Wednesday, September 14, 2011

Spirit of the bolpen

As I was staring at the two highlighters I bought, I had a sudden flashback (parang Naruto lang...madaming flashback) of something that happened at school more about 15 years ago.The latest fad among elementary students at that time was this "spirit of the ballpen" --- para siyang spirit of the glass para sa mga walang pambili/mapagkukunan ng ouija board. Pero "yes" at "no" lang ang options mo, hindi tulad ng ouija na kulang na lang ay [Esc] at [F1]-[F12].

Anyway...I remember it was a hot August afternoon, habang natatalo na nakikipaglaban ako sa varsity ng chess sa ilalim ng puno sa tapat ng classroom namin, biglang magkaroon ng stampede mula sa main building ng school. Busyng-busy kami sa paglalaro nang biglaan na lang itong nangyari. Wala rin kaming idea kung anong dahilan kung bakit nagkastampede. Dali-dali kong niligpit ang chessboard [iniwanan ako nung kalaro ko na mag-isa---bwiset] at umakyat sa classroom. Doon ko nalaman kung ano yung pinagmulan ng kaguluhan.

May sinaniban daw dahil sa spirit of the ballpen...LOL WTF.

Later that day, nalaman namin na nahilo lang pala yung "sinaniban".

1996 o 1997 pa yata nangyari yon. Nakakatawang isipin na paniwalang paniwala kami noon sa ganung bagay.


No comments: