ang bansa nila sa atin eh.

Heheh...naalala ko tuloy yung isang malufet na blog na nabasa ko dati... I say he's a genius! although moralists and nationalistic people may think otherwise...

Speaking of Taste Test...nag taste test kami kanina ng mga ka-Choir ko sa Frio Mixx nung iba-ibang kulay ng vodka...ala lang...heheh...ayoko na sa bailey's,.. vodka na ako ngayon!

Wednesday, November 21, 2007

I want to be....um, complete?

No, hindi lovelife ang hanap ko(hus!)...Personal fulfillment.

I'm not a model student (far from it, actually!)...pero gusto kong maging professor someday. Professor ng pinaka-ayaw kong subject...Math!

Ewan ko ba. Parang may kulang kasi sa pagtuturo sa amin ng subjects na ito eh....yung approach nila ay hindi for future-programmers. Just pure math.

Gusto kong mag-masteral ng math....pati ng Software Engineering or some other ComSci trail siguro.

Not to mention my other dream, which is to become a Psychologist.

Saturday, November 17, 2007

Radioactive Armpit

Grabe yung nakasabay ko sa bus kanina...

Nasa tabi ako ng salamin ng bus, sa tatluhang upuan. Pag-upo nung mama, may naamoy na agad akong kakaiba....MyGoodness...parang pinag-gilingan ng kape yung kili-kili niya...amoy ng anghit plus amoy ng kape....ganun ang amoy...
Maya-maya ay unti-unti ko na rin na naramdaman yung kakaibang init mula sa armpit niya...wala namang Uranium na nakaipit pero parang may radioactive sumthing dun. Di nagtagal ay pinagpapawisan na rin yung armpit ko. Wala lang...naikwento ko lang

Friday, November 9, 2007

Tumigil nAPO kayo

Fan ako ng APO, pero hindi ako fan ng revivals [with exceptions...kung maganda talaga yung pagkaka-revive. example...si Sitti].
The first collection[kami nAPO muna] was nice...merong magaganda, specially yung Ewan, Doobidoo, Yakap sa Dilim...but not Nakapagtataka (read: Nakhaaphagthathaka)
The Second[kami nAPO ulit muna] was...ridiculous. cliche. sacrilege. blasphemy.

Sana wala nang follow up yun. At kung meron [pa] man...I have great ideas for the title

Huli nAPO ito

Hindi nAPO mauulit
-or-
Hindi nAPO kami uulit

Titigil nAPO kami
-or-
Tumigil nAPO kayo

Wednesday, November 7, 2007

News: Things you NEED to know

Sa Laguna...Asong nagpapa-dede ng pusa.

Sa Japan...Bra na may lalagyan ng chopstick.

Sa Pilipinas...World record sa may pinakamaraming nagkakamot ng pwet simultaneously...

How nice... Thank you 6:30pm news for informing us of these things...Minsan tuloy naisip ko kung nasa likod ba ng cameraman nila si Bruce Nolan* making use of his newly acquired omnipotence to type stuff into the script.

Try to mentally cut out the Crap-news and Showbiz-news....siguro 10-15 minutes na lang ang balita.

P.S. Yung unang dalawang balita, totoo [from 2 and 7]. Yung third, imbento ko lang, but expect to see something like it every weeknight...[ay caramba!]

11/10/2007 follow-up:
Heheh...kakasabi ko lang eto na naman: Bahay na hugis inidoro...blah, blah [GMA]...

12/29/2007...
horoscope para sa mga alagang hayop sa australia... haaay. (for people with so much time and money to burn)

Tuesday, November 6, 2007

Campus Dash, Finale

Sa lahat ng stages ng pag-aaral ko since elementary, pansin ko lagi kong kinakailangang tumakbo.

Noong kinder, dahil...wala lang
Noong Elementary para magpapirma ng "clearance"...
Noong Highschool, para sa isang project-related reason at clearance...
Ngayong College, Para maghabol ng Prof na malapit nang mag-disappear, o para habulin ang deadline (as if isa itong physical being na maaari kong habulin), para maka-abot sa exam o sa kung ano pang dahilan...

Bukas simula na uli yung Takbuhan. And I Hope it will be the last.

Monday, November 5, 2007

Early Christmas Wishlist

Sana...
  1. ...matapos namin ang thesis namin na ito by December...para naman makapagbakasyon pa ako bago ako mag-trabaho.
  2. ...makuha ko yung Numerical Methods ngayong Sem na ito, para kasabay ko ang mga kaklase ko sa pag-graduate...
  3. ...matanggal ko na sa bokabularyo ko yung salitang "procrastination", at mabaon na ito sa recycle bin ng utak ko [ilan sa mga salitang nakabaon dun ay yung "bokasyon", "vocation", atbp. (yes, i'm talking to you, my dear choirmates)]
  4. ...magampanan ko na yung role ko as Music Coordinator ng choir, at maibalik sa dati yung lively aura ng Saint Therese...
  5. ...magka-pera ako. Para mabayaran ko na ang mga utang ko. T.T
  6. ...magka-Cable TV na uli kami. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga local shows na ito...
  7. ...maayos ko na ang kwarto ko. ...wala lang. magulo eh.
  8. ...maaral ko na yung mga gusto kong aralin. Marami yun, mind you...at kakaiba. It Deserves a list of its own...(sa next blog na lang)

Saturday, November 3, 2007

I'm a 90's boi!


Weheheheh.... pagkatapos ko panoorin yung Saber Marionette (nakadownload ako through torrents) MacGyver naman ngayon! Nagtataka nga lang ako dahil wala sa mga ka-age ko ang nakaka-kilala sa kanya. Yun yung show bago mag Thunder in Paradise...(arr...kung si MacGyver nga di mo kilala, yun pa kaya...)
Sa mga hindi nakaka-kilala sa kanya... siya yung 90's TV action hero na kayang mag-ligtas ng kinidnap na leading lady sa pamamagitan ng swiss knife, paper clip, or whatnot. Expert sa pag-gawa ng mga boobie-traps atbp. Isang henyo!
(i-Search mo na lang siya sa google para malaman mo)
Kung gaano ka-galing si Jackie Chan sa Stunts, ganun naman ito kagaling sa pag-gawa ng mga self-made gadgets!

Nakakainis nga lang....sobrang laki pag dinownload ko lahat ng episodes....


52Gb...almost 2gigs(4 episodes) pa lang ang nado-download ko since last month dahil sa sobrang konti ng seeders. T.T

Friday, November 2, 2007

Charles Darwin, Physics, and Women's Feet

Habang nakasakay sa bus nung isang araw may na-obserbahan ako sa mga nakatayo/naglalakad sa bus.
Mas may tendency na ma-outbalance ang mga babae at bata pag nasa bus.
At naka-isip ako ng explanation sa pamamagitan ng concepts ng Theory of Natural Selection, Center of Gravity, at Distribution of Mass...
Grabe...wala akong magawa sa buhay no?...

Sagot ng Physics:
Women have proportionately smaller feet than men.
Habang ang mga bata naman, malaki yung ulo in proportion with the body.
[ para sa mga logic geeks diyan,...walang pakialaman! ]
Ang mga structure na mas maliit ang base kumpara sa upper parts nito ay unstable, habang ang may malalapad na base naman ay stable.(e.g.: pyramid)
That settles the first part... i think.

Pero bakit ganun ang proportions nila?

Sagot ng Theory of Evollution/Natural Selection:
Dahil hindi nila kailangan ng ganung proportions...
Men have proportionately bigger feet dahil ginagamit ito dati for hunting. Through Natural Selection, namatay yung mga lalaking maliit ang paa, dahil natatapilok sila sa pagtakbo pag hinahabol sila ng mga sinaunang hayop. Yan tuloy, di na sila dumami.
Meanwhile, women with big feet probably had suffered in some way dahil sa inefficiency ng unecessarily big proportions ng paa nila...Ganun siguro...Ay ewan. di ko na alam.

Siguro epekto ito ng pagbabasa ko ng Sherlock Holmes.