Monday, September 29, 2008

Paulit-ulit na redundance

  1. Sa telenovela/teleserye: hindi makilalang mga tunay na ina at tunay na ama
  2. Sa quickfire(QTV11): "according to blah blah research, umami is the blah blah blah"
  3. Sa kalsada: grupo ng kabataang malalaki ang t-shirt na may malking panyo at may kulay ang buhok
  4. Sa kalsada uli: mga scooter na maingay at masarap sagasaan ng paulit-ulit
  5. Sa jeep: air supply (or any other old school band na may gitaristang long hair, mukhang adik, at itsurang nagsasabi ng "peace mehn")
  6. Sa byahe [in general]: mga kapwa pasaherong malalaki o mga ale na hindi mo naman magawang pwersahin na magbigay ng space sa takot na baka daganan ka
  7. Sa byahe pa rin [sa bus]: ang walang pakundangan pagpapalabas sa mga walang kamatayang palabas na Sis at Daisy Siete sa mga oras kung kailan pinakamabilis mag-init ang ulo ng mga tao
  8. Sa simbahan [bilang isang choir member na madalas pakalat-kalat dito]: Mga ale na nagtatanong ng "Saan po ba nagpapa-misa?" at "Saan po ba ang opisina ni Father?"....na minsan ay napagkakamalan pa ako na seminarista...grr..

No comments: