After more than 5 years na naka-cable, eto at balik antenna na naman uli kami dito sa bahay. Balik uli ako sa panahon na hindi makapanood ng maayos kapag mahangin o bumabagyo. Naalala ko tuloy yung de-pihit namin na TV. Bago tuluyang nasira yung TV namin na yun, nagka-ground pa yung pihitan... Pambihira, tatayo ka na nga para maglipat ng channel, kukuryentehin ka pa!
Baron yung tatak nung antenna, naalala ko tuloy ang namayapang si Ernie Baron. Nung kapanahunan niya (nung di pa uso ang internet at kulelat pa ang GMA7 'rainbow channel' where you belong...) di ka papaniwalaan pag sinabi mong "uulan daw bukas" at hindi si Ernie Baron ang source ng balita mo. Baka tawagin ka pang "barbero".
Konting lipat (or pihit....kung bulok ang TV mo) lang ng channel, ubos na ang pagpipilian mo. Walang Discovery, HBO, Wowow, JackTV...or kahit NGC man lang...T.T Waaaaah.....life is cruel! Waaaaah! Pano ako nabuhay dati ng wala nito?!
Kapag umaga pa naman lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na manood ng TV...alangan namang manood ako nung walaaaaaaaaang ka-kwenta kwentang Sis at iba pa...oh my gooolay... Pagkatapos ng spongebob(ABC5), Cedie (2), at conan (GMA7), puro wala nang kwenta ang mga palabas. Tingin ko mas mabuti para sa development ng utak ang panonood ng cartoons kaysa sa mga pang umagang talkshows. Pag tapos na yung kakaunting matitinong palabas, oras na para panoorin ang last-resort na show...TV Shopping.
Mas nagugulat pa ako sa mga "but wait!...there's more!" ng TV shopping kaysa sa mga "sorpresang ihinanda ngayong araw na ito" sa Sis. Pambihira...ang sorpresa naman nila lagi, song or dance number(or both) ng kung sinong artista or freak-contests worthy of nuts entertainment.
Buti pa yung sa TV Shopping, magugulat ka (somehow...) sa mga features nung mga produkto nila, plus maaaliw ka pa sa mga OA na reaction nung mga kano na uma-acting. Pansinin mo silang mabuti at matatawa ka talaga! soooper-OA! now that's entertainment!(...para sa wala nang mapagpilian na channel)
Kanina nga, ang pinapanood ko yung parang-turbo griller thing-a-ma-jig eh...
...oo na, mababaw ang kaligayahan ko. T.T

No comments:
Post a Comment