Tuesday, January 3, 2012

Douchebag Jar

Dahil gusto kong seryosohin ko na for the first time ang new year's resolution ko, gumawa ako ng "douchebag jar". Ginaya ko yung idea sa TV Series na New Girl...na tuwing may gagawing douchebaggery si Schmidt, kailangan niyang maglagay ng $1 sa douchebag jar.

Ganun din sa akin, whenever I 1) act selfishly 2) am not being humble (ano bang opposite ng humble?)

Maglalagay ako ng----huhuhuhu----P100 sa douchebag jar (na sa totoo lang ay hindi jar).

So far wala pa akong naiisip na pag-gagamitan nung maiipon ko dun. I'm thinking of something that will not benefit me --- or something that will benefit me when I do something good---parang reward.

Gusto kong gawan ito ng sistema para maging mas effective siya.

Any suggestions?

No comments: