Sunday, June 5, 2011

clean your room, clean your mind

The appearance of your room reflects your personality and the state of your mind. Napatunayan ko ito kaninang umaga. I tried cleaning my room this morning and I saw lots of garbage hidden among the things that I actually use. Mahilig akong magtago ng mga bagay na tingin ko mapapakinabangan ko pa, pero later on, nagiging sagabal na lang at hindi ko naman talaga magagamit.

Marami akong naitapon na mga "relic"-- mga nahawakan ni kwan, tapos nagkaroon na ng sentimental value para sa akin. They don't really serve me any purpose besides being a reminder.

Parang ganun din sa isip ko: maraming kalat, maraming distraction--kaya hindi ko kaagad-agad magawa yung mga kailangan kong gawin.

Katulad ng isip ko, sumpungin din yung kalinisan ng kwarto ko. Pagkatapos kong maglinis, babalik na uli yung kalat kinabukasan. Actually ngayon pa lang nagbabalik na ulit yung kalay---kumusta naman.

Minsan, kahit mukhang malinis nga yung kwarto ko, pagbukas mo naman ng drawe, dun lang nakatago yung mga kalat. Nasa ilalim ng kama, nasa likod ng aparador-- naghihintay na bumulaga sa sinomang magtatanka na pasukin yung kwarto ko.

Being clean and organized is a habit that I need to learn.

No comments: