Sana nakapanood ako nung concert ng eraserheads...T.T
Gustong-gusto ko mapanood yun, pero wala akong pera these days...(paubos na ang pera dahil almost 1 month nang walang trabaho...T.T)...
I Love their music so much... lumaki ako sa pakikinig sa mga tugtog nila. Kumpleto pa nga yata kami ng casette tapes ng e-heads dati, kung di lang ni-nenok ng mga nanghiram nun sa kuya ko.
Orig lahat yun!...well, kasi naman nung mga panahon na yun hindi pa uso ang pamimirata dahil walang pang CD burners...
Sa ngayon ang meron na lang dito sa bahay ay isang CD ng Eraserheads Anthology Pt1...(orig din)
Kung gagawa ako ng soundtrack ng childhood/elementary days ko panigurado mahigit kalahati nun ay songs ng eraserheads...
Natuto ako mag-gitara dahil sa musika nila. Sa tingin ko, lahat ng pilipinong marunong mag-gitara ay paniguradong may memorized na kanta mula sa kanila.
Sana pag nagka-part2 may pera na ako....T.T
Monday, September 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment