Saturday, October 29, 2011

When the music stops

It's 3 in the afternoon. It's Saturday, 28th of October. Imbis na magpractice, eto ako nagbblog. Hindi ako magugulat kung wala na namang aattend mamaya (lagi namang walang umaattend). Kung meron mangpumunta, ang pupunta lang naman ay yung mga hindi ko na kailangan pang turuan. Sayang ang effort sa pagpapractice, kaya eto nakahiga na lang ako at nag-iinternet (malamang yun din naman ang ginagawa ng members ngayon---or worse, yun ang ginagawa nila habang nandoon ako at naghihintay ng members para sa practice)

Kung ihahalintulad ko ang choir namin sa isang bansa, pwede kong ikumpara ito ngayon sa Pilipinas:
Puno ng mga taong puro na lang reklamo, pero wala namang kumikilos. Mangati lang ang ilong, excuse na yun para hindi umattend.

Noong una, akala ko ako lang ang may problema. Masyado lang ba talaga akong masungit o nakakatakot o pangit tumugtog? I'm always trying to be nice sa mga bagong members---pero walang nangyari. Sinubukan kong magpractice ng mabuti---wala rin.

Nakakatamad na talaga. Ubos na ang pasensiya ko. Pero hindi ako tumutugtog para sa kanila. Tumutugtog ako para sa misa. Tumutugtog ako para sa Diyos at para sa mga taong nagsisiba. Nakakalungkot nga lang, kasi wala akong kasama.

Kumakanta sila para:
  • sa barkada
  • magkaroon ng upuan habang nasa misa.
  • para lang masabing choir member sila
"Gustong mag-serve?"--- are you kidding? ipagpapalit nila ang Diyos sa sine, liga ng basketball, inuman, atbp.

Ito ang gustong magserve:
  • Kahit umuulan, pupunta.
  • Kahit pagod sa trabaho, assignment, pag-aaral, etc, pupunta
  • kahit may kagalit/katampuhan sa grupo, pupunta pa rin
---

I want to teach a lot of songs to this group. Too bad they do not want to be taught.

No comments: