True, he kinda has a point...majority ng may abs ay mga bading na mainstay ng mga gym. I've tried going to the gym on two occasions (by "occasions", I mean two different gyms for a few months---hindi 2 times lang). At karamihan nga sa may mga totoong abs ay bading---yung mga tunay na lalaki, yung mga malalaki yung tiyan na nag-aagawan sa exercise machine para sa abs.
Pero he focused dun sa mga paraan --- or kaartehan --- sa pagpili ng pagkain para lang i-maintain yung abs.
Ang pagkakaroon ng abs, higit sa exercise, ay nasa diet. Marami akong naririnig sa gym dati na nakaka-200 daw silang sit-ups, pero aakalain mong anak sa labas ni Erap sa laki ng tiyan nila.
I guess his point was, ang tunay na lalaki walang pakialam sa itsura; praktikal, sa madaling salita: mas iisipin yung abala ng pagsasakripisyo sa pagkain, kaysa sa outcome.
... sa mas madaling salita: tamad.
Marami na akong kakilalang na nag-repost nito (probably para i-justify yung pagkakaroon ng bilbil). Pag maganda nga naman yung choice of words mo, hindi na mag-iisip pa ang mga tao, benta na agad sa kanila yung idea.

...at sa mas madali pa lalong salita...
...to sum up everything i said in this blog...
I disagree. ---yun lang.. *bow*
No comments:
Post a Comment