last thursday galing akong ortigas...nag-apply sa isang company
as Animator!
yup, i'm that desperate na makahanap na ng trabaho.
drawing exam yung test...
marunong naman ako mag-drawing...in fact nagcha-charcoal painting ako since third year college, and may ilan na akong binigyan ng mga gawa ko (kinuhanan ko ng picture yung mga gawa ko bago ko binigay...ipopost ko nga minsan sa photos..). gumagawa rin ako ng caricatures---though not as good as yung mga gawa ng mga pinanganak na marunong mag-drawing (pinag-aralan ko lang ang pagddrawing....matinding tiyaga since Grade 6) pero maganda na para sa paningin ng ilan.
but still not good enough para sa mga on-the-spot na pagdrawing....
kaya ko lang magdrawing pag nasa mood ako----random kung umatake ang mood na yun...at bihira--- and yung oras ng pagkuha ko ng exam was not one of them
ang mga pinapa-drawing:
1. nude male and female, front and back (wala namang live model, thank goodness...kung hindi, may ma-ooffend sa drawing ko)
inabot ako ng 1 hour sa pagdrawing ng male front view... the rest tig-20/30mins na lang...dahil siguro kumalma na ako....nung una ko kasing makita yung listahan ng iddrawing nagpanic ako... i took me a while para kumalma
mukhang asong nagulat yung female front view na gawa ko...siguro pinag-pyestahan yun ng mga nagchecheck nung drawings... baka in a few days may mag-post nun sa failblog.org...XD
yung back view.... hindi ma-distinguish kung lalaki o babae...tsk
2. facial expressions (happy, sad, angry, surprised, scared)
alas....medyo matinong tingnan....dinaya ko to....ginawa ong anime style imbis na realistic.
hindi ganun kaganda pero at least hindi katawa-tawa
3. 3 Action poses
si Blade sana yung idodrawing ko pero naging kamukha ni Hard Gay...ang maganda pa nun...mukhang naka high catch pose siya
Lesson Learned: Hindi na ako mag-aapply sa ganitong work....T.T
Friday, January 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment