Tuesday, March 22, 2011

thesis tips

I graduated in 2008. Parang kailan lang, 3 days akong walang tulog para lang magawa ang modules ko sa thesis namin. Sa sobrang antok, mapapa-wish ka talaga na sana may magic, para magawa mo ang isang specific na bagay na kailangang-kailangan mo para matapos mo yung thesis mo(Sana pwedeng magteleport papuntang school, Sana pwede magtime-travel, etc). Merong mga bagay na wish ko lang sana naimbento na noon at mga bagay na sana naisip kong gawin noon.

1. Dropbox - para siyang folder na synchronized sa lahat ng pc na ginagamit mo. example: naglagay/nag-update ka ng file sa dropbox folder mo sa homePC...tapos may dropbox acct ka rin sa laptop mo...automatically, makokopya yung file sa dropbox folder mo sa laptop. Ang problema kasi pag maraming kopya ng isang klaseng file, malo-lose track ka sa version... Naalala ko dati, meron kaming "Thesis Final.doc", "Thesis Final na talaga.doc", "Thesis super final.doc"... no really! maraming version ng final, nagkakalituhan na.
Isa pang problema na masosolve ng dropbox...yung accessibility ng files. No more asking kung "nakopya mo na ba yung...sdfsdf.doc ko?" -- everything will be synced.
Suggestion: make a joint-dropbox account with your thesis mates.

2. Google Docs - may isang problema na possibleng magmula sa pagkakaroon ng maraming versions-- baka mali yung ma-save sa dropbox folder! this is where google docs will be helpful; with google docs, you and your team mates can edit 1 file simultaneously over the internet! just make a file and then share it with your team mate. Ipapakita ng google docs kung nasaan yung cursormo at ng ka-team mo. Para habang nag-eedit ka ng chapter 5a..pwede nang magsimula yung kasama mo sa 5b. just don't forget to save after every few minutes.
Isa pang advantage: autosave. after 5-10 seconds na tumigil ka sa pagttype, mag-ssave na automatically ang google docs.

3. SVN - Hindi ako sigurado kung pang mga I.T. people lang to. pero katulad nung naunang dalawa, tungkol to sa pag-sync. pang sync naman ito ng source code.

4. MS Office 2007 - Mas madaling gamitin. Plus may autosave feature para kahit mag-crash/mag-black-out, safe ang files. dont forget to turn that feature on!


-----------------

extra:

5. Good Playlist - Pag nanghihina ka na sa sobrang antok, pero meron ka pang kailangang tapusin...wag uminom ng redbull/Extra Joss/etc---instead, gumawa ng playlist containing the ff:

- Pomp and Circumstance (aka Graduation March)
- Alma Mater song
- The Final Countdown

Inspired by my best friends' current dillemas.. good luck bhests anna and jamt! =D

No comments: