[OMG, hindi ko talaga magawang magsulat ng blog na pure tagalog XP --- forgive me for murdering the languages]
Hindi ko mailaga yung link dito kasi hindi ko na makita yung site na pinagbasehan ko nito. Base dun sa sinulat, ---and I agree with this--- nitong mga nakaraang taon, ramdam na ramdam ung pagkalat ng epidemyang ito sa Pilipinas. Nung una akala ko, dahil lang mas madalas na akong nasa Maynila, pero pati sa mismong village pa lang namin, karaniwan na ito. Karaniwan na yung mga bata na sobrang lutong magmura, samantalang noong early 2000 halos wala kang akong naririnig na ganun. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin at tanggalin yung headphones ko para makarinig ng mga batang nagmumura sa labas ng bahay---sa tapat ng kwarto ko.
Naalala ko tuloy yung lyrics ng kanta ni Blakdyak (ganyan ba ang spelling?) noong Grade 6 pa ako.
"'Lo Mabuti pa kayo ni Lola, namulat sa matitinong uso..."
Noong panahon na yon, nacocornyhan ako sa lyrics. Yung mga ganitong kanta ang depinisyon ng "Novelty Songs"--may kabuluhan pa yung lyrics. Ngayon, kung bibigyan kita ng piso sa kada kanta na hindi puro 'puso', 'pag-ibig', 'damdamin', 'pagmamahal', sex, o revival, baka ni hindi ka makabili ng McFloat.
Sad to say, pero hindi na "efficient" ang maging mabuti ngayon, kasi yung society na mismo ang nagiging masama...ang nakakatakot pa dito, palala pa ito ng palala. "Uso" na ngayon ang maging masama. Kung sa negosyo, hindi ka bebenta pag hindi mo hahaluan ng kalokohan yung mga binebenta mo...utakan na lang, wala na yung "service".
-- to be continued (naubusan ng idea, nawawala na ako sa topic ahehe) --
No comments:
Post a Comment