Thursday, April 24, 2008

...bisitahin niyo naman ako...*puppy eyes*

I need visitors...
kasi pag may bisita, masarap ang ulam eh...

unlike pag walang bisita, laging late ang kain ko..

wake up at 8am...muni-muni hanggang sa...

bumangon
ng 10am (tagal no?...hehehe)

almusal
ng 11am..usually cancerous or heart-and kidney-fiendly meal ito, consisting of...
1. oily and sodiumful pancit canton (or any other instant noodles)...MSG? present!
2. uber salty tinapa or daing...masarap... kung paminsan minsan...pero pag araw-araw...at refrigerated n-times
3. hotdog na inihaw sa gas stove...sawang-sawa na ako sa hotdog na prito.... kailangan maiba naman kahit papaano...
yummm...very uling-ized and very....cancerous
4. kape. yun lang...kape
5a. refrigerated last-night's-dinner-or-yesterday's-lunch...wow...anlameeeeg, ano to, substitute sa halo-halo or mais con yelo?
5b. refrigerated-na-ulam-nung-huling-araw-na-may-bumisita-dito-sa-bahay

tulog
uli mga 1pm

gigising
uli (at babangon!) by 2:30pm

by 5-6pm, "tanghalian"

dinner (a.k.a midnight lunch) - 12mn

tulog
na uli by 1 or 2am..pag nakatulog ako right after kumain, himala yun..and baka magunaw ang mundo kinabukasan...don't worry, i'll inform you pag nangyari ito...text kita.

Wednesday, April 23, 2008

ang init naman sa earth...

sobrang init.... i wish may swimming pool kami sa likod ng bahay. unfortunately, ilat (creek) lang ang meron sa likod ng bahay, at tulad ng lahat ng iba pang waterways sa Pilipinas, tadtad ito sa basura, butete, at janitor fish. para sa isang maka-kalikasan na tulad ko, sobrang inis ako sa mga zerglings na nagkalat sa bansang ito. (zerglings - yucky, gooey creatures that multiply very fast)

Tapon nang tapon kung saan-saan...
I wont be surprised kung kakailanganin na rin nating bilhin ang hangin in less than 30 years, katulad ng pag-bili natin ngayon sa tubig na dati ay kinukuha lang namin sa poso.

Ang nakaka-irita pa, ung iba sa kanila, pag sinabihan mo tungkol sa ginagawa nilang pagtatapon, they'd react as if nagsasabing, "anu ka ba? ayos lang yan!"....pero dalhin mo sila sa Japan or Singapore, for sure hindi magkakalat yan. "Nakakahiya naman magkalat no!", they might say..
wow, nahiya pa!

* * * * * * * *
Pag ako maging super yaman by the age of 25--or 30, pwede na rin--gusto kong ipalinis yung buong manila bay.

Monday, April 21, 2008

el subconscious

Mukhang magwawakas na ang pagiging bum ko! may interview ako sa wednesday sa misys!

May technique ako kapag magkakaroon ng interviews eh..

Nagpupuyat ako the night before nung exam... mas gumagaling kasi ang eeeenglish ispeeeking skills ko pag sabog sa puyat eh. parang lasing kumbaga.

* * * * * * * *

may kakaiba akong panaginip kanina... diba lahat ng sinasabi ng mga characters sa panaginip ng isang tao ay limited sa kaalaman nung taong nananaginip?
yung sa panaginip ko kanina, yung isang character, may sinabing isang buong spanish na linya..
Wala akong naintindihan sa sinabi niya!

wierd...

Nung kinwento ko knina yan sa best friend ko, siya rin daw ganun. Nagssleep talk daw siya in spanish! (she doesnt speak spanish) Coolness! hehehe!

P.S.
madalas ba akong mag "eh" at the end of every sentence...hmp, di bale, ganyan nman talaga pag caviteno o batangueno eh..

Wednesday, April 16, 2008

parang oo na hindi... parang sweet, at sour na salty

gusto ko na magkatrabaho

...pero parang ayoko

parang gusto ko na nang may ginagawa

...pero gusto ko rin humilata at the same time

gusto ko nang magka-sweldo

...pero ayokong magtrabaho

gusto ko nang maging maging masipag

...pero tinatamad ako bumangon pagkagising ko ng 8am (10am ako babangon...nakahiga lang for 2 hours....pano pa kaya kung may laptop na ako, at may wifi na dito sa bahay?)


pag nagka-trabaho na ako....

parang gusto kong mabili yung mga gadgets na gusto ko (madami yun, btw)

...pero parang gusto ko rin mag-ipon

parang ewan...

Tuesday, April 15, 2008

epekto ng patalastas...(T.T)

Kanina bigla akong tinopak na pumunta sa mcdo...

dapat magpapa-load lang ako eh, pero ayun nga, tinopak nga ako...or rather, umepekto yung cheeseburger commercial nila sa akin.

alter-ego: uy, hindi ako talaga tinablan nung commercial ha.. ndi cheeseburger ang inorder ko! bigmac...large fries at float

me: either way,....win-win un para sa mcdo

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

(T.T) hinabol ako ng aso....T.T

Saturday, April 12, 2008

Hello?! ever heard of WEB TWO POINT OW?! (Web 2.0)

Kung ang ibang programmer kuntento na makita na gumagana ang program/website nila....ako hindi! Mabilis mag-init ang ulo ko sa panget na layout!

jobsdb.com.ph
--->kumusta naman ang layout. pindot ka ng isang tab....pag nakalimutan mo yung pinindot mo...ahm....anu na uli yung pinindot mo?...walaaaa naaa. kailangan mo na i-analyze ang bagong page, para malaman mo kung nasaan ka na.
--->Hindi ko pa pala binabanggit yung advertisments na parang basurang naka-kalat sa kalsada....parang plastik na lumipad sa windshield while doing some critical maneuver.
--->And lastly...sa IE lang gumagana ang majority ng functions ng site nila. hehehe...crappy site meets crappy browser. (pagka-close ko sa site dahil sa sobrang inis, sabi naman ng IE, error blah blah....cannot be 'read')

kung naka-IE ka pa rin hanggang ngayon.... ang masasabi ko lang sayo...get a descent browser:
  get Opera! or get FireFox! or get Safari! or else you will.....get viruses and worms!
  
I will never open this site EVER again! ...ayusin niyo layout niyo.

Sunday, April 6, 2008

Welcome to the world of unemployment!

Ayan nakaraos din sa apat na taon ng pag-aaral.... no more mathematics, epal na minor subjects, atbp.

Wow... I'm here.. unemployed nga lang. haaay, sana magkatrabaho na ako. Haaay...

I keep on thinking... UST grad ako! makakahanap agad ako ng trabaho! pero...eto...wala pa rin.

One month na akong nagbabakasyon... I'm so bored.

Sana naman by May, magkatrabaho na ako....di pwedeng June...baka burado na sa utak ko yung pagpo-program. and, baka, magamit ko na lahat ng pera ko...sayang, mejo marami pa naman ang hoard ko ngayon.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Saturday, April 5, 2008

Ayan...excited na ako!

for the past few weeks... wala lang... gagraduate na pala ako....well, um...ok.

pero ngayon lang ata ako nae-excite...

T.T

di mapakali tiyan ko

parang kailan lang nung nag-ceremonial exit kami sa arch of the centuries...ngayon ay may bago na naman akong lulusutan...arch of unemployment! weeehh....

wag naman sana...


Thursday, April 3, 2008

n00b

for the first time in 3 weeks ay nag-apply din ako for a job....unang hakbang palayo sa bumness
late ako as usual, pero hindi na kasing lala nung mga nakaraang pag-aapply ko. mga 5-10 minutes lang akong late this time.

sa paseo yung building nung office. first time ko sa area kaya nilakad ko lang papunta dun.

mula crown regency hotel (beside park square) hanggang citibank tower ata yung nilakad ko.

nung nandun ako sa triangle medyo nalito ako sa daan. akala ko parang open park yun. may pili na gates lang pala na bukas. pinagmamasdan nga ako nung mga hardinero nung napadaan ako dun eh. sinusundan nya ako ng tingin na parang sinasabing:

"hmmmm...corporate attire, payat, pawis na pawis, parang may hinahanap na building...baguhan to"

* * * * * * * *

nakaka-aliw tumambay sa burger king sa glorietta...hehehe
kakaiba kasi ang flooring dun eh. biglang-taas at biglang baba.
after a stressful exam.. inaliw ko ang sarili ko sa panonood sa mga natatapilok sa pag-pasok sa BK