Friday, December 7, 2007

Pulubi of the new Century

Hindi ko maisip kung san napupunta yung mga nililimos natin sa mga pulubi ngayon. Dati, pagkain lang naman talaga ang binibili nila o kaya naman ay sa sindikato (heheh...I'm saying it as if it's a natural, accepted truth...)

Mapili ako sa mga binibigyan kong pulubi, pinipili ko yung mga pinakamabaho at pinaka-unpresentable tingnan or yung mga supposedly na namumulubi, pero nagtitinda ng sampaguita instead...
Pero kahit kailan, hindi ko nililimusan yung mga naka-gel or dyed ang buhok. Itsura pa lang kasi, alam mo nang walang patutunguhan yung pera na ibibigay mo. Sa buhok niya mapupunta yun. Yan yung mga nilalang na ginagawa nang hanapbuhay ang panlilimos...mga tipo na pag binigyan mo ng pagkain, magrereklamo,.. ang gusto kasi, pera.
Isa pang ayoko yung mga ale na nanghihingi ng pamasahe. Marami sila na ganyan ang style. One time, pagkalampas ko sa isang ale, di pa ako nakakalayo eto na naman at may nanghihingi 
ng "pamasahe". Nanghihingi nga ng pamasahe, pero kinabukasan pagdaan mo sa parehong lugar, makikita mo uli sila. Apparently planning to stay there hanggang sa maka-ipon siya ng pamasahe...

Ano ba ang plano mong sakyan pauwi, ate? Airplane?

Monday, December 3, 2007

...T'is the season to buy noise-cancelling-gadgets! Dralalalala-lalalalaaa!...

December na naman..sumunod sa Election Period at New Year, ito ang ikatlo sa pinaka maingay na season sa buong taon.
Panahon ng mga tone-deaf na nangangaroling na halos iisa lang naman ang line-up...

...pasensiya na kayo kami's namamasko!
(gulps air very quickly, and then...)
We weeeeeesh yu a meri krismas...
...
...and a haaapy new year!
(na kaagad na susundan ng nakakarinding...)
namamaskoooo poooo!


They sing it in a very haphazard
i-don't-care-it-sounds-like--just-give-me-your-money manner. Mabuti nga kung maintindihan mo yung lyrics eh....kadalasan, yung maiintindihan lang e yung "namamamasko po"-part lang.

ohmyagaaad...sometimes they sing so loud I can't even hear the voices in my head...T.T

Buti na lang at paulan-ulan ngayon kaya hindi makalabas ang mga batang maiiingay...

Pagpasok-na-pagpasok pa lang ng December, nagsimula na agad ang mga nangangaroling.
naisip ko tuloy, ganito siguro ang source code ng utak nila:

public void stupidBrainMethod()
{ if  today = December
   then
     beginDisturbingNeighborhoodWithBrainSpilttingNoise();
   end if
}


public void beginDisturbingNeighborhoodWithBrainSpilttingNoise(){
  do{ 
    makeNoise();
  }until(theyGiveMoney OR mayLumabasSaBahayNaMayDalangItak);
  

  if pamasko <= 5        
     then              
        say("ambabarat ninyo, thank you!");      
  end if 
}



P.S. para sa mga marunong magbasa ng code...Java yan na hinaluan ko ng PASCAL at ADA(para maintindihan ng mga non-programmers) . and....ignore the bugs you nitpicking GEEK!

Sunday, December 2, 2007

I Want to be a Noogler....

I want to work for google....soobrang ganda ng facilities ng Mountain View Office nila...According to Forbes, yung office  nila ang best workplace in america...and i bet pati na sa boung mundo. I don't think na appropriate pa na tawagin yun na workplace...it's more likw a hobby shop or something.

Matagal na akong fan google (pati na ng apple). This blogger account is a testament to it. gamit na gamit ko yung other apps nila like docs, picasa, itong blogger, calendar, plus inaral ko rin yung google search techniques. Right now, plano ko rin aralin yung Google Development Kit(GDV) na pang-gawa ng "gadgets" (google widgets), I would also love to try out Android (mobile OS developed by them...I used the pronoun "them" para hindi masyadong redundant) when it comes out. Kung kailangang hindi ko na bilhin yung dream phone ko na SE-W960 (8gigger walkman phone) para makabili ng isa sa mga unang ilalabas na G-Phones, then i won't buy it.

On the other side, I would HATE to work for Microsoft. Kung ang google may award for having the best workplace, ang MS naman, meron "best"....of the worst, that is. Worst Job Anyone could have: MS Security Engineers. nuff' said. Anong mga kasama nila sa list? Elephant Vasectomist, Whale Feces Researcher, Garbologists (Garb as in Garbage). No Kidding! see here. They're not number one in the list, pero the fact na nakapasok sila sa list at sila ang nag-iisang IT related job sa list already means that it's THAT BAD.

P.S. Noogler means a New Google employee...(that's how they call 'em inside google..daw.)

Friday, November 30, 2007

ethics and bad-grammar-induced-headache

Patience is a virtue....pero kung ganitong klaseng patience na, that patience should be enough to let you enter the gates of heaven. I'm referring to the patience that I have to employ during ethics class. MyGooolay...oo na lang kami ng oo, tumigil lang siya (referring to our professor) sa pag elaborate ng sinasabi niya. 20-"yes'"-and-"no's"-per-minute yata ang rate namin.
The grammar....oh-so-bad(T.T)...If you have noticed, kanina ko pa iniiwasan mag-mention ng pangalan...wawa naman siya eh...
Grabe...sumasakit ang ulo ko tuwing oras ng subject na yun dahil sa mahusay na english
Next time, maglalagay naman ako dito ng "bagong diks"...mga kakaibang words na nakuha namin sa kanya.

I can't wait for the last day of classes ng subject niya...

Wednesday, November 28, 2007

Legato

Habang nasa CR kanina sa SM, nakita ko yung tatak ng urinal: Legato. Medyo ma-kulit din siguro yung nakaisip ng pangalan ng brand na yon.Ang ibig sabihin ng "legato" sa music....parang putol putol yung sound....kabaliktaran ng staccato, na tuloy tuloy.

parang ganito...
Staccato
   plokplokplok

Legato
   plok............plok.............plok

kung di mo na-imagine yung tunog, merong sample dito.

heheh...parang ihi lang no? minsan paputol-putol, minsan tuloy-tuloy. 

Sunday, November 25, 2007

Coffee Taste Test

Akala ko masarap na gawain yung pagtikim ng high grades ng kape. Nanonood kasi ako ng Pinoy meets World ngayon-ngayon lang. Nagpunta sila sa Kenya....and one of the primary products ng bansa nila ay ang kape... Kadiri yung Taste Test ng kape (well, para sa mga tulad kong sobrang maselan sa pagkain). Para nilang ng minumumog yung kape...ilalagay sa bibig then ibabalik sa bowl or tasa. Nasasabi nila yung "grade" ng kape base sa lakas ng panunuot ng lasa at amoy sa ilong, bibig at lalamunan.

Pero despite the arid climate ng bansa, mukhang maganda yung lugar nila...para ngang gusto kong puntahan yun someday eh. Mas mayaman pa yata ang bansa nila sa atin eh.

Heheh...naalala ko tuloy yung isang malufet na blog na nabasa ko dati... I say he's a genius! although moralists and nationalistic people may think otherwise...

Speaking of Taste Test...nag taste test kami kanina ng mga ka-Choir ko sa Frio Mixx nung iba-ibang kulay ng vodka...ala lang...heheh...ayoko na sa bailey's,.. vodka na ako ngayon!

Wednesday, November 21, 2007

I want to be....um, complete?

No, hindi lovelife ang hanap ko(hus!)...Personal fulfillment.

I'm not a model student (far from it, actually!)...pero gusto kong maging professor someday. Professor ng pinaka-ayaw kong subject...Math!

Ewan ko ba. Parang may kulang kasi sa pagtuturo sa amin ng subjects na ito eh....yung approach nila ay hindi for future-programmers. Just pure math.

Gusto kong mag-masteral ng math....pati ng Software Engineering or some other ComSci trail siguro.

Not to mention my other dream, which is to become a Psychologist.

Saturday, November 17, 2007

Radioactive Armpit

Grabe yung nakasabay ko sa bus kanina...

Nasa tabi ako ng salamin ng bus, sa tatluhang upuan. Pag-upo nung mama, may naamoy na agad akong kakaiba....MyGoodness...parang pinag-gilingan ng kape yung kili-kili niya...amoy ng anghit plus amoy ng kape....ganun ang amoy...
Maya-maya ay unti-unti ko na rin na naramdaman yung kakaibang init mula sa armpit niya...wala namang Uranium na nakaipit pero parang may radioactive sumthing dun. Di nagtagal ay pinagpapawisan na rin yung armpit ko. Wala lang...naikwento ko lang

Friday, November 9, 2007

Tumigil nAPO kayo

Fan ako ng APO, pero hindi ako fan ng revivals [with exceptions...kung maganda talaga yung pagkaka-revive. example...si Sitti].
The first collection[kami nAPO muna] was nice...merong magaganda, specially yung Ewan, Doobidoo, Yakap sa Dilim...but not Nakapagtataka (read: Nakhaaphagthathaka)
The Second[kami nAPO ulit muna] was...ridiculous. cliche. sacrilege. blasphemy.

Sana wala nang follow up yun. At kung meron [pa] man...I have great ideas for the title

Huli nAPO ito

Hindi nAPO mauulit
-or-
Hindi nAPO kami uulit

Titigil nAPO kami
-or-
Tumigil nAPO kayo

Wednesday, November 7, 2007

News: Things you NEED to know

Sa Laguna...Asong nagpapa-dede ng pusa.

Sa Japan...Bra na may lalagyan ng chopstick.

Sa Pilipinas...World record sa may pinakamaraming nagkakamot ng pwet simultaneously...

How nice... Thank you 6:30pm news for informing us of these things...Minsan tuloy naisip ko kung nasa likod ba ng cameraman nila si Bruce Nolan* making use of his newly acquired omnipotence to type stuff into the script.

Try to mentally cut out the Crap-news and Showbiz-news....siguro 10-15 minutes na lang ang balita.

P.S. Yung unang dalawang balita, totoo [from 2 and 7]. Yung third, imbento ko lang, but expect to see something like it every weeknight...[ay caramba!]

11/10/2007 follow-up:
Heheh...kakasabi ko lang eto na naman: Bahay na hugis inidoro...blah, blah [GMA]...

12/29/2007...
horoscope para sa mga alagang hayop sa australia... haaay. (for people with so much time and money to burn)

Tuesday, November 6, 2007

Campus Dash, Finale

Sa lahat ng stages ng pag-aaral ko since elementary, pansin ko lagi kong kinakailangang tumakbo.

Noong kinder, dahil...wala lang
Noong Elementary para magpapirma ng "clearance"...
Noong Highschool, para sa isang project-related reason at clearance...
Ngayong College, Para maghabol ng Prof na malapit nang mag-disappear, o para habulin ang deadline (as if isa itong physical being na maaari kong habulin), para maka-abot sa exam o sa kung ano pang dahilan...

Bukas simula na uli yung Takbuhan. And I Hope it will be the last.

Monday, November 5, 2007

Early Christmas Wishlist

Sana...
  1. ...matapos namin ang thesis namin na ito by December...para naman makapagbakasyon pa ako bago ako mag-trabaho.
  2. ...makuha ko yung Numerical Methods ngayong Sem na ito, para kasabay ko ang mga kaklase ko sa pag-graduate...
  3. ...matanggal ko na sa bokabularyo ko yung salitang "procrastination", at mabaon na ito sa recycle bin ng utak ko [ilan sa mga salitang nakabaon dun ay yung "bokasyon", "vocation", atbp. (yes, i'm talking to you, my dear choirmates)]
  4. ...magampanan ko na yung role ko as Music Coordinator ng choir, at maibalik sa dati yung lively aura ng Saint Therese...
  5. ...magka-pera ako. Para mabayaran ko na ang mga utang ko. T.T
  6. ...magka-Cable TV na uli kami. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga local shows na ito...
  7. ...maayos ko na ang kwarto ko. ...wala lang. magulo eh.
  8. ...maaral ko na yung mga gusto kong aralin. Marami yun, mind you...at kakaiba. It Deserves a list of its own...(sa next blog na lang)

Saturday, November 3, 2007

I'm a 90's boi!


Weheheheh.... pagkatapos ko panoorin yung Saber Marionette (nakadownload ako through torrents) MacGyver naman ngayon! Nagtataka nga lang ako dahil wala sa mga ka-age ko ang nakaka-kilala sa kanya. Yun yung show bago mag Thunder in Paradise...(arr...kung si MacGyver nga di mo kilala, yun pa kaya...)
Sa mga hindi nakaka-kilala sa kanya... siya yung 90's TV action hero na kayang mag-ligtas ng kinidnap na leading lady sa pamamagitan ng swiss knife, paper clip, or whatnot. Expert sa pag-gawa ng mga boobie-traps atbp. Isang henyo!
(i-Search mo na lang siya sa google para malaman mo)
Kung gaano ka-galing si Jackie Chan sa Stunts, ganun naman ito kagaling sa pag-gawa ng mga self-made gadgets!

Nakakainis nga lang....sobrang laki pag dinownload ko lahat ng episodes....


52Gb...almost 2gigs(4 episodes) pa lang ang nado-download ko since last month dahil sa sobrang konti ng seeders. T.T

Friday, November 2, 2007

Charles Darwin, Physics, and Women's Feet

Habang nakasakay sa bus nung isang araw may na-obserbahan ako sa mga nakatayo/naglalakad sa bus.
Mas may tendency na ma-outbalance ang mga babae at bata pag nasa bus.
At naka-isip ako ng explanation sa pamamagitan ng concepts ng Theory of Natural Selection, Center of Gravity, at Distribution of Mass...
Grabe...wala akong magawa sa buhay no?...

Sagot ng Physics:
Women have proportionately smaller feet than men.
Habang ang mga bata naman, malaki yung ulo in proportion with the body.
[ para sa mga logic geeks diyan,...walang pakialaman! ]
Ang mga structure na mas maliit ang base kumpara sa upper parts nito ay unstable, habang ang may malalapad na base naman ay stable.(e.g.: pyramid)
That settles the first part... i think.

Pero bakit ganun ang proportions nila?

Sagot ng Theory of Evollution/Natural Selection:
Dahil hindi nila kailangan ng ganung proportions...
Men have proportionately bigger feet dahil ginagamit ito dati for hunting. Through Natural Selection, namatay yung mga lalaking maliit ang paa, dahil natatapilok sila sa pagtakbo pag hinahabol sila ng mga sinaunang hayop. Yan tuloy, di na sila dumami.
Meanwhile, women with big feet probably had suffered in some way dahil sa inefficiency ng unecessarily big proportions ng paa nila...Ganun siguro...Ay ewan. di ko na alam.

Siguro epekto ito ng pagbabasa ko ng Sherlock Holmes.

Saturday, October 27, 2007

Halloween Lola

Isa ito sa mga pinaka-paborito kong Season ng taon...All Souls Day! Maraming Halloween specials sa TV...Yipee!
Sayang nga lang at wala nang MGB (Magandang Gabi, Bayan). The best yung Halloween special nila eh. Sayang nga lang at nawala na yung show dahil pinulitika raw kaya napilitan ang channel 2 na tanggalin yun.
Hirap akong makatulog tuwing napapanood ko yun. Takot ako sa moomoo eh...eheheh.
Favorite ko dun yung lola na gumaganap na matandang white lady or mangkukulam or something...buti na lang di ko siya lola.
Natatakot talaga ako dun sa mga appearance niya na may usok-usok epeks pang kasama. effective siya sa mga role na ganun, kaya naman parang in-demand siya pag mga ganitong panahon.
The best talaga yun...tapos ang kinakatapusan nun usually, nag-va-vanish si Noli de Castro na parang multo..niceness...
Imbestigador at XXX na lang ang meron ngayon...sayang. Hindi bagay mag-narrate ng halloween special si Mike Enriquez eh...habang dinedescribe niya yung multo or nag-na-narrate siya, nagmumukhang kriminal ang dating nung multo...kulang na lang ipakita na nilalagyan ng posas ng pulis yung mga naka-barong-na-walang-ulong-nilalang.
Corny na tuloy...

Questions...(part 1 of many....)

Bakit ganito mag-drawing ang mga bata pag pinapa-drawing ng bukid or bundok?














Medyo may pinagkaka-iba nga lang yung mga ilang parts ng drawing pero essentially, ganun pa rin ang ayos.
Yung puno, kung hindi palm(buko), either saging o mangga.
Yung dalawang bundok, either overlapping or entirely separated. Most of the time, almost perfect yung curve..Minsan may mangilan-ngilan na puno, minsan wala....(at habang dino-drawing ng bata yung puno, iniisip niya kung paano ito pupunuin ng trees...tatamarin, then kukulayan na lang ng green ang mga bundok in the end)
Yung araw, minsan nasa likod ng mga bundok (tulad nito) at minsan din, nasa taas. Minsan mahaba ang sinag, minsan maikli. Pag mahaba, minsan interchanging yung orange at yellow colors o kaya naman ay yellow stripes
Yung bahay usually bahay kubo na may hagdan at may tukod ang bawat gilid...kahit na hindi naman sa kubo nakatira yung batang gumawa ng drawing.
Yung bukid(kung meron), may kalabaw na nag-aararo, pero at the same time, may nagtatanim na tao..(not always)

Wala lang...napansin ko lang...

Friday, October 26, 2007

Ernie Baron at Home TV Shopping

After more than 5 years na naka-cable, eto at balik antenna na naman uli kami dito sa bahay. Balik uli ako sa panahon na hindi makapanood ng maayos kapag mahangin o bumabagyo. Naalala ko tuloy yung de-pihit namin na TV. Bago tuluyang nasira yung TV namin na yun, nagka-ground pa yung pihitan... Pambihira, tatayo ka na nga para maglipat ng channel, kukuryentehin ka pa!
Baron yung tatak nung antenna, naalala ko tuloy ang namayapang si Ernie Baron. Nung kapanahunan niya (nung di pa uso ang internet at kulelat pa ang GMA7 'rainbow channel' where you belong...) di ka papaniwalaan pag sinabi mong "uulan daw bukas" at hindi si Ernie Baron ang source ng balita mo. Baka tawagin ka pang "barbero".

Konting lipat (or pihit....kung bulok ang TV mo) lang ng channel, ubos na ang pagpipilian mo. Walang Discovery, HBO, Wowow, JackTV...or kahit NGC man lang...T.T Waaaaah.....life is cruel! Waaaaah! Pano ako nabuhay dati ng wala nito?!
Kapag umaga pa naman lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na manood ng TV...alangan namang manood ako nung walaaaaaaaaang ka-kwenta kwentang Sis at iba pa...oh my gooolay... Pagkatapos ng spongebob(ABC5), Cedie (2), at conan (GMA7), puro wala nang kwenta ang mga palabas. Tingin ko mas mabuti para sa development ng utak ang panonood ng cartoons kaysa sa mga pang umagang talkshows. Pag tapos na yung kakaunting matitinong palabas, oras na para panoorin ang last-resort na show...TV Shopping.

Mas nagugulat pa ako sa mga "but wait!...there's more!" ng TV shopping kaysa sa mga "sorpresang ihinanda ngayong araw na ito" sa Sis. Pambihira...ang sorpresa naman nila lagi, song or dance number(or both) ng kung sinong artista or freak-contests worthy of nuts entertainment.

Buti pa yung sa TV Shopping, magugulat ka (somehow...) sa mga features nung mga produkto nila, plus maaaliw ka pa sa mga OA na reaction nung mga kano na uma-acting. Pansinin mo silang mabuti at matatawa ka talaga! soooper-OA! now that's entertainment!(...para sa wala nang mapagpilian na channel)

Kanina nga, ang pinapanood ko yung parang-turbo griller thing-a-ma-jig eh...

...oo na, mababaw ang kaligayahan ko. T.T

Monday, October 22, 2007

Isa lang ang bagsak...yehey!

Kung sa ibang tao nangyari yan, hindi yan cause para mag-celebrate... but not me! I'm Happy! Isa lang ang bagsak ko! Wooohooo!

Sunday, October 21, 2007

Wishing time

"Kailan ka ga-graduate?", madalas na tanong sa akin ngayon.
"Ah, eh, sa march....hopefully", sagot ko sa ganyang tanong with umms and errrs kasi hindi naman talaga ako sigurado.
Haay buhay....T.T

Sana pasado ako sa OR(Operations Research)

Sana may i-offer na OR at Numericals this sem...

Saturday, October 20, 2007

world domination

Tingin ko ngayon ang pinaka-safe na panahon para pumunta ng mga mall. With all the security people on the watch all over metro manila, any terrorist would think twice before attempting another bomb plot, and besides, kung terrorist ka, you're probably celebrating right now at the
sight of terror among people, being congratulated by your evil boss and stuff...
Parang hindi kapani-paniwala yung kasamaan ng ibang tao no? They have the makings of freak fiction-movie villains who want to take over the world...or Japan.

Thursday, October 18, 2007

Parang Friendster lang...

Matagal na akong nagsusulat, kaso sa Journal nga lang. Minsan nga hindi ko na masabing journal yun dahil sa dami ng private love-related stuff (don't ask). Tulad nung Friendster account ko, ginawa ko ito partly because of curiosity and partly dahil sa suggestions ng mga mangilan-ngilan (dalawa or tatlo sila) na nakakabasa nung ka-cornyhan ng journal ko.... and partly dahil nakakangalay mag sulat..ayun lang for now.