Sunday, March 30, 2008

Crikey!

Denied yung application namin ni Melody na sumama sa World Youth Day...(T.T)

Sayang at marami pa naman kaming planong kalokohan dun: magpa-picture sa bulsa ng kangaroo, mag-smuggle ng karne ng kangaroo at magbenta nito sa palengke, atbp.

Akala ko pa naman mapapakinabangan ko yung pag-aaral ko ng Spanish.

Ya hablo un poco Espanol ahora!

(ahm...di ako sure kung tama ang grammar nyan ah. ang translation niyan...or rather, yung gusto kong sabihin: "nakakaintindi na ako ng kaunting Kastila ngayon".)

Anyway... sayang talaga....once in a lifetime experience sana yun o...
Pero on the other hand...mas ok na rin siguro, tingin ko mas kailangan ako ng choir dito.

later, mate!

Friday, March 28, 2008

tipid tips

ndi pa ako nakakahanap ng trabaho, ang dami ko nang gustong bilhin...
ahm,...hindi sila necessities...mga pinagpipilitang-maging-necessities lang

1. MacBook Pro 17-inch; 2.4 Ghz (P 144K)
mga paliwanag: kasi programmer ako eh...kaya kailangan ko ng laptop. Ayoko ng Windows kasi,...ahm...crappy yung mga OS nila. Vista? yuck! ayoko nga ng Operating System na mabigat na!---mabagal pa! sabi nga ng idol kong prof na si melvin
[feeling ko may sinabi akong bad word]:
the size of the program is inversely proportional to the program's execution time (bilis ng pag-andar...in case you didn't get that). pag malaki (in terms of bytes) ang isang program, it means na mabilis yung program....and vice versa.

bakit 17-inch?...mahirap kaya magprogram sa isang 15 inch na monitor!
bakit 2.4 Ghz lang imbis na 2.66 Ghz?....anu ka ba, di ko naman KAILANGAN yung ganun no..
bakit di na lang windows XP? para walang virus..
bakit hindi linux? kasi...ahm, panget interface nun

2. Roland Fantom-X8 (P 100K-250K)
paliwanag: kasi....maganda yung quality...i think...kasi Roland yun eh. yun gamit ng professionals diba? ako rin! professional din naman ako pag nag work eh., diba?
[ako-sa work]: hello, sir, ma'am, techsupport, how may i help you?

3. Toyota Prius(P 1.7M-2.0M)
paliwanag: kasi pag mag-wwork na ako, shempreh, kailangan may wheels ako...ayoko ng ordinary sedan kasi common. ayoko rin ng malalaking sasakyan kasi, malakas sa gasolina...kaya yan na lang....hybrid yan! technically its still a sedan, pero mejo sportscar ang dating. gas engine plus electric engine para tipid sa gas, tapos less drag dahil sa aerodynamic design (aerodynamic design, HOOOOoooo!~)
basta maganda yan! at fuel-efficient, tamang-tama sa isang katulad kong matipid at marunong sa buhay.(??)

4. Nintendo DS (P8500)
paliwanag: after a hard day's work, shempre gusto ko naman mag-relax no! kailangan ng ko ng games. ayoko sa PSP, mahal yun. mahirap pa mag-install ng games sa mem-stick. saka ayoko sa masyadong graphics intensive na games, masaya na ako sa pokemon, harry potter, mario,wario, at iba pang pang-bata na games.
mahaba pa yung battery life, kaya mas bihira ang pagcharge ng battery. mas tipid diba?

5. La-Z boy Recliner
paliwanag: haaay...just got home from work...bihis, hilamos, nood ng TV---aargh!!---monoblock chair! nooooooo!
my overworked spinal column and legs need something to lean on.





Tuesday, March 25, 2008

Too calm...

ahm....malapit na ang graduation ko pero ewan ko, hindi ako excited.

ewan ko ba.

mas excited pa ako na tumugtog sa Sunday (sa choir) or sa swimming namin ng mga bestfriend ko kaysa sa graduation.

siguro ma-eexcite ako pag unti-unti nang tinatawag ang mga surnames na nagsisimula sa 'E' para umakyat sa stage.

[anu ba yan....pati ba naman sa pagiging excited, late pa rin ako]

Thursday, March 20, 2008

A message to Saint Therese Choir members and officers

by: Anna
slightly edited by: me (roy)

Kung napapansin ninyo, mga mahal kong choirmates , halos mawala na ang mga officers ng ating choir.

Nauunawaan natin sila sapagkat alam nating malalim ang mga dahilan kung bakit hindi na sila nakaka-attend. Subalit nais ko po sanang paalalahanan ang mga pioneer at ang ating mga 'nawawalang officers' na katatapos pa lmang po ng election of officers at kasalukuyang nangangapa pa po kami sa aming mga kinalalagyan sa kasalukuyan.

Kailangan po namin ang inyong gabay, suporta at tulong.
Isa po ito sa pangunahing dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang mga nkatakdang activities ng grupo. Isa sa mga activities na ito ay ang recruitment, kasi kaunti lang yung regular members na umaattend every practice and during mass. Unfortunately, recruitments may not work,
baka umalis din yung marerecruit kung wala silang makikitang activities...lalo na sa mga student recruits na sumali during summer vacations...looking for something to do.

Recruitments must begin within summer vacation ng mga students.

And also, sana wag nating sayangin ang commitment na ipinapakita ng ilan sa mga bago nating members. Mahirap makahanap ng members na NAGTATAGAL and CONSISTENT ANG ATTENDANCE. The last time this happened was---i can't remember when exactly---a very long time ago.

Kaya sana po, MAGPARAMDAM naman kau!

[you may post your reply as a comment(below...please identify yourself)]

your mother is a.....

Monday, March 17, 2008

idle brain

Kumbaga sa aftelife....ang utak ko ay nasa Purgatory...neither heaven nor hell.

Parang ilang linggo nang natutulog ang utak ko...natutulog, kahit ngayon...

Ang state of mind ko ngayon....parang nag-ccloud watching*...

Hindi ako exited sa Graduation, although i know na isang bagay yun na dapat kong ika-excite

Although ayoko rin naman na magka-schoolwork...or work...(muna....sa april gusto ko na ng work)

* - i spelled it as nagccloud(read: nag-ka-klawd) kasi wala naman talagang maayos na spelling sa mga borrowed na words ng Tagalog

haaay....

Monday, March 10, 2008

Life is cruel

My fingers hurt...

Sa sobrang kaka...

-...sulat sa journal ko.

-...text.

-...drawing. May dalawang charcoal paintings pa akong pending....for Reynalyn and Ate Carla.

-...tugtog ng keyboard. Gumawa ako ng deadline para sa sarili ko. Kailangan makabasa ako
ng notes nang maayos in two weeks.

-...pindot ng remote control. Nangangalahati na ako sa episodes ng House M.D. (Season 3), may
sira yung DVD. every after episode, nawawalan ng sound. bumabalik lang pag ineeject-then-insert ko yung disc.

-...pindot ng mouse. Hindi ako magaling sa zuma. I takes two sittings bago ako maka advance ng 3 levels. Do you have any idea how difficult this is?[emo-mode. *slices-pulse*]

"it's not easeh....to beee-heee meeee..."

Friday, March 7, 2008

a day in a bum's life

For the first time in my college life, nakapagpahinga ako ng isang buong araw na walang inaalala.

Walang exams the following day...
Walang natanggap na orders or commands from anyone....
Wala.

I woke up at 10am. Imbis na magbukas ng computer, naglinis ako ng kwarto.
For the past 2 years, hindi kapani-paniwalang dami ng kalat sa kwarto ko. You literally have
to watch your step for books, photocopied materials, paper clips, keyboard, charger, and adapters scattered all over the floor.

Pagkatapos maglinis, nag-marathon ako ng House M.D. Season 3, sabay kain na rin.
Later nag-computer ako--hindi para umasikaso ng kung-anong project--instead, para maglaro.
I think I will immune from household work for a few days.

Maya-maya, siguro magpa-practice naman ako ng keyboards at pag-basa ng notes.
Then susundan ng exercise. Yup, exercise...kasi ang physical activity lang na nae-experience ko
sa course ko ay ang pagtakbo sa mga computer/printing shop or bookbinding err...shop (is there such a term as a bookbinding shop? ) to fulfill some requirements.
Feeling ko sobrang nanghihina na ang katawan ko due to lack of activity. Kahapon nga nung nag-dancemaniax ako, dalawang round lang (5 songs per round) pinagpapawisan na ako.

Marunong pa pala akong mag-dance maniax...hehehe. Kaya ko pa rin yung wild mode ng
it's a party at heaven is 57th metallic grey... pero ndi ko sinubukang
mag-happy hopper or quickening. tingin ko ndi pa kaya ng sluggish reflexes ko.

Mamaya susubukan ko nang gawing normal ang sleeping time ko. Ang current na "Normal" ko is 2am to 8-10am.

Starting tomorrow, serious keyboard practice na rin ako. Para naman makatugtog na ako as soon as Easter Season. Feeling ko malaki na ang atraso ko sa choir eh.

Gagawa na rin ako ng Graduation Resolution...(...kasi ndi naman new year eh, and gusto ko magbago, and walang ibang word na magfi-fit before the word 'Resolution')

Mula ngayon, i will be an organized person.

And I'll  make sure na matutupad ko yun unlike ng new year's resolution ko na hindi ko na nga natupad, nakalimutan ko rin kung ano yun entirely...

P.S. Parang gusto ko na naman ng siomai....T.T

Thursday, March 6, 2008

How the?!

Isang subject na lang ang hihintayin ko at makakagraduate na ako!

Thesis - 1.25 ! (o ha! oha!)
SRM - 64.52%
Multimedia - 70-80
Cisco lec - 89.xx
Automata - 62.xx
Numerical Methods - ok! (di ko pa nakikita, pero pasado daw kami...)
Ethics - ok! (wala raw bumagsak)
Seminar 1 - ok! (pasado raw lahat...err, parang kabaliktaran
lang ito nung previous na sinabi ko ah...hmm....anyway)
Cisco Lab - di ko pa alam pero, err... may bumabagsak ba kay sir Jale?

di talaga ako makapaniwala....

sana maka-abot yung mga classmates ko na mag-reremoval bukas.

Wednesday, March 5, 2008

siomai

ndi ko alam kung anung tumama sa akin since last week, bigla akong na-adik sa siomai

mula nung thursday, araw-araw na ata akong kumakain ng siomai

naadik na ata ako sa siomai....

kanina bago ako umuwi, imbis na pumunta sa SM, nag-siomai ako sa underpass sa lawton,
dun sa siomai house...
ay nga pala, nung pa-pasok pa lang ako, dumaan din ako dun!

nung isang araw, ginagawa kong hapunan yung 6 na siomai..

baka di magtagal at gawin ko nang siomaimonster itong blog na ito...

Good Eating Habits naman...

wake-up by 9am, kakain ng almusal by 12:30pm

Pagdating sa lawton, gutom na uli.. siomai naman...4 pieces

"lunch", or should i say, the-2nd meal-of-the day comes at 7:30pm

Pag-uwi, wow, may ulam... bihira mangyari ito! kaso kaka-kain ko lang...

by 1am, yan, gutom na ako...maka-kain na nga ng "dinner"

hmmm... anung oras kaya ako kakain mamaya?

Sunday, March 2, 2008

Exotic Food

Exotic food + Stupid-Filipino-Male-way-of-thinking = aphrodisiac (kuno)

Halos lahat ng news-magazine show na napanood ko na may feature na exotic na
pagkain AT lalaking taga-probinsya, ganito ang sinasabi.

ay, naku.

so far, eto yung mga pagkain na naaalala kong aphrodisiac daw..
1. Camaro (insekto...isang specialty sa pampanga ata)
2. Durian (Palawan Porcupine, ndi yung prutas)

...di ko maalala lahat, pero marami yan... aabot ng15 siguro yang listahan.

DUMB