Sunday, July 17, 2011

Other signs of aging

Habang nagkakaroon ako ng isang matinding conversation sa YM, nagulat na lang ako at biglang may nagbabasa ng lahat ng tinatype ko. Ayun pala, yung tito ko nakatayo sa likod, parang sinaniban ng isang text-to-speech program. Kailangan ba talagang basahin ng malakas lahat ng nakasulat kahit saan?? =\

Napansin ko rin tong habit na to sa pinsan ko na mahigit 20 years ang agwat sa akin...
Hindi naman niya yun gawain dati, pero mula nung dito siya tumira since last year, habit na rin pala niya ang magbasa ng lahat ng nakasulat.. tuwing may nagbabasa sa tinatype ko sa YM, inaalog ko yung window para tumigil yung nagbabasa...

Isa pang napansin ko---ewan ko kung sa pamilya lang namin to--- habang tumatanda, nagiging habit din yung pag-kanta ng gusto [niyang] sabihin...example:


oldperson: *nakikipag usap sa ibang tao*
oldperson: wala ka talagang ka-dala-dala!
oldperson: *be-bwelo muna* walaaaaang~ kadalaaaaadalaaa~(lagyan ng tono---kahit anong tono, hindi kailangang maganda)

Isa pa yung nagmomonologue... nakakairita. Yung bigla na ang magsasalita...parang facebook status na naghihintay comment at like. Madalas to sa bus. Halimbawa, biglang pumreno yung driver...tapos may katabi akong matanda biglang magsasalita: "kasi...dapat yung mga ......para "
Ako pa naman yung walang pakialam sa mga ganun...kaya ang ginagawa ko na lang, bigla kong ilalabas yung headphone ko at magpapatugtog ng napakalakas na Paramore.
Pero sa totoo lang, ang gusto kong gawin ay patugtugan sila ng I don't ca-a-a-a-a-are~

=\
----
*bwelo* Ang saraaaaaap isumbong kay bonggang-bonggang bong-bong ng habit nila na to. XP

No comments: