"Thesis"---what a nice title for a blog posted on a valentines day...
Due to many unexpected twists and turns, inabot ng February yung thesis namin. Nung una akala ko matatapos na namin ito by early January. Akala ko by this time, mataas na yung grade ko sa numerical methods dahil wala na akong inaasikasong thesis tulad ng iba kong mga kaklase...
unfortunately, katulad kami ng iba na patapos pa lang sa thesis.
Our school year will end on the first week of march. Pero we still have 2 more projects to go. not to mention yung seminar, which will make that 3.
Tagilid na naman yung grade ko sa Numericals, special thanks sa uber-hirap na exams na ginawa ni mam espi. Tuwing may exam kami dun, feeling ko parang hindi ako nakapag-aral, when in-fact, memorized ko naman yung formulas nun...mind you, kahit si mam Espi hindi saulado yung mga formula nun.
Medyo napa-aga tuloy ang pagdadasal ko para sa grades ngayong school year na ito.
Bahagya ko rin na napansin ang pagka-pink-at-red ng kapaligiran dahil sa mga alalahanin na ito.
Medyo short-lived din yung saya ko sa pagka-panalo sa Java Cup kanina.
Gusto ko nang maka-graduate...not just for the sake na maka-laya na ako sa mga responsibilities ko na mag-aral...hindi lang para makapag-pahinga at makapag-trabaho at magka-sweldo afterwards.
Gusto ko nang maka-graduate so I could give more attention to the choir. I feel so irresponsible as a music coordinator. Gusto kong ituro yung mga kanta na kinanta na namin dati...plus some songs na dati ay wish namin na makanta...
Thursday, February 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment