Nakaka-awa ang kalagayan nitong PC ko...
yung monitor minsan uber-blue or uber pink... dati nga wala kang makikita totally eh..
well, ngayon meron na... puro "super" colors nga lang. Loose ata yung cable papuntang CPU,
kasi umaayos pag hinahatak ko eh. Kaya ngayon andaming scotch tape at packing tape na
naka-pupupot dun sa likod nitong monitor.
yung CPU parang air-con lang... hindi malamig ha..--maingay. masasabi ko kung naka-bukas o nakapatay ito sa gate pa lang ako ng bahay namin.
It's also a multimedia powerhouse... multimedia, dahil eto ang CD/DVD/MP3 player, radio, and TV ko.. and Powerhouse dahil, pamatay yung kuryente nito. Hindi ko sinabing "ground" or "grounded" ito. "ground" is an understatement. Next time na bibili kami, gusto ko sana ung maraming parts
na gawa sa rubber or plastic (...T.T, kailan kaya yun?)
yung printer, dating tambayan ng daga. naaaliw siguro siya dun sa pag-back and forth nung cartridge...ewan ko, hindi ko alam dahil hindi naman ako daga.
At ang keyboard... kumusta naman.. bahay na rin ng mga langgam. Ewan ko ba kung anung nagustuhan ng mga langgam dito. ilang beses ko na silang sinubukang tanggalin, pero
pabalik-balik sila. Ayoko namang lagyan nung chalk na pamatay ng langgam kasi madalas
akong kumain sa harap ng computer.
Walang tumatalsik na pagkain sa keyboard kapag kumakain ako
(in case yun yung naisip mong cause).
Thank God walang paniki or ahas dito....eheheheh
Tuesday, February 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment