Tuwing sumasakay ako ng taxi, merong kuwentong dala yung driver. Kadalasan tungkol sa traffic --duh-- minsan umaabot hanggang sa pulitika. Mabuti pa yung mga security guard, sila, kahit papaano, nakakakwentuhan yung mga may nilalakong paninda. Samantalang ang mga taxi driver, naka-aircon nga, pero wala naman silang makausap----hanggang sa may sumakay.
Ang kwento kagabi ni manong, maliban sa traffic ay yung hirap ng buhay ngayon. Naikwento nya na hindi pa raw siya pwedeng umuwi kasi kulang pa rin ang kita niya sa buong araw. Ala-una na ng madaling araw nung sumakay ako sa taxi niya. Pagkatapos daw, kinabukasan ng alas diyes, may trabaho pa uli siya. Hindi ko lang alam kung taxi pa rin---malamang hindi, base sa pagkakasabi niya nung sentence.
Hindi ako nakipagkwentuhan sa driver sa pagkakataon na yun kagabi. Antok na antok na rin kasi ako at kailangan ng makauwi dahil dumadami na naman yung late ko.
No comments:
Post a Comment