Friday, October 31, 2008

Gawaing pangsanay 1

Pwede ka bang maging scriptwriter/director ng mga TV shows? bilugan sagot na naaayon sa iyong kagustuhan.

1. May sikreto ang mga bida.... sa paanong paraan malalaman ng mga kalaban ang sikretong ito?

a. maririnig ng kalaban ang usapan ng mga bida mula sa siwang sa pintuan
b. by coincidence ay mahuhuli/makikita ng kalaban ang sikreto
c. makikita nila ito sa files ng computer ng bida...nakalagay sa desktop ang super duper secret file..XD
d. mahuhulaan ito ng kalaban, base sa mga kakaibang kinikilos nito at base sa mga ebidensyang nakalap sa pamamagitan ng satellite images....mula sa satellite na pagmamay-ari ng kalaban


2. Gusto mo ng kakaibang twist sa gagawin mong TV show...hmmm, ano kayang twist ang magandang gawin?...

a. Hindi kilala ng bida ang tunay niyang ama/ina OR hindi niya tunay na ama/ina ang mga kinikilala niyang ama/ina
b. Merong powers yung bida at kalaban. Nakuha nila ang kapangyarihan mula sa isang matanda, ibang mundo/planeta/dimensyon, eksperimento
c. Ordinaryong tao sa isang di-inaasahang sitwasyon
d. Panget yung bida, as in!...T.I.M.Y.A.P., ika nga....dahil tinamaan ang mukha niya ng radiation nang subukan niyang i-explore ang laman ng bataan nuclear power plant.....at pinagngangatngat ng mga mutated na daga ang mukha niya


3. Gusto mo ng magandang ending sa kwentong ginagawa mo....paano mo tatapusin ang kwento?

a. Ikakasal ang bida... tatapusin sa isang kaka-kilig na kissing scene. aww......*kiligz*
b. Mamamatay ang kalaban sa isang bonggang-bonggang pasabog.....bwahahahaha....buti nga sayo!
c. Magiging mabait ang dating kalaban at magiging close sila ng bida. Lilipad patungong ibang bansa yung kalaban para magbagong buhay.
d. Ikakasal ang bida at kalaban....sa california(pareho silang guy/gal)...american citizens na sila btw

4. Beggar-mode yung bida at naghahanap ng masisilungan....kumatok sa isang bahay na, according sa plano, ay hindi tatanggap sa kanya. Paano mag-rereact ang may-ari ng bahay?

a. From a completely calm state, bigla itong ma-e-HB (high blood....read: ma-eh-eyts-bi....tsk, may tama bang spelling sa mga ganitong tagalog words? anyway...) at magsisisigaw: "humpf! ang baho baho mo!!! UMALIS KA NGA SA PAMAMAHAY KO...BLAH..BLAH!"*itutulak si-bida-papalayo*.(...kahit na ang-ganda-ganda naman nung pulubi at wala ni isang pimple)
b. hindi sasagot
c. "pasensiya na ha, pero ndi ka talaga namin mapapa-tuloy sa bahay namin"
d. "pasensiya na ha, ndi ka namin mapapatuloy...., eto oh, *abot ng cheque*.. sa makatulong sa iyo yan...pasensiya na talaga ha"


5. Walang mahalagang event sa araw ng talk show na dinederek mo...Malayo pa ang susunod na holiday/fiesta....walang event....walang artista na bagong uwi ng pilipinas...walang hot na chismis para mapag-usapan..walang may birthday...as in wala! Anong gagawin mo sa next episode?

a. Kahit anung topic na lang....uhm...."pets ng mga artista"?...pwede na yun! tapos magtatawag ng maraming artista[lalo na yung mga love teams] na gagawa ng maraming song and dance numbers. tapos pag interview na....bahala na....kahit wala naman talagang pet yung artista, pwede na rin! tapos may surpise numbers din! pahabol....dapat maraming confetti, at parang laging may fiesta!!
b. mag-replay ng episode na may event...mas mabuti na yun kaysa sa walang kwentang topic
c. simple topics na for sure ay gusto ding gawin/subukan ng mga tao regardless of season... like for example, mall hopping sa mga malls along EDSA mula Trinoma hanggang MoA
d. Paano buksan ang third eye at i-activate ang telekinetic abilities na maaaring gamitin ng mga televiewers sa pang-araw araw nilang pamumuhay





pag karamihan sa mga sagot mo ay (a) or malapit sa (a)...congrats, tanggap ka na bilang writer sa susunod na season ng daisy siete...(buti ka pa may trabaho na, ako wala pa...), malaki rin ang chance na kamag-anak mo si louie ignacio

pag (b), nakakaantok ka mag-sulat, pero pwede na rin....mapag titiisan na rin kung wala talagang palabas

pag (c), well,,...medyo sayang pa rin ang oras ng matatalinong tao....pero at least "medyo sayang" na lang no!

pag (d), bob ong, statue?!

No comments: