Friday, November 2, 2007

Charles Darwin, Physics, and Women's Feet

Habang nakasakay sa bus nung isang araw may na-obserbahan ako sa mga nakatayo/naglalakad sa bus.
Mas may tendency na ma-outbalance ang mga babae at bata pag nasa bus.
At naka-isip ako ng explanation sa pamamagitan ng concepts ng Theory of Natural Selection, Center of Gravity, at Distribution of Mass...
Grabe...wala akong magawa sa buhay no?...

Sagot ng Physics:
Women have proportionately smaller feet than men.
Habang ang mga bata naman, malaki yung ulo in proportion with the body.
[ para sa mga logic geeks diyan,...walang pakialaman! ]
Ang mga structure na mas maliit ang base kumpara sa upper parts nito ay unstable, habang ang may malalapad na base naman ay stable.(e.g.: pyramid)
That settles the first part... i think.

Pero bakit ganun ang proportions nila?

Sagot ng Theory of Evollution/Natural Selection:
Dahil hindi nila kailangan ng ganung proportions...
Men have proportionately bigger feet dahil ginagamit ito dati for hunting. Through Natural Selection, namatay yung mga lalaking maliit ang paa, dahil natatapilok sila sa pagtakbo pag hinahabol sila ng mga sinaunang hayop. Yan tuloy, di na sila dumami.
Meanwhile, women with big feet probably had suffered in some way dahil sa inefficiency ng unecessarily big proportions ng paa nila...Ganun siguro...Ay ewan. di ko na alam.

Siguro epekto ito ng pagbabasa ko ng Sherlock Holmes.

No comments: