Friday, March 28, 2008

tipid tips

ndi pa ako nakakahanap ng trabaho, ang dami ko nang gustong bilhin...
ahm,...hindi sila necessities...mga pinagpipilitang-maging-necessities lang

1. MacBook Pro 17-inch; 2.4 Ghz (P 144K)
mga paliwanag: kasi programmer ako eh...kaya kailangan ko ng laptop. Ayoko ng Windows kasi,...ahm...crappy yung mga OS nila. Vista? yuck! ayoko nga ng Operating System na mabigat na!---mabagal pa! sabi nga ng idol kong prof na si melvin
[feeling ko may sinabi akong bad word]:
the size of the program is inversely proportional to the program's execution time (bilis ng pag-andar...in case you didn't get that). pag malaki (in terms of bytes) ang isang program, it means na mabilis yung program....and vice versa.

bakit 17-inch?...mahirap kaya magprogram sa isang 15 inch na monitor!
bakit 2.4 Ghz lang imbis na 2.66 Ghz?....anu ka ba, di ko naman KAILANGAN yung ganun no..
bakit di na lang windows XP? para walang virus..
bakit hindi linux? kasi...ahm, panget interface nun

2. Roland Fantom-X8 (P 100K-250K)
paliwanag: kasi....maganda yung quality...i think...kasi Roland yun eh. yun gamit ng professionals diba? ako rin! professional din naman ako pag nag work eh., diba?
[ako-sa work]: hello, sir, ma'am, techsupport, how may i help you?

3. Toyota Prius(P 1.7M-2.0M)
paliwanag: kasi pag mag-wwork na ako, shempreh, kailangan may wheels ako...ayoko ng ordinary sedan kasi common. ayoko rin ng malalaking sasakyan kasi, malakas sa gasolina...kaya yan na lang....hybrid yan! technically its still a sedan, pero mejo sportscar ang dating. gas engine plus electric engine para tipid sa gas, tapos less drag dahil sa aerodynamic design (aerodynamic design, HOOOOoooo!~)
basta maganda yan! at fuel-efficient, tamang-tama sa isang katulad kong matipid at marunong sa buhay.(??)

4. Nintendo DS (P8500)
paliwanag: after a hard day's work, shempre gusto ko naman mag-relax no! kailangan ng ko ng games. ayoko sa PSP, mahal yun. mahirap pa mag-install ng games sa mem-stick. saka ayoko sa masyadong graphics intensive na games, masaya na ako sa pokemon, harry potter, mario,wario, at iba pang pang-bata na games.
mahaba pa yung battery life, kaya mas bihira ang pagcharge ng battery. mas tipid diba?

5. La-Z boy Recliner
paliwanag: haaay...just got home from work...bihis, hilamos, nood ng TV---aargh!!---monoblock chair! nooooooo!
my overworked spinal column and legs need something to lean on.





No comments: