Wednesday, November 16, 2011

I love to work

May pinost na ako na parang ganito dati. Noong estudyante pa ako, palagi kong naririnig sa mga nagtatrabaho na na "Pag nagtatrabaho ka na, hihilingin mo na sana nag-aaral ka na lang ulit". Merong mga ilang panahon na naramdaman ko yon, pero hindi yon nagtatagal. Nararamdaman ko lang yun kapag may lakad ang mga kaibigan ko dahil "no classes" sila.

Noong estudyante pa ako, P20 hanggang P100 bills lang ang "mainstay" sa wallet ko (kung merong laman). Manghang mangha ako sa mga kaibigan kong hindi nawawalan ng ginto (P500) sa wallet. Pag ang wallet ko, may laman na 500, isa lang ang ibig sabihin nito: may bibilhin ako na pinag-ipunan ko ng isang buong linggo. Kaya ngayong nagtatrabaho na ako, laking tuwa ko na madalas na akong may ginto sa wallet --- take note: madalas---hindi 'lagi'.

My friends wouldn't believe me sa sasabihin kong ito: napakagaling kong magtipid. Bata pa lang ako, alam ko na ang halaga ng pera. Hindi ako nagpapabili ng laruan pag alam kong mahal yun. Ang una kong tanong pag may nagustuhan akong laruan: "Mahal po ba ito?". Hindi naman kami mahirap, pero noon pa lang alam ko na mahalaga para sa matatanda ang pera.

---------

Iba talaga pag nagtatrabaho ka na. Pag estudyante ka, pwedeng ipagpabukas mo na lang ang isang gawain. Pwedeng magpabagsak ka na lang at bumawi ka next time. Noong Biyernes ng gabi, gusto ko nang umuwi. bahala na si batman. Pero hindi pwede. Kailangang maging mature at masunod ang kailangan ng client. Kailangang magtrabaho kahit ayaw mo na, kasi may mga taong umaasa sa gagawin mo. Mas matindi pa kaysa sa kombinasyon ng pressure ng Thesis, Case Study at Finals noong college ang naranasan ko.

---------

I'm one of the rare few that actually enjoy the course that I have taken. I enjoy programming. Minsan nga gumagawa ako ng programs dahil "wala lang". Noon, akala ko ang passion ko ay ito mismong I.T., pero ngayon narealize ko na isa lang ito sa sakop ng totoo kong passion: problem solving. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ako interesado sa napakaraming larangan (see older blog post)

-----

Recently din, narealize ko na bilang isang programmer, may kakayahan akong makapagligtas ng mga buhay ng ibang tao. Dahil dito, lalo kong naiintindihan kung gaano ka-seryoso ng bawat integer na pinapasa-pasa ko sa mga program ko.

Kailan lang ay gumawa ako ng isang program na nagbo-broadcast ng emergency bulletin sa isang buong bansa---isang bansa na madalas tamaan ng sakuna ( I won't elaborate further due to confidentiality and stuff). Kung paiiralin ko ang bahala-na approach dun sa ginagawa ko, baka hindi makarating sa mamamayan ng bansang yun yung announcement na maaaring ikamatay nila.

It's amazing how words can decide the fate of someone's life.

----------

Ito ang ikalawang taon ko ng pagtatrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya. Sandali lang pala talaga ang tatlong taon. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas mula nung halos mawalan na ako ng pag-asang makahanap ng trabaho, pero eto ako ngayon at nakakaranas ng iba-ibang blessings sa kasalukuyan kong trabaho.


No comments: