Sunday, January 27, 2008

blazing dweebs

Adik ang gumawa ng palabas na blazing teens.
As I am typing this, some yoyo-geek is explaining the technical(read:rubbish) stuff associated with
doing some yo-yo tricks.

like...what-ever!

too bad mayroon nang nagmamay-ari ng domain name na "toomuchfreetime.net".
Sana mag-set up na lang sila ng site na toomuchfreetime.org, instead of wasting airtime in the tube.

Thank goodness may pumatay na sa TV...

Thursday, January 24, 2008

Hullo mate!

Wowzah! Inimbitahan kami ng Katedral na sumama sa World Youth Day sa Australia sa July!
Too bad, tatlo lang kami na pwedeng makasama, yung iba kasi, di naka-pasok sa minimum age...
..or hindi pinayagan sumama, or hindi lang makakarating sa interview (na ginanap noong linggo).

I hope makasama kami nina Ezie at Ate Risa dun! Hopefully may trabaho na ako by that time, and hopefully mapakinabangan ko doon yung pag-aaral ko ngayon ng spanish.

Hasta pronto!

Saturday, January 19, 2008

Ridiculous porn and virus names on Limewire

I was searching for songs of bossanova pioneers in LimeWire earlier. As usual, pornographic
entries were on top of the list...easily recognizeable by their suspiciously-small file sizes
and their click-me-quick kind of filenames (phrases with words like "hot", or "sexy" in it,
to attract perverts)

(I hope their PC's will get infected)

I typed the names of Antonio Carlos Jobim and Sergio Mendez..

Ang lumabas...

Sergio Mendez wet and wild
Sergio Mendez naked
Antoni Carlos Jobim cute girl [censored] on webcam

err...okaaaay.

[me]: tinatawagan lahat ng manyak....sinung interesadong makita si Sergio Mendez na
"wet and wild"?

[perv]: uhm...no thanks, man

P.S. maniac or not, avoid downloading anything on limewire that has a very small file size
(1,000Kb or below). Typical MP3 files must at least be 2Mb (low quality) or 4Mb (average
quality)

Thursday, January 17, 2008

signs of (un)intelligent life on earth

I have said earlier na hindi ako nanonood ng mga local teleserye... Pero unfortunately, dahil nakapwesto itong PC sa harap ng TV, somehow nasasagap ko pa rin yung mga pangyayari.

I live in a kapuso neighborhood. Pag naka-tune-in kami dito sa bahay sa channel7 at pinatay mo yung TV, instead na maputol yung tunog mula sa TV, maririnig mong nagpapatuloy
ang tunog ng TV mula sa mga kalapit-bahay.... so masusundan ko yung bawat episodes ng
pinaka-kinamumuhian kong mga teleserye, whether I like it or not. unless I'm on headphones.

Patapos na itong La Vendetta (thank goodness). Ganda pakinggan nung title no? Akala mo supistikadong palabas...pero sobrang babaw....like a jacuzzi to marianas trench.

Sa tinagal-tagal nilang paghahanap sa killer. Akala mo ay malalim ang motibo, pumapatay lang
pala siya dahil tinatawag siyang "bobo".

ngeeeeeek?!

Oh my gaad! Sobrang babaw...
Walhaaaaang ka-kwenta-kwenta.

Monday, January 14, 2008

Feels weird...

Nakasanayan ko nang pumunta sa cathedral every sunday afternoon para umattend sa choir. Unlike other habits, this one habit is extremely addictive....as in. Two sundays pa lang akong
hindi nakaka-attend sa choir, nakakaramdam na ako ng same na panghihinayang na tingin ko ay naramdaman din ng naputulan ng kamay nitong new year. [masyadong mahaba yung sentence..na-gets mo pa ba?]

I can return as soon as I can..but I must not. There are more important things for me to finish.
1 or two weeks pa akong hindi makaka-attend. Sandaling sakripisyo lang ito pero it's taking its toll on me. Kanina ngang umaga two times kong napanaginipan ang choirmates ko eh. Ndi ko ma-recall ng maayos yung kwento nung panaginip ko..Basta ang naaalala ko nandun sina Kuya Bry, Kuya Alex, at Melody. (Last week, sina Aiesle at Anna yung...erm, "cast")

It feels weird...parang weekday na walang katapusan.

As I am writing this blog, I know I should be studying. Prelims ko ngayong linggong ito...na agad
na susundan ng 4 day overnight.. thesis marathon kumbaga.

Konti na lang graduation na. Just a little more push, then ok na, may pambili na ako ng Nintendo DS, iPod Touch, Yamaha Keyboard, atbp...heheh

Tuesday, January 8, 2008

Cliche'novela

Nagsimula ang lahat sa Mara Clara....

1. The Stealthy Eavesdropper...
May pinag-uusapang pribado ang bida or kalaban, or kahit sinong character na may pinag-uusapang importante sa plot. Sa di kalayuan ay may half open na pinto at may
nakatayong tao, nakikinig sa usapan.

Minsan nga hindi lang basta half open yung pintuan eh..

Magtataka ka talaga sa kawalan ng peripheral vision ng mga karakter sa palabas. ohmygaad!
They're as dumbly hidden as the "hidden" objects that kids need to find in Dora the Explorer. Sana nag-direct na lang sila ng children's show...

2. Ang tunay na Ama/Ina...
Ito na yata ang tanong na hindi nawawala sa lahat ng teleserye/telenovela. Nagsimula ito nang pinagpalit ni Gary (totoong Tatay ni Clara, pero kinalakihang tatay ni Mara). Natuwa ang mga aspiring writers, at nang nagkatrabaho na sila ay inapply din nila yung twist na yun...and the
rest is history ika nga...

Yes, nakakatulong itong maglagay ng mystery sa teleserye, kaso sa kaka-paulit-ulit, nakakarindi na...Bat hindi nila tularan yung mga gawa ng mga Koreano? Wala namang ganung twist, pero each episode will keep you hanging....waiting for the next episode...

Tanong ko lang....
May alam ka bang Teleserye na hindi nag-eexist ang ganitong problema? If yes, please leave your answer as a comment. Please, kasi wala talaga akong ma-recall na ganun...

3. Ang Kalaban
Bakit ganon?...Narito ang isang super bait na nilalang (a.k.a. bida) na walang kaaway, and on the other end, there's always this extraordinarily evil person na walang ibang purpose sa buhay kundi ang apihin siya.
(Kadalasan sina Jean Garcia, Celia Rodriguez, Princess Punzalan, and co. ang gumaganap...)
Ewan ko ha, pero bakit pag mga latino ang naglalagay ng ganitong karakter sa mga palabas, maayos naman tingnan, pero pag yung mga local...ang-OA...Ang unang tanong na pumapasok
sa isip ko:..."may ganon?"

4. Untalented Extras (...or "talents" if you're a "talent" yourself and you find the word "extra" insulting)
Kakatok ang naulilang bida sa isang bahay o manlilimos sa isang stranger. mag-oovereact si talent (either sinabi ni direk, or nagpapa-pansin lang siya dahil bihira siya makita sa TV), at sasabihin:
extra(OA-sa katarayan):"ay, anu ba yan!? blah..blah...blah........... Maka-alis na nga!! *murmurs*"
or
mob(nang-aasar): blah-blah-blah ka kasi! [uulitin nya yun n-times....ni hindi man lang mag iisip ng adjective na pang-adlib]

5. grrr-then-go
magagalit then aalis. Very cliche...

network wars!

Kapamilya versus Kapuso ulit..pero this time sa korte na ang laban.
Aaay, naku... wala na nga kaming cable kaya napipilitan kaming manood ng mga crappy programs nila (most, but not all), tapos ngayon maya't-maya yung pagpapalabas nila nung advisory nila. Uber nakaka-irita...

Too bad discontinued na yung Heroes kaya wala akong mapanood na matino ngayon...T.T

As I am typing this blog, eto at ipinapalabas na naman for the nth time yung commercial ng GMA about dun sa scam thingy.

Monday, January 7, 2008

election = brownout

Sa lahat naman ng panahon para mag-brownout, ngayon pang malapit na ang pasahan ng thesis! Akala ko nagkakaroon lang ng ganun pag may election or pag may bagyo.

Last time na nagbrownout dito, nung dumating si "milenyo". Ang maganda pa nung panahon na yun, may deadline din kaming hinahabol noon...deadline sa isang prof na walang pang-unawa.
Thank goodness at pumasa ako sa subject na yun, by a small margin nga lang.

Bago yun, ang isa pang huling series ng blackout ay noong 2004 election. (2004 nga ba yun or 2005?).... I wont forget that summer...sobrang init na nga kahit may industrial electric fan, nagbrownout pa! plus madaming lamok...

Ok, back to work...T.T

Thursday, January 3, 2008

bakal boys, roll out

Only in the philippines... Nasunog kanina yung galleria mall sa Baclaran. Hanggang ngayon daw yata, meron pa ring sunog eh, pero under control na raw. Under control since 3:45pm...hmmm...I assume they decided na magpatuloy lang yung apoy...under control daw eh.

As usual, pampatagal sa operasyon ng mga bumbero ang mga haharang-harang na usisero. Bakit nga ba napaka-usisero nating mga pinoy. Okay, I'll change the term...Maaalalahanin
Ayun, so hindi makadaan yung mga firetrucks dahil sa mga maalalahaning mga tao na naka-antabay sa sunog...how very nice of them. Ang mas maganda pa, yung mga epal na carebears ay  nagawa pang magnakaw ng bakal sa nasusunog na nga na building. Hindi ko maimagine kung 
anong klaseng panlulumo ang nararamdaman nung namamay-ari ng mall na yun nasunugan na nga, ninanakaw pa yung kakaunting natira mula sa sunog. Pag ako yumaman at nagpagawa ng 
mga tulay o building, gagawin ko ang mga yun using cheap high density plastic or something, para hindi maibenta. Hangga't may mga unggoy na katulad nila, imposible talagang umunlad
ang Pilipinas. 
Haaay...