
Sa kabilang sulok ng mundo merong mga tao na natutulog sa tabi ng kalsada sa loob ng mga tent/sleeping bag. Hindi sila mahihirap. Actually, malamang sa malamang, mas mayayaman sila sa atin.
Nakapila sila sa tapat ng mall at sinehan para sa Black Friday Sale (NEXT FRIDAY PA YUN!!) or much worse: para manood ng walaaaaaaaaaaang kakwenta-kwentang BREAKING DAWN. Mind you, I actually read the plot in wikipedia, I'm not judging it by how others see it. When I read the summary I understood Stephen King's comment* on the saga.
Nangyayari yan halos once a month sa ibang bansa, pag may bagong labas na pelikula o bagong labas na product. Ito na siguro yung pinakamagandang example para sa gasgas na quote(?)/statement(?) na "money controls you".
Kahit yumaman ako, hindi ako magtatayo ng tent para sa isang produkto---kahit limited edition pa yan. I guess halos lahat ng pinoy ganyan din naman din ang gagawin---maliban na lang kung perishable goods na yung pinag-uusapan (sa isang food shortage, halimbawa).
I think it's pathetic to measure your life's worth by the things you have and things you've done ahead of the others. I know I shouldn't be talking about simplicity dahil ako mismo ay materialistic, pero at least I desire not to remain this way.
No comments:
Post a Comment