I had a friend during High School who told me this:
In the end, you have to fight on your own.
Not the exact words, but, well, parang ganun. I forgot what the situation was kung bakit niya nasabi yun. All I remember is nasa computer lab kami noon. I never forgot that moment. Bigla ba namang parang saniban yung kaibigan mo, at biglang nag-english, hindi ka naman ba magtaka nun?---yung parang bumwelo pa para mag-english. LOL
But seriously, tumatak yung sinabi niyang yun sa isip ko. Tuwing nakakaranas ako ng problema at wala na akong mahingan ng tulong, naririnig ko siya na sinasabi yun sa akin. Sobrang totoo nung statement na yun. In the end, hindi ka matutulungan ng mga kaibigan o kamag-anak mo. Maliban sa Diyos, wala ka nang ibang maaasahan kundi yung sarili mo.
Para sakin paalala yun para maging laging competent ka sa lahat ng gawain mo, kasi yung competence mo lang ang maaasahan mo (minsan nga, kahit competent ka, kulang pa rin).
Thursday, August 18, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment