Wednesday, November 23, 2011

Social Networks and their purpose for me.

Facebook = pag gusto kong magpapansin. para i-check kung buhay pa nga ba ako at hindi ako parang yung mga multo sa 6th Sense na hindi alam na patay na pala siya.

Multiply = Pulitika, pang-gagaya kay Ramon Bautista, at mga patawa na hindi bebenta sa 'masa'.

Twitter = walang makausap, gustong kausapin si internet. minsan may sumasagot, pero pag may sumasagot, ayoko namang mapansin, hahaha.

Google Buzz = para sa mga announcement sa opisina para sa mga sumusunod na bagay: Non-Working Holiday at pagdating nina Totoy, Manang, ate-na-nagtitinda-ng-mani, at pa-free lunch ng mga may birthday.

Tumblr = pwedeng ikumpara sa isang lugar na tatakbuhan mo para lang umutot. ganun.

Evernote = tula, kanta, suicide notes at iba pa. (sikret)

???????? = raw emotional baggage. (sikret)

LiveJournal = Seryosong inglisan ito. (sikret)

deviantArt = WALA! hahaha XD


Friday, November 18, 2011

Money Zombies

Sa kabilang sulok ng mundo merong mga tao na natutulog sa tabi ng kalsada sa loob ng mga tent/sleeping bag. Hindi sila mahihirap. Actually, malamang sa malamang, mas mayayaman sila sa atin.

Nakapila sila sa tapat ng mall at sinehan para sa Black Friday Sale (NEXT FRIDAY PA YUN!!) or much worse: para manood ng walaaaaaaaaaaang kakwenta-kwentang BREAKING DAWN. Mind you, I actually read the plot in wikipedia, I'm not judging it by how others see it. When I read the summary I understood Stephen King's comment* on the saga.

Nangyayari yan halos once a month sa ibang bansa, pag may bagong labas na pelikula o bagong labas na product. Ito na siguro yung pinakamagandang example para sa gasgas na quote(?)/statement(?) na "money controls you".

Kahit yumaman ako, hindi ako magtatayo ng tent para sa isang produkto---kahit limited edition pa yan. I guess halos lahat ng pinoy ganyan din naman din ang gagawin---maliban na lang kung perishable goods na yung pinag-uusapan (sa isang food shortage, halimbawa).

I think it's pathetic to measure your life's worth by the things you have and things you've done ahead of the others. I know I shouldn't be talking about simplicity dahil ako mismo ay materialistic, pero at least I desire not to remain this way.


Wednesday, November 16, 2011

I love to work

May pinost na ako na parang ganito dati. Noong estudyante pa ako, palagi kong naririnig sa mga nagtatrabaho na na "Pag nagtatrabaho ka na, hihilingin mo na sana nag-aaral ka na lang ulit". Merong mga ilang panahon na naramdaman ko yon, pero hindi yon nagtatagal. Nararamdaman ko lang yun kapag may lakad ang mga kaibigan ko dahil "no classes" sila.

Noong estudyante pa ako, P20 hanggang P100 bills lang ang "mainstay" sa wallet ko (kung merong laman). Manghang mangha ako sa mga kaibigan kong hindi nawawalan ng ginto (P500) sa wallet. Pag ang wallet ko, may laman na 500, isa lang ang ibig sabihin nito: may bibilhin ako na pinag-ipunan ko ng isang buong linggo. Kaya ngayong nagtatrabaho na ako, laking tuwa ko na madalas na akong may ginto sa wallet --- take note: madalas---hindi 'lagi'.

My friends wouldn't believe me sa sasabihin kong ito: napakagaling kong magtipid. Bata pa lang ako, alam ko na ang halaga ng pera. Hindi ako nagpapabili ng laruan pag alam kong mahal yun. Ang una kong tanong pag may nagustuhan akong laruan: "Mahal po ba ito?". Hindi naman kami mahirap, pero noon pa lang alam ko na mahalaga para sa matatanda ang pera.

---------

Iba talaga pag nagtatrabaho ka na. Pag estudyante ka, pwedeng ipagpabukas mo na lang ang isang gawain. Pwedeng magpabagsak ka na lang at bumawi ka next time. Noong Biyernes ng gabi, gusto ko nang umuwi. bahala na si batman. Pero hindi pwede. Kailangang maging mature at masunod ang kailangan ng client. Kailangang magtrabaho kahit ayaw mo na, kasi may mga taong umaasa sa gagawin mo. Mas matindi pa kaysa sa kombinasyon ng pressure ng Thesis, Case Study at Finals noong college ang naranasan ko.

---------

I'm one of the rare few that actually enjoy the course that I have taken. I enjoy programming. Minsan nga gumagawa ako ng programs dahil "wala lang". Noon, akala ko ang passion ko ay ito mismong I.T., pero ngayon narealize ko na isa lang ito sa sakop ng totoo kong passion: problem solving. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ako interesado sa napakaraming larangan (see older blog post)

-----

Recently din, narealize ko na bilang isang programmer, may kakayahan akong makapagligtas ng mga buhay ng ibang tao. Dahil dito, lalo kong naiintindihan kung gaano ka-seryoso ng bawat integer na pinapasa-pasa ko sa mga program ko.

Kailan lang ay gumawa ako ng isang program na nagbo-broadcast ng emergency bulletin sa isang buong bansa---isang bansa na madalas tamaan ng sakuna ( I won't elaborate further due to confidentiality and stuff). Kung paiiralin ko ang bahala-na approach dun sa ginagawa ko, baka hindi makarating sa mamamayan ng bansang yun yung announcement na maaaring ikamatay nila.

It's amazing how words can decide the fate of someone's life.

----------

Ito ang ikalawang taon ko ng pagtatrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya. Sandali lang pala talaga ang tatlong taon. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas mula nung halos mawalan na ako ng pag-asang makahanap ng trabaho, pero eto ako ngayon at nakakaranas ng iba-ibang blessings sa kasalukuyan kong trabaho.


Tuesday, November 1, 2011

Cleaning up my closet

I've heard from the morning rush that there are many types of OC Disorder.
The most popular types are the cleaners, washers and the checkers. ---- Do I even need to explain what they're obsessed about?

I did a bit of research, and I found out that there are many other types of OCD.

I'm no psychologist but I think I fall in the hoarder category. Hoarders have the tendency to keep things that might be useful in the future. This is one of the not-very-organized types of OCD. People who belong in this category tend to be messy with all the stuff we've collected.

Just yesterday I managed to clear a whole closet worth of magazines, papers, test papers, sentimental rocks, pokemon cards, and other stuff from my room---rendering my room 8 cubic feet bigger. I didn't throw all of them, I just placed them in a slightly more organized drawer.

The funny thing is--- I think I'm not the only one suffering from this. As I was digging through all the stuff, I also found some of my brothers' research papers, plus some expired fireworks from the early 2000's.

365 Project