Thursday, April 3, 2008

n00b

for the first time in 3 weeks ay nag-apply din ako for a job....unang hakbang palayo sa bumness
late ako as usual, pero hindi na kasing lala nung mga nakaraang pag-aapply ko. mga 5-10 minutes lang akong late this time.

sa paseo yung building nung office. first time ko sa area kaya nilakad ko lang papunta dun.

mula crown regency hotel (beside park square) hanggang citibank tower ata yung nilakad ko.

nung nandun ako sa triangle medyo nalito ako sa daan. akala ko parang open park yun. may pili na gates lang pala na bukas. pinagmamasdan nga ako nung mga hardinero nung napadaan ako dun eh. sinusundan nya ako ng tingin na parang sinasabing:

"hmmmm...corporate attire, payat, pawis na pawis, parang may hinahanap na building...baguhan to"

* * * * * * * *

nakaka-aliw tumambay sa burger king sa glorietta...hehehe
kakaiba kasi ang flooring dun eh. biglang-taas at biglang baba.
after a stressful exam.. inaliw ko ang sarili ko sa panonood sa mga natatapilok sa pag-pasok sa BK

No comments: