Friday, October 31, 2008

Gawaing pangsanay 1

Pwede ka bang maging scriptwriter/director ng mga TV shows? bilugan sagot na naaayon sa iyong kagustuhan.

1. May sikreto ang mga bida.... sa paanong paraan malalaman ng mga kalaban ang sikretong ito?

a. maririnig ng kalaban ang usapan ng mga bida mula sa siwang sa pintuan
b. by coincidence ay mahuhuli/makikita ng kalaban ang sikreto
c. makikita nila ito sa files ng computer ng bida...nakalagay sa desktop ang super duper secret file..XD
d. mahuhulaan ito ng kalaban, base sa mga kakaibang kinikilos nito at base sa mga ebidensyang nakalap sa pamamagitan ng satellite images....mula sa satellite na pagmamay-ari ng kalaban


2. Gusto mo ng kakaibang twist sa gagawin mong TV show...hmmm, ano kayang twist ang magandang gawin?...

a. Hindi kilala ng bida ang tunay niyang ama/ina OR hindi niya tunay na ama/ina ang mga kinikilala niyang ama/ina
b. Merong powers yung bida at kalaban. Nakuha nila ang kapangyarihan mula sa isang matanda, ibang mundo/planeta/dimensyon, eksperimento
c. Ordinaryong tao sa isang di-inaasahang sitwasyon
d. Panget yung bida, as in!...T.I.M.Y.A.P., ika nga....dahil tinamaan ang mukha niya ng radiation nang subukan niyang i-explore ang laman ng bataan nuclear power plant.....at pinagngangatngat ng mga mutated na daga ang mukha niya


3. Gusto mo ng magandang ending sa kwentong ginagawa mo....paano mo tatapusin ang kwento?

a. Ikakasal ang bida... tatapusin sa isang kaka-kilig na kissing scene. aww......*kiligz*
b. Mamamatay ang kalaban sa isang bonggang-bonggang pasabog.....bwahahahaha....buti nga sayo!
c. Magiging mabait ang dating kalaban at magiging close sila ng bida. Lilipad patungong ibang bansa yung kalaban para magbagong buhay.
d. Ikakasal ang bida at kalaban....sa california(pareho silang guy/gal)...american citizens na sila btw

4. Beggar-mode yung bida at naghahanap ng masisilungan....kumatok sa isang bahay na, according sa plano, ay hindi tatanggap sa kanya. Paano mag-rereact ang may-ari ng bahay?

a. From a completely calm state, bigla itong ma-e-HB (high blood....read: ma-eh-eyts-bi....tsk, may tama bang spelling sa mga ganitong tagalog words? anyway...) at magsisisigaw: "humpf! ang baho baho mo!!! UMALIS KA NGA SA PAMAMAHAY KO...BLAH..BLAH!"*itutulak si-bida-papalayo*.(...kahit na ang-ganda-ganda naman nung pulubi at wala ni isang pimple)
b. hindi sasagot
c. "pasensiya na ha, pero ndi ka talaga namin mapapa-tuloy sa bahay namin"
d. "pasensiya na ha, ndi ka namin mapapatuloy...., eto oh, *abot ng cheque*.. sa makatulong sa iyo yan...pasensiya na talaga ha"


5. Walang mahalagang event sa araw ng talk show na dinederek mo...Malayo pa ang susunod na holiday/fiesta....walang event....walang artista na bagong uwi ng pilipinas...walang hot na chismis para mapag-usapan..walang may birthday...as in wala! Anong gagawin mo sa next episode?

a. Kahit anung topic na lang....uhm...."pets ng mga artista"?...pwede na yun! tapos magtatawag ng maraming artista[lalo na yung mga love teams] na gagawa ng maraming song and dance numbers. tapos pag interview na....bahala na....kahit wala naman talagang pet yung artista, pwede na rin! tapos may surpise numbers din! pahabol....dapat maraming confetti, at parang laging may fiesta!!
b. mag-replay ng episode na may event...mas mabuti na yun kaysa sa walang kwentang topic
c. simple topics na for sure ay gusto ding gawin/subukan ng mga tao regardless of season... like for example, mall hopping sa mga malls along EDSA mula Trinoma hanggang MoA
d. Paano buksan ang third eye at i-activate ang telekinetic abilities na maaaring gamitin ng mga televiewers sa pang-araw araw nilang pamumuhay





pag karamihan sa mga sagot mo ay (a) or malapit sa (a)...congrats, tanggap ka na bilang writer sa susunod na season ng daisy siete...(buti ka pa may trabaho na, ako wala pa...), malaki rin ang chance na kamag-anak mo si louie ignacio

pag (b), nakakaantok ka mag-sulat, pero pwede na rin....mapag titiisan na rin kung wala talagang palabas

pag (c), well,,...medyo sayang pa rin ang oras ng matatalinong tao....pero at least "medyo sayang" na lang no!

pag (d), bob ong, statue?!

Thursday, October 30, 2008

e-burol....LOL!!!

mga naiisip talaga ng pinoy oh...
  • interactive kabaong - kabaong na may lcd screen na nagpapakita ng ppt
  • e-burol - hulaan ko ang catchphrase nito..."watch burols online"...ehekhekhek...
ako rin may naisip na maganda....magagandang songs para sa burol ....ehehehe

5. Bring me to Life

4. Ilibing ng buhay ang mga pa-sosyal

3. Gangsta's Paradise

2. In da Club

1. Voltes 5 Ending Theme - naiimagine ko yung mga nakikilibing....pumipitik-pitik pa ng sabay-sabay habang naglalakad....nice!

0. Voltes 5 - Opening Theme - naka-balita na ako ng libing na ito ang tugtog...pramis! bata daw kasi yung ililibing and favorite daw yun nung bata...

Monday, October 27, 2008

My Life List

(ginaya ko ito dun sa isang chapter sa Chicken soup for The Soul)
* bold+italic means "in progress" or nagawa ko na pero kulang pa...


Learn to Speak
  • Spanish
  • Japanese
  • French
  • German
Learn to Play (musical instrument)
  • Piano (both by note-reading and "de oido")
  • Guitar (both by tab-reading and "de oido")
  • Organ
  • Flute
  • Saxophone
  • Drums
  • Piccolo
  • DoubleBass
  • Violin
Experience / Learn to [do] / Be very good in:
  • Skydiving
  • Base Jumping
  • Rappelling (lahat ng style,,,,Australian Rappeling, pati yung upside down)
  • Spelunking (--exploring caves....nagawa ko na ito, pero gusto kong ulitin...without a tour guide)
  • Scuba Diving
  • Surfing
  • Chess
  • Ice Skating
  • Ice Skiing
  • Design a house
  • Kendo
  • Jujitsu
  • Bowling
  • Photography
  • Drifting
  • Play in a Band
  • on-the-spot Charcoal Painting
  • Fencing
  • Understand all the major fields of mathematics...(Integral Calculus, Numerical Methods, etc)
  • Understand Quantum Physics
Travel / Explore /Go to...
  • Maldives
  • Japan
  • France
  • Germany
  • Austria
  • Italy
  • Spain
  • Chile
  • Egypt
  • Carribean Islands
  • Palm Islands, Dubai
  • Easter Island
  • Galapagos Islands
  • all the tourist spots in the Philippines
Read [,be familiar and understand]:
  • TC7 (The Calculus 7....3-4 inch calculus book ....chapter 1 pa lang...T.T)
  • All of Haruki Murakami's Books (two down!)
  • Bob Ong Books - done!
  • Harry Potter series - done!
  • the Bible
Learn to Program in:
  • Google Android
  • Symbian
  • iPhone SDK
others:
  • be a psychologist (or psychiatrist, if i can find the time...)
  • Compose liturgical music
  • Direct a Film
  • Retrace Jose Rizal's travels in Europe
  • Conduct a seminar in UST (preferably about mobile programming or Java programming)
  • be a known authority in the subject of mobile programming
  • Write / Publish a Book (I have already written 3 books-worth of journals....currently doing my 4th....yet to write something that is publishable)
  • Earn certification in PhilNits
  • Earn SCJP and SCJD certifications (I'll be taking SCJP April Next Year)
  • be an Sun Certified Enterprise Architect (SCEA)
  • esté casado con [la] *bleeeeeep* y tenga niño
  • to be able to accomplish everything in the list, especialmente el que está antes de esto

the old paintbrush

Saturday, October 18, 2008

mi estado actual

No he estado haciendo nada para el último pocos días. Hay muchas cosas que he realizado, como, por ejemplo, la razón por la que todavía no puedo encontrar un trabajo.....Pienso que está debido a mi orgullo.

Estoy comenzando a perder esperanza.

El pensamiento de ella me mantiene vivo… me hace feliz...

macmacan~!

wallpaper ko:



wallpaper ni jen:



hindi namin pinag-usapan yan.....pareho lang talaga kami mag-isip! LOL!

Saturday, October 11, 2008

ATM Nostalgia

Namimiss ko na mag-withdraw ng pera...

...Ang mala-musikang tinig (kung meron man) na nagmumula sa makina na nagtatanong kung ano ang susunod na transaksyon...

...Ang Halimuyak ng malutong at bagong withdraw na pera...ang gintong Ninoy at asul na TVJ...ang sarap ipang-paypay kapag pagod sa trabaho...

...pati na rin yung mga resibong naiipon sa mga bulsa at bag...kasama ng mga ticket ng bus na naka-bilog...nagtatago, sumisingit sa kaila-ilaliman at kasuluk-sulukan...

magkikita tayong muli...balang araw...(T.T)

Friday, October 10, 2008

with very deep intellect lolz

64% Geek



pero ito ang tunay na matalino...
[PAALALA: maghanda ng maraming tissue..dadanak ang dugo]

Tuesday, October 7, 2008

Luca Pacioli, pray for us

huhu.... i knew i should have listened to my accounting class during high school and college..

eto ako, nag-ppseudo-audit ng sales...

Luca Pacioli, pray for us...*luhod*

Thursday, October 2, 2008

bakit ayokong tumao sa tindahan...

- mga wierd na pronounciation...
  • kutung bans - cotton buds
  • bebeh owel - baby oil
- ambigous na brand names (pagagalitan ka ng bumibili pag mali ka)
  • champion (sabon at sigarilyo)
  • happy (mani, diapper at kutung bans)
- generic names
  • surf na tide
  • EQ na pampers
- matatalinong mamimili
  • ...pabili nga nung binili ko sa inyo nung isang taon
- nagmamagaling na mamimili
  • [genius]: pabili nga ng guardian...
  • [tindero]: baka gardenia
  • [genius]: ah, yun nga... pareho rin yun
- mutant na mamimili
  • may mama na bumili kanina... ung villain siya sa heroes...wala na... superhuman ang baho mehn. Akala ko kanina bumabagal yung oras ala hiro nakamura... utak ko lang pala yung bumabagal sa amoy niya.

haay...

Wednesday, October 1, 2008

waiting for my raket to come...

By Sunday October 5, 2 months na akong walang trabaho...

Ang natitirang pera ko na lang ay ang mangilan-ngilang coins na nasa coin purse...na kasama ang mga ligaw na quantum tokens (pang dancemaniax)...

(T.T)

* magaling na ako magdancemaniax...joke na para sa akin ang Wild ng Baila Baila, 57th metallic Grey, pati na rin All my Love. Inaaral ko na ngayon ang Afronova, Quickening at Happy Hopper (pag mainit-init ako, kaya ko tapusin ang Happy Hopper)